Sa previous chapter, Guilt pala yun hindi Guilty. Sorry sorry.
"Odessa!" kumaway si Carmina at nakangiti ng wagas habang papasok kami ni Max sa bukana ng Surf Shack.
Hindi maalis ang wagas na ngiti sa labi ko habang papalapit sa kanila. God. I missed them! Since busy talaga kami sa OJT ay hindi na kami madalas na magkakasama. Pati narin si Trixie na nasa Baguio parin. Wagas ang ngiti ni Carmina ng makalapit kami at pinanggigilan si Max. Pinanghila naman ako ni Berny ng upuan at tinapik ang tabi niya.
"Kamusta kana bruha ka? Naku! Namiss ka namin ni Carmina." ani niya at bahagya pa akong yinakap. Tumawa ako at inilayo siya saakin.
"Heto, maganda parin." pagbibiro ko at tumawa. Hinampas naman ako ni Berny at inikutan ng mata.
"Imbyerna ka! Kung hindi ka na namin yayaing lumabas hindi kana magpapakita saamin."
"Oo nga, Odessa, chill! Masyado kang nakafocus sa OJT." pakikisabat ni Carmina at hindi man lang ako tinapunan ng tingin habang sinusubuan ng fries si Max na tuwang tuwa pa.
Tumawa ako at linagay sa hita ko ang bag. Aaminin ko namang busy ako sa nakalipas na araw. Frustrated. Sa OJT, kay Eyrone, kay Carlos at Stacey. Though nagtitext naman sila saakin pero madalas ko 'yong hindi rinireplyn.
"Hindi naman sa ganoon, Carmina, atsaka nag aadjust pa ako dahil wala si Carlos." napatigil sa pagsubo si Carmina at tinaasan ako ng kilay.
"Alam mo kayong dalawa?" tinuro pa niya ako. "Obsess at possessive kayo sa isa't isa. Ni hindi ninyo nagagawang lumayo sa isa't isa. Ilang linggo pa lang siyang wala."
"Isang buwan." pagtatama ko sa sinabi niya ngunit inikutan lang ako ng mata at inasikaso si Max na wala namang pakialam sa usapan namin.
Napabuntong hininga ako. Alam ko naman iyon. Na masyado kaming possessive at obsess ni Carlos. Hindi ko lang talaga kaya ang malayo siya saakin. Natatakot ako at madaming possibilities sa isipan ko kahit alam ko namang hindi niya ako ipagpapalit. Idagdag pa si Stacey. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa kanya. Ilang beses ko nang narinig ang boses niya at sa tono pa lang ay malandi na siya. Thank God at mahal na mahal ako ni Carlos. Shame on her. Wala siyang mapapala kay Carlos.
Napailing ako sa naisip. Why am I even torturing her on my mind? Why am I even bitching here? As if naman may magagawa ako, na kaya ko siyang ilayo kay Carlos. Syempre at isa siya sa mga investor ng kompanya. Hindi maiiwasan na palagi silang magkasama.
"Kahit pa isang taon 'yan, Dess, nakatali na si Carlos sa'yo. Parang ganito oh." pinagdikit pa niya ang pointing at middle finger niya at humagalpak ng tawa na sinabayan pa ni Berny.
"Kulang na nga lang ay ibahay at anakan kana ni Carlos. Ikaw lang naman kasi itong tumatanggi." segunda pa ni Berny.
"Ano ka ba, Bernardo, hindi yata meant to be ang sperm cell at egg cell nilang dalawa. Hindi sharp shooter si Carlos. Tignan mo sa laki niyang 'yon!" pinanlakihan ko ng mata si Carmina at baka marinig pa siya ng ibang kumakain dito. God! Katabi pa niya si Max!
"Ano bang size ng paa ni Carlos?" kinunutan ko ng noo si Berny.
"Bakit?"
"Kalahati daw kasi ng size ng paa ng mga lalaki ay ganoon din daw kahaba ang you know, 'yong ano nila." hinampas ko siya at tinakpan ang bibig ngunit tinawanan lang ako ni Carmina.
Napapikit ako ng mariin at umiwas ng tingin. What the hell? At saan naman niya nalaman ang bagay na 'yon! Is that even true? Kasi base sa kalahati ng size ng paa ni Carlos ay hindi ganoon kalaki ang ano niya. God, mas mahaba pa kaysa sa doon. Namula ang pisngi ko at napalunok ng maalala ang kahabaan ni Carlos. Kung paano niya iyon haplusin at paglaruan na nakapagharumentado ng husto sa sistema ko. Kung paano niya iyon ilabas-.

BINABASA MO ANG
Everlasting
Ficção GeralHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?