Chapter 18: Not Amused

1.8K 49 0
                                    

"Alam mo kanina ka pa, nasa amusement park tayo teh pero ang mukha mo parang nasa memorial park." reklamo sakin ni Janna.

Nasa isang amusement park kami kasama si Jerry, ewan ko ba kung bakit ako naisipang isama ng dalawang 'to eh date nila 'to. Gusto lang akong gawing chaperon para payagan siya nila tito na pumunta dito.

"Sabi ko naman sayo na di na lang ako sasama di ba?"

"Dinala ka nga namin dito para mag-enjoy. Lagi ka na lang kasing naka-busangot eh."

"Wala lang ako sa mood."

"Sus! Last week ka pa wala sa mood!"

"Sabi ko naman sayo babes eh isama natin si Zed para naman may kasama 'tong si Sophie eh."

Sinamaan ko naman ng tingin si Pres. "Nang-aasar ka ba?"

Yeah, well dahil kay Janna naging mas close kami ni Jerry, at ang magaling na babae ay talagang nilalaglag ako. Sabihin ba naman kay pres na may gusto ako kay Zed, hindi na inisip na close ang dalawa. Tsss. Sarap kutusan ng babaeng 'to eh! Buti na lang at nag-promise naman si pres na wala siyang sasabihin na kahit na ano kay Zed.

Gusto ko rin sana malaman kung sino 'yong babae na kasama ni Zed noong practice game nila kaso nahiya naman ako kay pres at buti na lang di rin nagkwento si Kuya Ron kay Janna tungkol sa nangyari doon, dahil kung hindi, malamang kukulitin niya ako.

"Chill. Peace tayo, pero sa totoo lang gusto talaga kita para kay Zed." Sabi niya at nag-peace sign pa, ang bakla lang tsss.

I just sighed and rolled my eyes. Buti pa siya gusto ako para sa kaibigan niya pero ang kaibigan niya ay maliwanang pa sa kabilugan ng buwan ang pagkawala ng interes sakin.

He just chuckled.

"Sus namimiss mo lang si Zed." Pang-aasar ni Janna.

"Sige mang-asar pa kayong dalawa! Baka nakakalimutan nyong kaya kayo naka-pagdate sa ganito ka-layong lugar dahil sakin!"

Long weekend kasi kami ngayon dahil sa holiday. Balak ko lang sana na matulog at magpahinga lang sa bahay buong weekend kaso itong dalawa talagang kinulit ako na sumama sa kanila. Tsss.

"Ang pikon mo girl!" Sabi pa ni Janna at nagtawanan ang dalawa.

"Mag-sama nga kayong dalawa diyan."

Ugh! Hopeless.

Akala ko ba opposite attracts? Eh magkaparehong magkapareho ang ugali ng dalawang 'to eh.

"Haaaay.... Babes wala ka bang maibibigay man lang na tips dito sa bestfriend ko? Like, mga likes and dislike ni Zed?" I just rolled my eyes ayan na naman ang bestfriend ko na ewan.

"Well, sa pagkakakilala ko naman sa isang 'yon pagdating sa babae eh hindi siya breast man, more of leg man yun."

"So anong gusto mong sabihin Mr. Mendez?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Natawa naman sila parehas. Tsss!

"Trip nyo talaga kong asarin ngayon noh?"

"Chillax girl atleast may pag-asa ka di ba?"

Bwisit! Oo na ako na ang flat chested. "Tssss. Salamat ha nakaka-encourage grabe!"

"Pfffftt.."

At ayun kumawala uli sa pagtawa ang dalawa.

"Well seriously speaking, ganun nga talaga siya. And he likes girls with long lashes..."

Mahaba naman pilik mata ko and makinis naman ang legs ko.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon