Chapter 39: Wound

1.5K 67 15
                                    

[Sophie]

It's been almost two weeks at sa loob ng two weeks na 'yon halos nasasanay narin ako sa setup namin ni Zed.

Nagtataka nga ako dahil araw-araw siyang nagpapakita na di naman niya gawain dati. Araw-araw din ang kalbaryo ko kapag-nakakasalubong ko siya, kahit na araw-araw namang di kami nag-papansinan. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero iniiwas din agad ang tingin.

Di ko alam kung anong trip niya pero ayaw ko ng umasa nanaman na may ibang ibig sabihin 'yon.

"Sophie?" untag ni Scott.

Masiyado nanaman pala kasing napalalim ang iniisip ko.

"Ano 'yon?" tanong ko naman.

Nasa clubroom kami ngayon. Walang klase sa buong umaga kasi may meeting ang lahat ng department. Kaya yung iba gumagawa na ng mga artworks nila para sa cultural events, lalo na yung mga di makakasama sa excursion next week.

As usual magkatabi kami ni Scott. Parang kami na nga ang partners sa lahat ng activity eh.

"Mag-aaral na talaga ko ng archery." Sagot naman niya na di ko magets.

Bakit biglang naisipan niya na mag-aral ng archery?

"Huh? Bakit?"

"Para mapana ang isip mo na laging lumilipad."

Binatukan ko nga. "Baliw."

Nakakatuwa na katulad parin kami ng dati ni Scott kung mag-usap. Walang ilangan, walang hiya-hiya.

"Sus! Idadagdag mo narin ang puso, nahiya ka pa!" Bigla namang sabi ni Jerry.

Ang lakas pa naman ng boses niya kaya tuloy lahat sila na pa..."Yieeh.."

"How to be you po Sophie?"

Maliban nalang sa mga ganitong pagkakataon na nagiging sentro kami ng tuksuhan.

"T-tumigil nga kayo." Saway naman ko naman.

Si Scott naman eh nakangiti lang at namumula ang tenga.

Alam na kasi ng lahat na may gusto sakin si Scott. Ang alam nga nila ay nanliligaw na siya sakin, pero ang totoo niyan ay di pa naman siya pormal na nagpapaalam sakin. Ang sabi naman niya ay maghihintay siya hanggang sa maging ready na ako.

Bigla namang dumaan si Zed saamin, mukhang lalabas. Kanina pa siya walang imik sa likod ng room pero isang beses ko siyang nahuling nakatingin sakin.

"Zed, saan ka pupunta?" Tanong ni Jerry dito.

"Cafeteria. I'll be back." Walang ganang sagot naman nito.

Ewan ko ba kung bakit parang may kakaiba akong pakiramdam sa mga kinikilos niya. Kahit na sabihin ko na halos sanay na ako na ganito kami ay di ibig sabihin na di na ako naapektuhan ng presensiya niya.

"Buy me a soda." ani Jerry.

"Buy your own." tila inis na sabi naman ni Zed saka tuluyan ng lumabas.

"Tsss. Ang lalaking 'yon talaga siguro may dalaw nanaman. Ang sungit." iiling-iling na sabi pa ni Jerry.

"Eh kailan ba 'yon naging mabait?" Sabat naman ni Mica.

"Ipinaglihi ata yun sa sama ng loob eh." Sabi naman ni Janna.

Napangiti na lang ako at si Scott. Alam ko naman na di rin kumportable si Scott na nasasali sa usapan si Zed. Buti na nga rin lang at mukhang wala namang nangyaring away si Scott at Zed matapos ang nangyari samin.

Si Janna at Mica naman ay mukhang balik narin sa dati. Wala nang ilangan na nagaganap ang problema na lang ay si Kirby na nagpaalam nanaman na doon muna sa rooftop kasi mas nakaka-kuha daw siya ng idea kapag nandoon.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon