Ang buong akala ko ay sama-sama kami na sasakay ng mga rides pero ang ending eh kanya kanyang trip na rides ang sinakyan nila. Si Mica at Kirby ay magkakasamang sumakay drop tower, eh ayaw kong sumakay dun ang taas kasi, Si Janna at Jerry naman ay sa Wind Seeker. Kaya naiwan ako kasama si Zed at Scott.
Ugh... Awkward.
"So what now Sophie? Saan mo gustong sumakay?" Masiglang tanong sakin ni Scott. Breaking the silence.
"Uhm..." Di ko talaga alam kung saan kami sasakay. Sa roller coaster kasi eh napag-uspan na sabay-sabay daw kaming sasakay doon kasi lahat kami di pa nakaka-experience na sumakay sa roller coaster.
Nakita ko naman ang bumper car malapit sa may carousel. "Bumper car?"
Natawa naman si Scott. "Sure. Lets go?"
"Uhm.. how about you Zed?" alangan kong tanong kay Zed na naka-upo sa bench at pinagmamasdan lang ang mga rides.
"Nah. I'm good." tanggi niya at di man lang talaga ako tinapunan ng tingin.
Tsss. Fine bahala ka sa buhay mo.
Nakakatuwa sa bumper car, I can't imagine na sobrang mag-eenjoy ako. Lumabas ang pagiging isip bata ni Scott, talagang trip namin na magbanggaan nang magbanggaan, well bumper car nga di ba? at nakikipaglaro pa talaga siya sa mga batang kasama namin. Nakakatuwa talaga siyang pagmasdan.
His smile is such a beautiful view to look at.
Nagulat naman ako nang biglang may bumangga sa bump car na sinasakyan ko.
"Baka matunaw si Scott." sabi ni Janna with an evil smile. Nakita ko rin si Mica at Kirby na naki-join na rin samin.
"Loko!" binangga ko rin siya. Ngayon nman kay Scott ako nili-link? Anyare sa mga taong 'to?
Teka asan si Jerry?
Hinanap ko sa paligid si Jerry at nakita ko siya kasama si Zed na nakatingin samin pero agad ding tumalikod si Zed nang magtama ang tingin namin and Jerry just smiled creepily and waved at me.
Tssss. Ano ba talaga problema ng ice king na 'yon? Baka LQ sila ng girlfriend niya? whatever!
"Waaah!" ayun at may bumangga nanaman sakin.
Si Scott with that smile again
"Spacing out?" He said.
dug. dug. dug. dug.
Hala anyare sa puso ko? Masyado ata akong nagulat at ang lakas ng tibok.
"Adik! Nagpapahinga ang tao eh!" sabi ko at binangga din ang car niya. At ayon pinagtulungan namin ni Janna at Mica. Ang ending eh naging boys vs. girls pero siyempre talo sila kasi tatlo kami dalawa lang sila. haha
Tawa parin kami nang tawa paglabas namin ng bumper car. Ang sarap talaga bumalik sa pagkabata, nakakawala ng stress.
Pero nawala naman bigla ngiti ko nang makita ko ang walang ka-emo-emosyon na mukha ni Zed.
"Bakit di ka sumama brad?" sabi ni Scott kay Jerry.
"Sinamahan ko lang 'tong Vice president natin." sagot naman ni Jerry.
Wala, poker face parin si Zed.
Napansin ko namang simula pa kanina ay hindi nagpapansinan si Mica at Jerry. Madalas din mag-iwasan ng tingin. Ano bang nangyayari sa mga 'to? Mayroon ata akong hindi alam?
M.U. na si Janna at Jerry, alam kong aso't pusa naman si Mica at Jerry at halata naman kay Kirby na may gusto siya kay Mica. Pero si Mica sino kaya ang gusto? At itong best friend ko ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Jerry?
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Ficțiune adolescențiA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...