[Sophie]
Sa wakas at isa na lang ang painting na kailangan kong gawin and we still have three days to stay here. May oras pa para mag-relax at ma-enjoy ko ang excursion na 'to-kung wala lang sana ang fiancée ni Zed. As much as possible ay iniiwasan kong magkrus ang landas namin dito sa resort kaya talagang iniiwasan ko kung saan man sila pwede pumunta, pero siyempre nakikita ko parin sila. Minsan nga nag-iinit ang ulo kasi kung titingnan mo kung paano siya maglambing kay Zed ay parang wala siyang kalokohan na ginagawa sa likod nito. Sabi naman ni Jerry ay three days lang ang stay ng babaeng 'yon so bale hanggang ngayon na lang siya dito.
Sigh.
Habang busy ang mga kasama ko ay naisipan ko na lang na magrelax muna, kaya pumunta ako ngayon dito sa may infinity pool. Nakaupo lang ako sa may gilid habang nakalublob ang paa sa tubig. Nakakarelax lang kasi dito dahil sa view ng dagat na aakalain mong karugtong nitong pool. Balak kong panuorin ngayon ang sunset, it's 4:00pm kaya hihintayon ko na lang.
"Sophia?"
I turned my head upon hearing a not-so-familiar voice. Nagulat ako na makita si Pia na nakatayo sa likod ko. I looked around pero mukhang di niya kasama si Zed.
Anong ginagawa niya dito?
"Ikaw nga. Tapos ka na ba sa artwork mo?" nakangiting tanong niya.
The way she smiles would make you think that she's so innocent. Maganda siya, even I can tell that much. Siguro kung lalaki rin ako ay magkaka gusto din ako sa kanya. But looks can be deceiving, right?
I forced a smile. "Isa na lang ang gagawin ko and I already have a thing in mind of what to paint next kaya nag-papahinga muna ako."
"I see." Nakangiti paring sabi niya. "Uhmm.. then pwede mo ba akong samahan na maglakad-lakad dito? I'm a bit bored kasi."
Bakit kaya niya naisipan na magpasama sakin? I seriously thought that she hates me.
"Ganun ba? Eh si Zed bakit di ka niya sinasamahan?"
"I left him alone muna, nagpe-painting kasi siya eh ayoko naman siyang istorbohin 'coz that guy really preferred to be alone in a quiet place when painting."
Mukhang kilalang-kilala niya talag si Zed, maski ganung mga bagay alam niya samantalang di ko nga alam na ganun ang lalaking 'yon. Eh di siya na.
Napa-isip naman ako. bakit di ko na lang gamitin ang chance na 'to para kausapin siya tungkol kay Kirby?
"Oh. O-okay."
We walked towards the beautiful and vast garden of the Resort. Ang nakakatuwa sa garden ay di nila ginalaw ang mga puno na mukhang nandoon na dati pa but just enhanced it with flowering plants at manmade pond. Tahimik lang kami ang it felt so awkward. Di ko rin alam kung anong tamang sabihin para i-open up ang tungkol sa relasyon nila ni Kirby.
"Di parin nagbabago ang resort na 'to." Medyo nagulat pa ako nang magsalita siya. "But I mean it in a good way."
She's still smiling and acting as if were old friends. I don't know if it's a good thing or what.
"Really? Second time ko pa lang kasing nakapunta dito, di ko pa nga nalilibot actually angbuong resort nila."
"Yeah. Lagi kaming nandito noon during high school kapag gusto naming malayo sa magulong siyudad. It's a private resort kaya talagang marerelax ka, we actually do a lot of stuff here." Kwento niya.
She sounded friendly but I don't know why I felt like she's actually bragging about their relationship. Kahit naman di niya pangalanan ang taong kasama niya ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. I don't know, maybe I'm just freaking jealous and I hate it. I must not feel this way.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Novela JuvenilA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...