Chapter 16 : Stranger

1.9K 51 0
                                    

Hinatid ako ni Zed sa bahay ng gabing 'yon na sinabi niya sakin na tapos na daw ang pagpapanggap namin kasi umalis na si Kuya Alex papuntang US. Di ko alam kung matutuwa ba ko dahil sa unang pagkakataon ay hinatid niya ako pauwi sa bahay namin o malulungkot dahil 'yon na rin ang huli.

Bakit kung kailan nagsisimula ng magbago ang pakikitungo niya sakin ay saka rin naman matatapos ang ugnayan naming dalawa?

But we can still be friends right? Magkasama naman kami sa Club.

Pero sa ugali ni Zed mukhang imposible na magiging magkaibigan kami. Eh hari ng pagka-snob at suplado kaya 'yon.

I sighed. One week na pero di ko man lang nakikita si Zed. Ni anino niya walang nagpapakita sakin. Ngayon ko lang narealize kung gaano ka-boring ang buhay ko dati nung mga panahon na di ko pa kilala ang lalaking 'yon. Simula ng dumating siya gumulo ang buhay ko pero at the same time nagka-thrill, nakakatawa ngang isipin na nalulungkot ako ngayon na nakawala na ako sa atraso ko sa kanya samantalang noon ay di ako makapag-antay sa pahanon na 'to.

Wala nanaman akong kasabay kumain sa cafeteria, si Janna kasi madalas si Jerry ang kasama kumain sa labas. Ayoko rin naman magreklamo sa babaeng 'yon dahil ngayon lang uli iyon nag-lovelife simula ng last break-up niya sa lalaking pinaka-matagal niyang nakarelasyon.

"Haaaay... buhay...." siguro kung nagsasalita ang gulay na nasa plato ko nagreklamo na sa kakatusok ko kanina pa.

"Guess who?" Sabi ng boses ng lalaking biglang nagtakip sa mata ko.

"Sus. Pabango mo pa lang kilala ko na!" Natawa naman siya at umupo sa tabi ko.

"Grabe! Lakas ng pangamoy. Magpapalit na nga ako ng pabango." Nakatawang sabi ni Scott.

"Ano pala ginagawa mo dito? Akala ko may practice kayo ng basketball team buong araw?" Tanong ko sa kanya. Ang pagkaka-alam ko kasi ay naghahanda na ang varsity team para sa nalalapit na championship ng intercollegiate tournament four months from now.

"Tumakas ako siyempre."

Binatukan ko nga ang loko. "Bakit ka tumakas? Malalagot ka sa coach 'nyo."

"Aray naman. Di ka ba masayang makita ako ha." Nag-sad face ang mokong.

"Adik! Nag-aalala lang ako kasi baka mapagalitan ka ng coach mo. Ikaw rin!"

Ngumiti naman siya. "Napadaan lang talaga ako dito nang makita kong mukha kang nautangan ng isang milyon diyan."

"Tingnan mo to!"

"May problema ba?"

"Wala. Wala lang kasi akong kasama kumain." Pagsisinungaling ko, pero siyempre di ako tumingin sa mata niya kasi bka mahuli niya ako.

"Sus! 'Yon lang pala eh. I'll join you just wait for me there."

Wala na akong nagawa nang agad itong tumayo para bumili ng pagkain.

Pero natuwa rin naman ako, at least may kasabay na ako. Di naman talaga dahil sa mag-isa lang akong kumakain kaya ako wala sa mood kundi dahil kay Zed. Di ko rin naman masabi kay Scott dahil bukod sa nakakahiya ay magkaaway sila ni Zed.

"Kung wala si Janna you could have just texted or called me para masabayan kitang kumain." He scolded me.

Minsan parang kuya ko kung umasta ang isang 'to. Pero isa 'yon sa ugaling ikinatutuwa ko sa kanya.

"Alam ko naman po na busy ka kaya di na ako nag-abala pa."

"May break time po kami FYI."

"Oo na po kuya!"

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon