Magiging madalang muna ang pag Uupdate :)
"W-what?" paos ang boses kong sabi at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. He's leaving that fast?
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay hinila niya ako papasok sa kwarto ko at linock 'yon. Pinaupo niya ako sa kama. Tumabi siya saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tumitig saakin ang piercing niyang mata.
"Odessa, listen." ani niya sa paos na boses. Hindi ko nagawang sumagot at tila natutop ko ang aking dila.
"I know you knew about this, alam kong sa Manila pa lang ay alam mo na ang tungkol dito."
"That fast, Carlos? At bakit kailangan mong mag drop sa klase?" naiiyak kong sabi. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
I get it, okay? Pero bakit ganito ka bilis ang pag-alis niya? Bakit ngayon niya lang sinabi ngayong sa makalawa na siya aalis. Ngayon pa lang ay sumisikip na ang dibdib ko. Ngunit ayaw kong ipakita na mahihirapan ako. I pushed him when we are in Manila. Kailangan kong panindigan ang pagtutulak ko sa kanya. Kahit kapalit nito ay unti unting pagkabalot ng kalungkutan sa puso ko.
"Odessa, luluwas na mamaya si mom at dad sa Russia. Ayaw ko mang umalis ay kailangan. I don't want you far away from me." hinuli niya ang dalawang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya. Ang expressive niyang mata ay iisa lang ang sinasabi nito. Kalungkutan. Matinding kalungkutan.
"Kailan ka babalik?" ang tangi kong nasabi. Hindi ko mahanap ang tamang salitang sasabihin. Napabuntong hininga siya at hinilig ang ulo niya sa leeg ko. Yinakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan.
"Hindi pa ako nakakaalis ay tinatanong mo na kung kailan ako babalik. I don't know when, Odessa. Ayaw kitang iwan dito, I want you everytime beside me. Odessa, nahihirapan ako. Ayaw kong umalis."
Tinakip ko ang aking kamay sa bibig upang hindi humikbi. Hearing his words makes my heart stab. Parang may punyal sa puso ko na hindi matanggal tanggal. His voice is shaking. His body is trembling. And God, ayaw kong ipakita na ayaw ko siyang umalis. Mas lalo lang siyang mananatili dito. Pinahid ko ang aking luha at humiwalay sa kanya. Ngumiti ako ng pilit ngunit nanatiling seryoso ang mukha niya.
"Carlos, naiintindihan ko, okay? Hindi naman ganoon kalayo ang Manila dito. You can visit me o ako ang pupunta sa Manila-"
"Odessa, you don't understand." ginulo niya ang sariling buhok. "Ikaw na ang buhay ko simula ng makilala kita. I can't stand waking up in the morning without you by my side. Sino ang mag aalaga saakin? Sinong kasama ko sa pagkain? Sinong kasama ko sa pagligo? Odessa, without you is like I'm useless."
"Pero Carlos-" napatigil ako ng tulala siyang tumitig saakin. Nakaawang ang labi niya. Napailing ako ng may tumulong luha sa pisngi niya. Kinulong ko siya sa braso ko at hinaplos ang buhok niya. I was stunned. I was stunned on his hopeless face.
"Carlos, huwag ka ngang umiyak! Para ka namang bata." sinubukan ko siyang patawanin ngunit hindi siya sumagot.
Kinagat ko ang ibabang labi. Iba pa naman ito kapag may hindi ginusto. Nawawala siya sa sarili at saka lang titino kapag ako na ang kaharap niya. Lahat ng desisyon niya ay saakin lahat nanggagaling. Kung sasabihin kong mananatili siya dito ay gagawin niya. Ngunit hindi pupwede iyon. Kinulong ko ang mukha niya sa palad ko at dinampian ng halik ang noo niya. My poor Carlos.
"Carlos, pwede mo naman akong tawagan kung kailan mo gusto. Kung wala akong OJT sa weekend ay pupuntahan kita sa Manila upang may mag asikaso sa'yo. Gagawa ako ng paraan mapuntahan lang kita, okay?" nginitian ko siya at pinunasan ang luha niya.
"Huwag ka ng umiyak. Para sa future natin ito, naiintindihan mo ba? Magtratrabaho tayo ng mabuti para sa mga anak natin. Don't make it so hard for us, Carlos. Manila lang 'yan at hindi ka naman lalabas ng bansa."
"But you're miles ayaw from me. Paano ikaw? Sinong maghahatid sundo sa'yo? Sinong gagastos para sa'yo. Odessa, nakasanayan ko ng ikaw ang palagi kong kasama." tumango ako ng makuha ko ang nais niyang iparating.
BINABASA MO ANG
Everlasting
Narrativa generaleHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?