Chapter 42: Uninvited Guest

1.4K 62 43
                                    

[Sophie]

Napangiwi na lang ako pagtingin ko sa mukha ko sa salamin. Halatang puyat ako dahil sa eyebags. Nakakainis naman kasi, late na ako nakatulog kagabi tapos ang aga ko pa na nagising. Di kasi ako makatulog gawa ng kakaisip sa mga nangyari, lalo na sa mga kinikilos ni Zed pati na sa sinabi niyang gusto niyang sabihin sakin.

Ang labo niya. Bakit siya ganun? Engage na nga siya sa babaeng mahal niya di ba? Bakit kailangan pa niyang gawin yun? Ano bang gusto niyang sabihin? Di pa ba siya tapos na paglaruan ako? Pero...Argh! Di ko na alam!

"Babae! Di ka pa ba tapos? Najejebs na ako!" Rinig kong sabi ni Janna sa labas habang kumakatok.

Lumabas na lang ako since tapos narin naman ako maghilamos. Nabungaran ko naman ang di na maipintang mukha ni Janna.

"Hay salamat!" dali-dali siyang pumasok sa loob ng CR.

Natawa na lang ako. Yan kasi, kung makalamon kagabi akala mo bibitayin na siya kinabukasan. Si Mica naman ay tulog pa sa kama. Almost 1:00am narin kami nagsi-akyat sa room namin, nagenjoy kasi sila masiyado sa game.

'Shall I kiss you now?'

Anak ng kabayo! Bakit ba nagpe-play parin sa utak ko yan?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Di pwede 'to, paano ako makaka-concentrate sa gagawin ko kung lutang ang utak ko? Dalawa pang paintings ang kailangan kong gawin at di madali ang pag-pepainting.

Alas-sais na ng umaga. Masarap sanang maglakad sa tabing dagat pero tinatamad ako kaya nakuntento na lang ako na tumambay sa veranda ng room naming at langhapin ang hangin na nagmumula sa dagat. Gusto ko pa sanang matulog kaso di na talaga ako makatulog di rin ako makababa pa para mag-breakfast kasi usapan namin na sabay kaming tatlo na pupunta sa dining hall besides 7:00am pa ang simula ng breakfast.

I frowned when I saw a guy and a girl on the garden. Parang familiar sakin yung lalaki, di ko kasi masiyadong mamukhaan kasi nasa taas ako, ewan ko ba kung bakit trip ng mga kasama ko na dito sa 9th floor kumuha ng room. Kung gusto nila ng mataas na floor eh di sana sinagad na nila sa 10th floor since hanggang sampung palapag itong hotel.

Wala, malabo na rin talaga siguro paningin ko di ko talaga makilala kung sino ang mga 'yon.

I just shrugged. Ano naman pakialam ko sa dalawang 'yon eh di naman na bago sakin ang makakita ng mga mag-jowa at mga naglalandian na mga ka-clubmate namin.

"Grabe naparami 'ata kain ko kagabi."

Napalingon ako kay Janna na lumabas din sa veranda. Mukhang tapos na siya sa business niya.

"Ngayon mo lang narealize 'yon?"

She pouted. "Eh kasi ang sarap kumain eh."

Napabuntong hininga naman ako. "Pero OA yung kain mo kagabi ah. May problema ba?"

She stood beside me and leaned on the railings. Minsan may pagkakataon na di ko rin mabasa ang mood ng babaeng 'to. Even though she is my best friend I still have this feeling that I don't know everything about her. Weird but I never mind. There are really things that couldn't easily be said and shown.

"Nothing. Don't worry about me." She said smiling.

"Are you sure?"

"Oo naman. Eh ikaw, okay ka lang ba?"

"Yeah. I'm trying to be."

Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari samin ni Zed, nahihiya ako at isa pa mukhang may sariling issue din siya na kinakaharap ngayon, ayoko ng dumagdag pa.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon