Kabanata 22: Special Friend

769 15 1
                                    

Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlos sa kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela. Lumipat ang kamay niya sa hita ko at pinanggigilan iyong pisilin. Pinanalakihan ko siya ng mata ngunit kinindatan niya lang ako at dinala sa labi niya ang kamay ko.

"Baka mabangga tayo niyan." tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi siya sumagot bagkus ay kinagat niya ang isang daliri ko. Kinagat ko ang ibabang labi at sinubukan kong hilain ang kamay ko ngunit hindi ko nagawa.

"Carlos," hindi nanaman niya ako pinatapos at dinala ang kamay ko sa tapat ng pagkalalaki niya. Nanlaki ang mata ko ng maramdamang bahagya iyong tumigas. Parang dumaloy ang kuryente sa katawan ko ng maramdaman ko ang kanya.

"You really are beautiful while blushing." tumatawa niyang sabi at liniko ang sasakyan.

"Carlos! Huwag mo na ulit gagawin 'yon!" anas ko kahit nagustuhan ko naman ang ginawa niya. Not when he is driving!

"Ayoko. You're my fiance, ba't ako magpapaka inosente sa harapan mo?"

"You're driving, sana naisip mo 'yon." sinimangutan niya ako at pinagsiklop ang daliri namin. Napangiti na lang ako at pinanood siyang mag drive hanggang sa makarating kami sa Thunderbird.

Huminto ang sasakyan ngunit hindi muna ako bumaba. Hindi na niya pinatay ang makina at batid kong wala siyang balak na pumasok muna.

"You're not coming?" umiling siya at hinalikan ang noo ko.

"Hinihintay na daw ako nila Derrick. I'll come back before lunch, okay? I'll text you." tumango ako at siniil niya ako ng mapusok na halik bago inabot ang pintuan at binuksan.

"I love you. You take care."

"I love you too." hinalikan ko ang pisngi niya bago tuluyang bumaba. Kumaway ako habang papaalis ang kanyang sasakyan.

Huminga ako ng malalim at tuluyang pumasok. Sa bukana pa lang ng lobby ay kita ko na si Shey na kinakausap ang isa pa naming kasamahan sa OJT. Nang mapansin niya akong papalapit ay pinaalis niya ang kausap at wagas ang ngiting kumaway saakin.

"Odessa! Ba't wala ka kahapon?" bungad niya saakin.

"Uh, masama kasi pakiramdam ko kaya umabsent muna ako." pagdadahilan ko at ngumiti ng pilit.

Nag iisip ako kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita si Carlos mamaya. Malamang at hindi na niya ako aasarin tungkol kay Eyrone. Luminga ako sa paligid at hinanap ng mata ko si Eyrone. He's not around. Minsan kasi ay pakalat kalat lang siya sa lobby. Napabuntong hininga ako. I still want to talk to him. Ayokong hindi kami nagkakausap. I don't know why. Pero ayoko iyong hindi niya ako pinapansin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at ayokong iyong ganito. Matapos niya akong tulungan ay basta basta ko na lang siyang hindi papansin. Gusto ko siyang makausap tungkol sa sinabi niya noong isang araw. I still want to be friends with him.

"Sayang at wala ka kahapon. Wala akong kausap dito atsaka si Eyrone kasi." nagpantig ang tenga ko sa narinig at napatingin kay Shey.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

"Wala naman. Nakakapanibago lang kasi. Sa halos ilang taon naming pagkakaibigan ay kahapon ko lang siya nakitang ganoon. He looks upset. Napagalitan pa siya ni ma'am Grethylle dahil hindi niya nagawa ng maayos ang trabaho. Parang may bumabagabag sa isipan niya. I'm worried."

Natigilan ako at napatitig sa nakatagilid niyang mukha. Ayokong mag assume ngunit nararamdaman kong ako ang may dahilan noon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayokong madamay ang trabaho niya sa nararamdaman niya saakin. Napagalitan pa siya ni ma'am Grethylle. Muli akong napabuntong hininga. What should I do with him? Alam ko namang hindi sasapat ang salitang sorry.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon