Kabanata 25: Drunk

739 15 0
                                        

Nang magising ako kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw. Nanlaki ang mata ko at nagmadaling tinahak ang banyo ng makitang isang oras na akong late sa trabaho.
Nang makarating sa Thunderbird ay halos takbuhin ko na ang distansya patungong front desk.

"Oh, Odessa, ang alam ko ay hindi ka papasok ngayon." bungad saakin ni Shey.

"Late kasi akong nagising." sabi ko at inayos ang medyo nagusot kong damit.

Napabuntong hininga ako ng hindi na siya nagtanong at inabala ang sarili sa ginagawa. Pansin ko namang nakangiti siya ng wagas habang hawak hawak ang phone niya. Hinilot ko ang sintido ng maalalang birthday pala niya ngayon.

"Shey, happy-" naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang sumulpot si Ma'am Grethylle na siyang kinagulat ko.

"Ms. Alfonso," napuno ng kaba ang dibdib ko ng taasan niya ako ng kilay at pinagekis ang kamay sa dibdib. Natigilan rin si Shey at tinabi ang phone niya.

"G-good morning, ma'am." garalgal ang boses kong sabi at ngumiti ng pilit.

"You're late again." kinagat ko ang ibabang labi at napayuko. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan bago sumagot. God. I'm too preoccupied last night about Carlos. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras at umaga na akong nakatulog.

"Sorry po, ma'am, la-"

"She's with me last night. It's my fault." mabilis akong napalingon sa likuran ko at gulat ng makita si Eyrone.

Napaawang ang labi ko ng makita ang maaliwalas niyang mukha. He's wearing a dark red polo shirt. Nakabukas ang dalawang butones at bumabakat ang muscle niya sa braso. White maong pants at puting sapatos. Shit! Si Eyrone ba ito? Ang buhok niyang medyo magulo ay clean cut na ngayon kaya mas lalong nadepina ang shape ng mukha niya. Hindi ko alam pero may kung ano sa istura niya ngayon. He look handsome today. I mean, mas lalo siyang gwumapo sa ayos niya ngayon. Not like the usual Eyrone na pakalat kalat minsan sa lobby. Bumilis ang tibok ng puso ko ng nginitian niya ako at linapitan.

Fuck! Gusto kong hawakan ang puso ko upang tumigil ito sa pagtibok. Natatakot akong marinig niya ang malakas na pintig ng dibdib ko. What's happening to me? Bakit ako apektado sa presensya ni Eyrone ngayon?

"What?" nakakunot ang noong tanong ni ma'am Grethylle. Nag palipat lipat naman ng tingin si Shey saamin ni Eyrone.

"She's with me last night." ulit niya sa sinabi kaya naman mas lalo akong kinabahan.

"Tinulungan niya ako sa pagluluto ng matapos ang trabaho niya. Gabi na ng matapos kami kaya naman late siyang nakauwi. She's too exhausted kaya late siyang nagising." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Siniko ako ni Shey at nagtatanong ang mukha niya ngunit hindi ako sumagot.

"It's not an excuse. Simula pa lang ay sinabi ko ng ayaw ko nang nalalate. Lame excuse. Ayaw ko na ulit na mangyari ito. Nagkaintindihan ba tayo, Ms. Alfonso?"

"O-opo, ma'am Grethylle."

"At kung nagliligawan kayong dalawa. Sa labas ng resort ninyo gawin. Huwag sa oras ng trabaho." anas niya bago kami tuluyang iniwan.

Hindi ko ininda ang sinabi niya dahil hindi naman ako apektado at hinarap si Eyrone.

"Eyrone, salamat pero hindi mo naman kailangang sabihin 'yon." tinawanan niya lang ako at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri.

Tumikhim ako. What's with his gesture? Nag papaimpress ba siya? Kasi oo, naiimpress ako sa galaw niya ngayon. He's too cool.

"Nah. It's okay. Bibigyan ka lang niya ng punishment kapag sinabi mo ang totoo." natatawa niyang sabi.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon