Kabanata 3: Really Mad

1.1K 23 0
                                    

"What? Hindi naman 'yon ang ibig kung sabihin, Carlos" ani ko at napakagat sa ibabang labi ko. Damn, Carlos! Ano ba ang tingin niya? Na naglalaway ako sa nakitang poster? Goodness!

"I don't care, Odessa. I don't fucking care! I'll wait you here in the lobby. I'll give you fifteen minutes" hindi pa man ako nakakasagot ay binabaan na niya ako. Napasapo ako sa aking noo at binalik ang phone ko sa bag.

Heto nanaman siya sa pagiging possessive niya saakin. Lagi na lang siyang ganoon sa tuwing nagagwapuhan ako sa isang lalaki o kaya ay aalis ng walang paalam. Pakiramdam daw niya ay naghahanap ako ng iba. I know, it's too immature, ang ganoong bagay. Pero ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng paghihigpit sa kanya, hindi rin ako nasasakal. In fact, natutuwa pa ako, dahil ako lang ang nakikita niyang babae at handa na siyang magpatali saakin.

Napangiti na lang ako ng maalala ang kabaliwan noon ni Carlos saakin. Na halos kung saan ako pumunta ay naroon rin siya. Alagang alaga niya ako na pati pagligo ay ginawa na niya saakin. Kung pwede ko lang hilain ang oras para makagraduate na kami ay matagal ko ng ginawa. Gustong gusto ko ng maikasal kay Carlos pero, kailangan ko pang tuparin ang pangako ko kila mama bago sila pumayag na magsama kami ni Carlos sa iisang kwarto.

Nang makarating ako sa SFC ay sumakay ulit ako sa tricycle. Ilang minuto pa at nasa school na ako. Halos takbuhin ko na ang daanan papuntang lobby ng CIT. And there I saw Carlos, nakatayo habang sila Derrick ay nakaupo sa tabi niya. Nakaekis ang kamay sa dibdib niya at nakayuko habang nakasandal sa pader. Umuumbok nanaman ang muscle sa braso niya, at sa paglipas ng panahon ay mas kumisig pa ang katawan niya. Ilang beses ko na nga bang napagmasdan ang katawan ng lalaking ito? Heto at nakakakilabot parin ang kakisigan niya.

"Carlos" kinakabahan kung sabi ng makalapit ako sa kanya. Napaangat naman siya ng mukha at napatingin saakin. Napasinghap ako ng makita ang madilim niyang aura. Shit! Galit nga talaga siya!

"S-sorry na" ani ko at napayuko.

Mabilis namang dinaop ng palad niya ang mukha ko at siniil ng malalim na halik. Halos higupin na niya ang labi ko at mahigpit ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at tinulak siya.

"Carlos!" pinanlakihan ko siya ng mata ngunit sinimangutan niya lang ako at tinapik ang balikat ni Derrick na ngayon ay nakangisi. Namula ang mukha kung tumingin sa kanya. Nakakahiya!

"Let's go, Odessa" hinila niya ako palabas ng building nila at mahigpit na humawak sa kamay ko. Kung dati ay kinukuha niya saakin ang bag ko, ngayon hindi. At hanggang ngayon ay galit parin siya dahil ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. God! Kasalanan ko ito, malamang at nag isip nanaman siya ng kung ano dahil ang usapan namin ay magkikita kami sa building nila.

"Oh andiyan na pala kayo" sabi ni mama pagkarating namin dito sa karenderya. Ngumiti ako habang si Carlos naman ay may kinuhang styro.

Hindi na niya ako hinintay at nauna ng pumunta sa likod ng karenderya. Pinapanood lang kami ni mama habang nakataas ang dalawang kilay. Ang hirap pa namang paamuhin ni Carlos kapag galit. Napalunok ako at tumawa ng pilit.

"Nag away ba kayo, 'nak?" tanong ni mama at tinaasan ako ng isang kilay. Muli ako napalunok at umiling, kainis din naman kasi minsan si mama at si Carlos ang kinakampihan niya kapag may hindi kami napagkakaintidihan.

"Hindi po ma, nag katampuhan lang" tinawanan naman niya ako kaya mas lalo akong sumimangot.

"Sundan mo na, 'nak at good luck narin. Mahirap pa naman kapag iyang si Carlos ang nagtampo" tumango ako bilang sagot at pinuntahan si Carlos.

Nakaekis nanaman ang kamay niya sa dibdib at nakayuko. Hindi pa niya nailalabas ang styro sa supot at mukhang hinihintay nga niya ako. Huminga ako ng malalim at umupo sa harapan niya. Napaangat naman siya ng ulo ng maramdaman ang presensya ko. Ngumiti ako ngunit seryoso niya lang akong tinignan.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon