Chapter 24: Confession

1.9K 53 0
                                    

Nakakapagod din pala ma-involve sa club activities, halos gabing-gabi na kami umuuwi ni Janna. Buti na lang talaga at sumali sa club si Janna dahil kung hindi wala akong kasamang umuwi ng late.

Sa mga araw naman na nag-hahanda kami para sa event ay hindi ko man lang nakausap si Zed. Balik nanaman siya sa pagiging snob niya simula ng umuwi kami galing excursion. Hirap niyang basahin talaga. Hari ng mood swing.

Napabungtong hininga na lang ako at pagbagsak na nahiga sa kama. Siguro once in a blue moon ko lang makikita ang ang ekpresyon niyang 'yon.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya nung tinulungan niya akong umahon sa dagat. Di ko alam kung bakit, pero napapangiti ako sa tuwing ma-aalala ko 'yon. Kahit pala parang bato ang ekpresyon niya lagi ay natitibag din ito.

Napapaisip tuloy ako kung anong klaseng tao ba ngayon si Zed kung hindi sila iniwan ng Mommy niya. Alam ko namang kahit na mukhang walang paki-alam sa mundo ang isang 'yon, at kahit na madalas niya akong pag-tripan at pahirapan ay isa siyang mabuting tao.

Naalala ko nang di siya nagdalawang isip na hubarin ang polo niya para ipasuot sakin. Aish! Oo nga pala hindi ko parin sa kanya naibabalik 'yon.

Eh paano ba naman kasi di siya namamansin sa school. Kainis!

Puntahan ko kaya sa condo niya?

Tama pupuntahan ko na lang siya doon. Wala naman sigurong masama kung pupunta ko doon. Dati naman pinapapunta niya ako doon alam ko pa nga password eh.

"Yosh! Pupunta na lang ako bukas."

As expected madaming estudyante galing sa ibang school ang pumunta sa school festival slash foundation week ng school. Madami sa kanila ang manghang mangha sa facilities ng University. Well, it's an elite school after all.

Pero ang di parin ako sanay ay ang makita din ang mga malalaking tao sa lipunan na nandito. May mga pulitiko at mga business tycoons pati narin celebrities. Oo nga pala pagmamay-ari ng nangungunang tao sa business industry dito sa bansa ang may-ari ng school namin, pero sa normal na school ko nung highschool kasi di naman ganito.

"Thank you for coming Sir." Sabi ni Jerry sa isang lalaki na bumili ng painting. Kung tama ang rinig ko ay presidente siya ng isang bangko.

"What's with that face Sophie?" tanong niya sakin.

"Di parin kasi mag-sink in sa utak ko na may bibili sa mga paintings natin na prinesyohan mo ng pagka-mahal mahal."

Tumawa naman siya. "Normal lang naman na ganyan ang presyo ng painting eh. Besides pinag-hirapan natin yan."

"Di ko parin ma-gets ang logic promise. Pang professional artist ang presyo mo eh mga estudyante lang naman tayo?"

"That's how it works here."

"Eh?"

Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. "Don't worry our clients can afford it."

Sabagay nalula nga ako nang may bumili ng painting ko na sunset na may presyong ten thousand, eh yun ang pinaka simpleng painting ko. Nag-alala pa ako nang makita ko ang mga presyong nilagay ni Jerry kasi baka wala kaming mabenta at maibigay sa foundation na napili namin na tulungan.

Pero ngayon paubos na ang mga paintings. And guess what? Ang best seller lang naman ay painting ni Zed na may presyong fifty thousand ang isa.

Halos mag-agawan ang mga estudyanteng babae dito na pumila ng pagka-aga-aga para mabili ang ginawa ni Zed.

Sila na ang may perang ganun kalaki! Sila na talaga!

Speaking of Zed. Di pa siya nagpapakita dito sa school, walang kwentang vice president talaga.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon