[Sophie]
Medyo hilo parin ako na sumakay sa elevator pababa. Malilintikan sakin si Jerry kung sinadya niya na ibigay sakin ang susi ng room ni Zed. And speaking of the devil, pagkababa ko sa elevator ay siya agad ang nakita ko sa may reception sa lobby.
"Hoy Jerry!"
Napalingon naman siya sakin at napakunot ang noo nang makita ako. Siguro dahil sa band-aid na nasa noo ko.
"Sophie, what happened to you? At bakit dala mo parin ang bag mo?" Takang tanong niya.
Totoo bang sinasabi nito na para bang wala siyang alam o nagmamaang-maangan lang. Pero parang inosenteng tanong naman ang tanong niya sakin. Ugh! Whatever.
"Nauntog lang ako. Mali ang nabigay mo saking susi." Sabi ko sakanya sabay abot ng susi sa kanya.
"Huh? Really?" inabot naman niya iyon saka tumingin sa dalang papel . Siguro list ng mga room na occupied ng members.
"Really."
Napakamot siya sa ulo. "Oo nga. Sorry Sophie, Room 903 pala kayo, naduling siguro ako kanina."
Sarap bigwasan ng lalaking 'to. "Ibigay mo na lang sakin ang spare key bago pa kita ma-flying kick."
"Yes Ma'am!" Agad naman niyang hiningi sa receptionist ang susi at binigay sakin.
"Sorry talaga. Pero okay ka lang talaga? Saan ka nauntog? Di naman ba nagdugo yan?"
Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko sa mga tanong niya. "O-okay lang ako. Nauntog lang ako s-sa... sa may pintuan nung room 603.. m-may.. may ibang tao pala kaya ayun.."
Gusto kong mapa-facepalm sa sinabi ko. It doesn't make any sense at all. Sana lang palagpasin na lang ng lalaking 'to ang sinabi ko.
"Ganun ba? Sorry talaga." Hingi niya ng paumanhin at mukhang sincere naman siya.
Tsk siguro pinaglalaruan lang ako ng tadhana. Sa lahat ba naman kasi ng room ay sa room pa ni Zed ako napunta.
"Tulungan na lang kita na dalhin ang gamit mo sa room 'nyo makabawi man lang." Alok niya.
"Oh eto." Di naman ako nag-dalawang isip na ibigay sa kanya ang backpack ko.
Siya na ang nag-dala ng backpack ko at ako ang nagbukas ng room. Pinalapag ko na lang sa kanya sa kama ang bag ko at sabay na kaming bumaba kasi malamang ay hinahanap narin kami sa baba.
Pagbaba namin sa elevator ay saktong bumungad samin ang pagmumukha ni Scott sabay pa ng pagbaba naman ni Zed sa katabing elevator.
Napatingin samin si Zed at ganun din kaming tatlo sa kanya pero tumalikod din ito agad at naglakad papunta sa exit. Feeling ko mahihimatay ako sa titig nanaman niya. As much as possible ay gusto kong kalimutan na muna ang nangyari kanina.
"What happened to your forehead?" Tanong ni Scott na naka-kunot ang noo.
"Nauntog lang ako." Sagot ko naman. Which is true, but I don't wanna tell them where.
"Nauntog?" Parang di siya naniwala sa sinabi ko at napatingin kay Jerry.
"Nauntog siya sa cabinet habang nag-aayos ng gamit. Don't worry kasama niya ako kanina kasi pinacheck sakin ni Janna kung bakit matagal bumaba si Sophie. Buti na lang ang masunurin ako kaya nasamahan ko siya papunta sa Clinic." Paliwanag naman ni Jerry.
Di ko alam kung magpapasalamat ako o ano kay Jerry. Ang galing niya mag-isip ng palusot at mukhang kapanipaniwala, nagdududa tuloy ako kung sinadya niya talaga ang pagbigay sakin ng susi ng room ni Zed o hindi.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Ficção AdolescenteA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...