Chapter 12: Q & A

1.8K 59 1
                                    

Di ko alam kung ano magiging reaksiyon ko habang tinitingnan si Zed na literal na gumugulong sa katatawa.

Di ako makapaniwala na kaya niya palang tumawa na parang wala ng bukas pero di rin ako makapaniwala na sobrang galing niya umarte at napaniwala pa ako na seryoso ang sinabi niya na totohanin namin ang relasyon namin.

Bwisit lang talaga! Bwiseeeet!

"I can't believe that you fell for that!" Tawa parin siya ng tawa. "You should've seen your face."

Arghh!! He's so evil!!

"Malagutan ka sana ng hininga sa katatawa diyan!"

Tumigil naman siya sa pagtawa. Takot yatang malagutan ng hininga.

"Alright, I'm sorry." Sabi niya at dahil sa hindi ako sanay na nang-gagaling sa bibig niya ang word na 'sorry' napabalik uli ang tingin ko sa kanya. "Look, It will be over soon so you just have to bear with it a little while."

Oo nga pala ang usapan namin eh hanggang sa gumaling lang siya. Mukhang okay na ang injury niya sa paa, malapit na rin gumaling ang sugat niya sa braso.

At last matatapos na rin ang paghihirap ko sa lalaking 'to.

But just thinking about it made me sad. Sa maikling panahon kasi ay kasama na sa sistema ko ang existence niya. And yeah, I've fallen for this annoying guy, kaya siguro sobrang bigat sa pakiramdam.

"Yeah, right." I sighed and looked at the stars again.

"You don't seem to be happy. Akala ko di ka na makapaghintay na makawala sa'kin? Don't tell me you have already fallen for me?"

Napalingon ako sa sinabi niya. "W-what? O-okay ka lang? Di ako magkakagusto sa isang tulad mo noh!"

"Good." He said so casually.

Ouch! Strike two.

So ako lang talaga ang nalulungkot na matatapos na 'tong kalokohan na 'to.

Ngayon ko lang naisip na wala pa pala akong nagagawa na kahit na ano para matulungan ang lalaking 'to. I've been with him for a while now pero I don't think I have changed something in him.

Well, I guess I'm not really the right person who could help him.

"Can I ask you some questions?" tanong ko.

Siguro di naman masama na bago pa man matapos ang kalokohan naming 'to eh makilala ko man lang siya kahit papaano.

"It depends on the question." sagot naman ni Zed na nakahiga parin at nakatingin sa langit.

"Okay. If you don't want to answer the questions, then just say so."

"Okay deal."

"Magkakilala na ba kayo dati pa ni Scott?" Tanong ko.

"Yes."

Yes? yun lang ang sasabihin niya wala ng karugtong? Ang tipid naman sumagot ng isang 'to.

"Okay, then why do you seem to hate each other?"

"I don't hate him but I don't like him either. If you're going to ask why he's acting like that towards me then ask him."

Tch. Kainis! ganito ba talaga ang normal na pagsagot niya?

Pero curious talaga kasi ako, bakit ganun na lang silang dalawa sa tuwing nagkakaharap, parang magpapatayan? Ugh!

"Okay. Another question-"

"Wait." putol niya sa sinasabi ko. " I think it's a bit unfair. I must to ask you some questions too just to be fair."

Litsii! Bakit parang kinilig ako sa narinig ko?

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon