Chapter 8: Date

2.4K 61 0
                                    

Napakurap ako nang may kumurot sa pisngi ko. Kanina pa pala ako nakatulala.

"Okay ka lang babae?"

"Hindi! Ang sakit mo mangurot!" Namumula tuloy ang right cheek ko. May pagka-sadista talaga 'tong best friend ko na 'to.

"Eh kasi naman po kanina ka pa nakatulala diyan. Talak ako ng talak dito di naman nakikinig."

Napa-buntong hininga nalang ako. Nakakainis naman kasi! Bothered na bothered ako sa sketch na ginawa ni Zed. At yung sinabi pa niya sakin that day at idagdag pa 'yung conversation nila ni Scott! Ano bang mayroon sa dalawang 'yon? Ugh!!!

"Anong ginagawa mo sa sketch pad ko?" Masungit na tanong sakin ni Zed.

"T—tinitingan lang. B—bakit masama ba?"

"Oo masama." Sagot niya sabay agaw sa sketch pad. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to!

"T—that sketch, may naalala ka ba?" lakas loob kong tanong sabay turo sa drawing niya.

"Huh? What are you saying?"

Eh? Mukhang wala siyang na-aalala?

"A—ah wala! Wala!" sabi ko nalang.

"Why?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko nang sabihin yun. Hinarang ko naman ang palad ko sa mukha niya at tinulak ito palayo.

"Do you really need to do that to talk to her?" Ngayon ko lang uli naalala na katabi ko pala si Scott.

"Do you know the word "Shut up"?" Seryoso ang tono ni Zed nang sabihin niya 'yon kay Scott.

Ano bang nangyayari? Bakit parang nagtititigan ng masama ang dalawa? O imagination ko lang 'to? Teka kanina palang sila nagkakilala di ba?

"Tsss." I saw Scott smirked at Zed.

After a few second ay tumalikod na si Zed at naglakad palabas ng room. Ngunit bago tuluyang lumabas ay lumingon ito.

"What would you do if I happen to remember?"

He said and grinned at me.What the eff?

At iyon ang nangyari. Di tuloy ako mapakali, tsss. Kahit na nalaman ko na panaginip lang daw 'yon ni Zed ay di ko parin maiwasang mag duda. Baka nagsisinungaling lang ang lalaking 'yon sa sinabi niya na panaginip niya lang 'yon? Baka pinag titripan lang ako? Pero sabagay pervert nga pala ang lalaking 'yon malamang mga erotic dreams ang mayroon 'yon.

"Still thinking about your prince charming?"

"Prince Charming? Eww! Baka frog prince kamo! Mukha siyang palaka eh!"

"Asus, di ba hinalikan mo na siya kaya di na siya frog prince kundi isa ng ganap na prince."

"Sige mang-asar ka pa! And correction hindi ako ang humalik sa kanya siya ang humalik sakin!!"

Tinawanan lang ako ni Janna. Yung hindi normal na tawa kundi evil laugh. Tsss. Ganda ng ugali noh?

Ewan ko ba kung bakit ako pinu-push ng babaeng 'to kay Zed eh alam naman niyang ayaw na ayaw ko sa lalaking 'yon. Oo na ako na ang wala pang nagiging boyfriend at siya na ang expert pagdating sa pakikipag relasyon. Pagtapak palang namin ng college ay gusto na niya akong magka boyfriend, actually kahit noong highschool palang kami. Siya kasi third year highschool palang may boyfriend na pero syempre patago kasi malalagot siya sa kuya niya at sa parents niya. Ako naman sadyang wala lang talaga akong balak na pumasok sa mga ganyang relasyon sa ngayon. Tama na yung imagination lang muna.

I Love You... Idiot! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon