"Y-you're awake!""Of course I'm awake, idiot." Dahandahan siyang umupo ako naman ay parang na petrify sa sobrang pagkabigla.
What to do?
"Sino ba naman ang 'di magigising sa sobrang ingay mo."
Wait, what did he just call me? Idiot? This freaking pervert called me an idiot? Ang kapal talaga ng mukha!
Tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" Aba at siya pa ngayon ang may ganang mag-sungit?
"Kailan ka pa nagka-malay?" i asked instead.
"Why? Does that concerns you? Nanay ba kita? Close ba tayo?" Aba't napaka antipatiko pala ng lalaking ito.
Sarap manapak talaga sa totoo lang!
"And what are you doing here by the way?"
Di naman ako agad nakasagot. Ano nga ba ang dapat kong isagot?
"K-kasi a-ano..." badtrip! Anong isasagot ko?
"Kasi nakokonsensiya ka sa ginawa mo sa paa ko that caused me this accident, am I right?"
Shoot! I-dedeny ko pa ba?
Pero badtrip na lalaking to! Talaga palang sinisisi rin ako sa nangyari sakanya. Katangahan niya rin naman kung bakit nangyari ito sa kanya di ba?
Ngunit yumuko nalang ako at tumango.
"Pero di ko naman alam na may injury ka sa paa eh. At kung di mo rin naman ako balak harass-in eh di ko naman gagawin yun! Kaya di mo rin naman- "
"Ganyan ka ba sorry?" He said sarcastically.
"Huh?"
"A simple sorry may be enough for me to forgive you pero ang dami mo pang satsat."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. I couldn't believe what I just heard. The last time we met kung landiin ako wagas at parang halos gusto niya na 'kong kainin ng buo sa titig niya tapos ngaun sobrang suplado, antipatiko, mayabang, Ugh! Name it!!!
Sophie kalma lang, wag mong papatulan.
Pero di ko kayang kumalma!
"For your information wala akong dahilan para mag sorry sayo! Sarili mong katangahan kung bakit ka naaksidente at yung pag-apak ko dyan sa paa mo kasalanan mo rin at napaka manyak mo!"
Akma ko na sana siyang babatuhin ng bottled water na hawak ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang nilalang na naguumapaw sa kagwapuhan.
"Hey little bro, you're already awake! I brought you some ramen." Masiglang sabi nito. He was so handsome and so hot na kahit na sa simpleng white tshirt na suot niya alam mong maganda ang hubog ng katawan nito.
"Libre ang huminga o baka naman gusto mong tumawag pa ako ng nurse para lagyan ka ng oxygen?" bulong sakin ni Zed. Leshe talaga tong lalaking to.
"Oh you have a visitor!" gulat na sabi nito. At nilapag ang dala sa side table.
Tokwa naman! Ngayon lang ako napansin, ano ako invisible kanina?
"What are you doing here?" yamot na tanong dito ni Zed.
"What kind of question is that? Of course I have to take care of my handsome little brother..." umupo ito sa gilid ng kama at ginulo ang buhok ng kapatid at tinabig naman ni Zed ang kamay nito. Aba'y may attitude problem nga ata talaga 'tong lalaking 'to. Autistic yata Hahaha.
"And that's what handsome kuya's do right?" He looked at me and winked.
Feeling ko lahat ng dugo ko eh nagsi-akyatan sa mukha ko. Gosh! Gosh! Gosh! Bakit ang gwapo ng nilalang na to?! Alam kong pulang pula ngayon ang mukha ko at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.
BINABASA MO ANG
I Love You... Idiot! [COMPLETED]
Ficção AdolescenteA perfect definition of a guy that I despise the most can be summarized in one name-Zed Harrison. Annoying, arrogant, bossy, pervert, Ugh! name it! How will I deal with that kind of guy who wants me to pretend as his girlfriend because of a certain...