Chapter 37: Chances

1.5K 56 4
                                    

[Sophia]

Tahimik lang ako habang nagda-drive si Scott. Di rin siya nagsasalita. Nahihiya rin kasi ako sa ginawa ko, sobrang selfish ng request ko sa kanya.

"Were here."

Napatingin ako sa tinutukoy niya. Isa itong mataas na building sa gitna ng Clark.

Di ko alam kung bakit dito niya ako dinala pero di na lang ako nagsalita. I'm not in the position to complain.

Pagpasok namin sa building ay agad siyang binati ng receptionist doon. Mukhang kilalang kilala siya dito.

"A room for two Sir Scott?" Rinig kong tanong ng receptionist na bahagyang napatingin sakin.

Bigla akong kinabahan nang marealize na Hotel ang pinasukan namin. I'm too consumed with my feelings that I didn't even realize it immediately.

"S-scott..."

Napalingon naman siya sakin. "Hmmm? Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?"

Di ko alam kung paano sasabihin pero ang awkward kasi. Sa pagkakakilala ko naman sa kanya di siya yung tipong mansasamantala sa babae.

Ngumiti naman siya bigla. "I'm sorry for not telling you beforehand. But don't worry I'm just going to show you my favorite place. Trust me okay?"

Mukhang na-gets niya kung ano ang nasa-isip ko. Lalo akong nahiya. It's so wrong for me to think that way.

Napatango na lang ako.

"I'll be at my creed don't let anyone go there until I leave." Bilin niya sa receptionist.

Creed? Magtatanong sana ko kaso mukhang nagmamadali siya. Kaya hinayaan ko nalang na hilain niya ako. Nang naglalakad kami papuntang elevator ay binabati siya ng mga staff sa hotel na nadadaanan namin, I saw him blushing as they greet him.

I can't help but think na pag-mamayari nila ang hotel na 'to. Kasi sino bang guest sa hotel ang kilala ng lahat ng staffs?

We entered the elevator and he pressed 33rd floor.

"Okay ka lang?" Tanong niya sakin.

"Ako siguro ang dapat magtanong niyan sayo." I said.

Pulang-pula kasi ang mukha niya at pinagpapawisan eh malamig naman ang aircon.

"Sorry. It's just..." he sighed. ".. di ako sanay na makita ng iba na may kasama ditong babae."

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Di naman kasi siya katulad ni Zedー.

Ugh! For goodness sake! Why can't I cast him out of my mind even just for a second?

"Your family owned this hotel, right?" Tanong ko nalang sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok. "Well, yeah... I'm sorry I didn't tell you earlier."

Napangiti naman ako. He's still the same humble guy na nakilala ko. "It's okay. I'm the one who asked a favor anyway."

"I just thought that you'll get the wrong idea.." nahihiyang sabi niya. "But trust me. Okay?"

Tumango lang ako at ngumiti. May tiwala naman ako sa kanya. I know that he'll never do something bad to me.

We got off at the 33rd floor na sa tingin ko ay pinaka last na floor sa building but to my surprise ay sumakay uli kami sa isang elevator na mukhang exclusive lang sa mga authorized sumakay doon. Up and down button lang ang nandoon so I'm guessing that we're going to the roof top.

Pagbukas ng elevator ay bumungad samin ang isang garden. I was amazed, I never thought that something like this exist in this building.

The garden landscape was perfectly made. It's like a japanese style garden, di mo aakalain na nasa isang building ka. There's even a manmade pond with Koi fish swimming there. May mga lamp din doon na naka-ilaw na since it's almost nightime. The edges were fenced with glass railings and it almost look like walang harang doon.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon