[Sophie]
Alasais ng umaga ay nasa harap na kami ng convenient store malapit sa village nila Janna. As usual parang nag-alsabalutan nanaman ang best friend ko.
"Magagamit mo ba yang lahat ? Three days lang tayo 'don babae."
"Di kasi ako makapili ng mga isusuot ko, kaya dinala ko na lang lahat para may pagpilian ako." rason niya.
Napailing nalang ako.
Maya-maya ay nakita ko na ang paparating na sasakyan ni Scott, siya kasi ang nag-insist na magda-drive papuntang Airport, since allowed ang sasakyan niya na iwan sa airport, gawa ng ninong niya na di niya sinabi kung anong katungkulan doon.
Kung saan kami pupunta? Sa isang isla lang naman na pag-mamay-ari nila Jerry sa Bicol na tinayuan ng isang private resort. At dahil sa ninong ni Janna nanagmamayari ng Montreal Airlines, may masasakyan kaming private planes, not one, but three. Iba na talaga kapag bigatin ang mga ninong, napapabuntong-hininga nalang ako.
Bumaba sa kotse si Scott at naglakad papalapit sa'min, smiling widely. He kissed me on the cheek and looked at Janna's luggage. "Why am I not surprised?"
"Eh kung tulungan mo nalang kaya akong isakay 'to sa kotse mo 'no?" pairap na sabi naman sa kanya ni Janna.
"Yes Ma'am." Sagot naman dito ni Scott, sabay bitbit sa malaking luggage ni Janna.
Natawa na lang ako sa dalawa, simula nang maging kami ni Scott ay lalong naging mas close silang dalawa. Di na rin takot si Scott kay Janna kaya nabibiro na niya ito.
"Let me carry your bag." Sabi naman niya sakin.
Umiling ako. "Wag na, di naman mabigat 'to." Isang malaking backpack lang naman kasi ang dala ko.
Di narin siya namilit dahil alam naman niyang di niya ako mapipilit.
Dahil sa nangyari noong nakaraang cultural event, mas lalong naging maalaga sa akin si Scott. Siguro dahil sa takot niya rin kay Kuya Ron. Di ko nga akalain na maging si Zed ay halatang natakot din sa kanya, sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, siya 'yong tipong gusto na siya lagi ang nasusunod-bossy-kaya naman nagulat din ako nang hinayaan niya lang na pagsabihan sila ni Kuya Ron.
And as for Zed's whereabouts, I have no idea. Simula nang araw na 'yon ay di ko na siya nakita sa school. Well, what's new? Lagi naman siyang ganyan, bigla na lang nawawala at bigla na lang magpapakita.
Forty-five minutes lang ang biyahe namin by plane, one hour by land hanggang sa may pantalan at two hours naman by boat papunta sa private resort nila Jerry na sila rin ang nagmamay-ari mismo ng isla.
Halos malaglag ang panga ko sa nakikita kong tanawin. Sobrang ganda ng lugar, ang linaw ng tubig, maputi ang buhangin. May mga cabin na malapit sa dagat at may three story na building sa di kalayuan, iyon ata ang nagsisilbing hotel dito. Di katulad ng sa Batangas na resort nila, iisa lang ang concrete building dito, wala rin akong natatanaw na pool mula sa kinatatayuan ko. Maybe it was designed that way so that people can enjoy the beach more.
But dang, I can't believe that Jerry's family really owns the entire island. Hindi naman sobrang laki ng isla na pwedeng tayuan ng isang community, pero ang laki na nito para sakin.
"Just how rich can this guy be?" wala sa sariling nasabi ko. Nakatayo sa may wooden dock na dinaungan ng boat.
I heard Mica giggled. "At least not as rich as Zed."
Napatingin na lang ako kay Mica na ibinababa ang ibang gamit niya sa wooden dock mula sa bangka. Kung ganun mas malala pa talaga ang mga pagmamay-ari ng pamilya ni Zed? Kung sabagay, ang mansion nga nila eh sobrang laki para sa apat lang naman na miyembro ng pamilya eh, ano pa kaya ang ibang ari-arian nila?
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Teen FictionA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...