"Anak, tapos kana ba sa pag-aayos? Naku dalian mo at baka malate ka sa OJT mo."
"Opo ma! Nandiyan na." sigaw ko mula sa kwarto at nag apply ng kulay pulang lipstick sa labi ko. Nang natapos ay lumabas ako ng kwarto. Sumalubong saakin si mama, papa at Max na may wagas na ngiti sa labi.
"Uh, okay lang po ba itong suot ko, ma?" tanong ko.
"Naku, hindi lang okay, anak. Ang ganda mo!" ani papa at nag thumbs pa saakin.
Napahagikhik ako. I am wearing a dark blue skirt na hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Sa pangtaas ko naman ay blouse na kulay white na nakabukas ang unang dalawang butones. Pinatungan ko iyon ng coat na kulay dark blue rin at linislis ko iyon hanggang siko. Kinakabahan ako dahil unang araw ngayon ng OJT. At the same time ay excited.
"Max, picturan mo ako. Sesend ko kay Carlos." binigay ko ang phone ko kay Max at kinuhanan niya ako ng litrato.
"Kapag nandito si kuya Carlos panigurado at luluwa ang mata noon." tumatawa pa niyang sabi bago ako iniwan.
Tinawanan ko na lang ang sinabi niya at nagpaalan na kila mama. Habang naghihintay ng jeep ay binuksan ko ang messenger ko at sinend kay Carlos ang picture. Mag aals nwebe na. Ang sabi niya saakin kagabi ay maaga daw ngayon ang meeting niya. Sigurado at nasa kalagitnaan na iyon ng meeting.
Nang may humintong jeep ay kaagad akong sumakay. Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko. Napangiti ako ng agaran ang reply niya. Hindi ba ako nakakaistorbo sa meeting niya?
Carlos:
You're so beautiful, Odessa, but you are showing too much thigh. Wala na bang mas mahaba diyan?Sa sinabi niyang iyon ay napasimangot ako. Pinasadahan ko pa ng tingin ang suot ko. Ayos naman, a. Hindi naman ganoon kaikli.
Ako:
Carlos, hanggang kalahati na nga ng hita ko iyong palda. Anong gusto mo hanggang paa? Magmumukha akong manang doon :(Carlos:
Kailan ka pa naging conscious sa mga sinusuot mo? You are beautiful in every angle, Odessa. Binabakuran ko lang naman iyong akin at ako lang ang dapat pwedeng makakita ng hita mo. Tss.Tumawa ako ng mahina sa sagot niya. Kapag kasama ko lang siya ngayon ay panigurado at nakasimangot nanaman siya o kaya ay susungitan ako.
Ako:
Hanggang tingin lang naman sila e. Samantalang ikaw, pwede mo pa nga iyong hawakan.Kinagat ko ang ibabang labi ko at napangisi. Sigurado ako at iba nanaman ang iniisip niya.
Carlos:
Nasa kalagitnaan ako ng meeting, Odessa. Stop being naughty!Napahagikhik ako at nagpaalam na sa kanya at baka nakakaistorbo na ako sa meeting niya. Isang linggo na rin simula noong umalis si Carlos. Nakapag adjust na ako ngunit nandoon parin iyong pangungulila sa kanya minsan.
Nang makarating ako sa Thunderbird ay halos takbuhin ko na ang daanan papasok. Nang malapit na ako sa lobby ay nakita ko si Eyrone na kaagad din naman akong napansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/40643101-288-k452490.jpg)
BINABASA MO ANG
Everlasting
Ficção GeralHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?