Chapter 21: Excursion part 2

1.8K 59 1
                                    

Note: Lil' sissy coraracoma345 as promised heto na ang UD. .haha. .Lab u! Hope you like it!

• • • •

Pagbaba ko sa lobby ay andun nga si Scott hinihintay ako napapalibutan ng iba naming mga club mates na babae.

Ewan ko ba kung bakit naiinis akong nang makita ko sila. O sadyang inis lang talaga ko sa mga malalandi. Tssss.

"Hey." Lumapit agad si Scott pagkakita niya sakin at nakita ko naman ang mga nanlilisik sa mata ng mga iniwan niyang babae.

"Wow, you look cute on that outfit."

Napayuko naman ako dahil naramdaman ko ang pang-init ng mukha ko.

Di kasi talaga ako sanay na pinupuri eh.

Ewan ko rin sa lalaking 'to kung anong cute sa suot ko eh naka-short lang naman ako at nakasuot ng maluwag na hanging blouse. Well, balak ko kasing mag-swimming mamaya pinatungan ko lang ang suot kong two piece ng suot ko ngayon. Pero hindi talaga ako magttwo -piece kasi wala akong guts. hohoho

"Ah.. Eh... Ano 'yung ipapakita mo sakin?" pagiiba ko ng topic.

"Cute. Umiiwas sa compliments." Kinurot niya ang pisngi ko.

"Aray ko naman Perez! Masakit."

"Sorry ang cute mo kasi."

"Psh. Tara na nga! Ano ba yang ipapakita mo sakin? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako diyan ha!"

Ngumiti naman siya. "Siguradong matutuwa ka, I guarantee it."

Pumunta kami sa isang garden ng hotel na tinutuluyan namin at doon sa may malapit sa benches ay nakita kong may naka-tayong canvas pero nakatalikod ito sakin.

"Close your eyes first and I'll count one to three then you open your eyes okay?" sabi ni Scott.

"Bakit ano ba yan? Ipakita mo na lang kasi."

"Wag ng makulit Villamor just do it."

"Psh. Fine." Sinunod ko rin ang sinabi niya at pagkatapos niyang magbilang hanggang tatlo ay binuksan ko ang mga mata ko.

"Oh my gosh Scott! Ang galing mo!" Napatakip ako ng bibig sa nakita ko.

Naka-pinta sa canvas ay ang mukha ko, talagang gayang-gaya niya.

"Glad you like it."

"Like it? I love it Scott! Grabe!" Ito ang unang beses na may nagpinta ng pagmumukha ko eh.

Ano naman kaya ang naisipan ng lalaking 'to at mukha ko ang pinag-diskitahan niya?

"Teka.. Hindi mo naman isasama sa ibebenta yan sa Foundation day noh?" Tanong ko.

"Silly. Of course not. Pero sa tingin ko bebenta tayo kung ikaw ang gagawin kong subject sa paintings ko."

"Loko! Kakalbuhin kita kapag ginawa mo yan!"

"Okay lang, gwapo parin naman ko kahit kalbo."

"Aba... so talagang pinangatawanan mo na ang pagiging GGSS?"

"Bakit hindi ba ako gwapo para sayo?"

"Oo na lang. Kaibigan naman kita eh. Psh."

Nag-pout naman siya. Ang cute, kaya natawa ako and he also ended up laughing with me.

Minsan naiisip ko, bakit hindi na lang siya ang na-gustuhan ko.

Natigil kami ng pagtawa nang biglang may tubig na bumuhos samin. Tumingin naman kami parehas sa taas ng building ng hotel pero wala naman kaming nakitang tao sa mga terrace.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon