Susunod na ang Epilogue. Maraming Salamat! Next na ang To Be Only Yours.
Parang lumuwag ang kamay na nakayakap saakin at dahang dahang yumugyug ang kama. Bahagya akong gumalaw at inabot ang unan upang yakapin iyon. Ramdam kong may dumampi ng halik sa buhok ko bago tuluyang nakatulog ulit.
Nagising na lang ako ng tumatama ang sikat ng araw sa mata ko mula sa bintana. Minulat ko ang aking mata at yayakapin sana si Carlos ngunit wala na siya sa tabi ko. Kinusot ko ang aking mata at tinignan ang orasan. Pasado alas siyete na ng umaga. Mabuti na lang at walang trabaho ngayon. Matutulog sana ulit ako ng maamoy ang pagkaing linuluto ng kung sino man mula sa kusina. Bigla tuloy akong naglaway at nagutom.
Bumangon ako at inayos ang pinaghigaan namin. Pinulot ko ang nagkalat na damit ni Carlos sa sahig at hinanger. Lumabas ako ng kwarto at ng diretso sa kusina. Bumungad saakin si Carlos na ngayon ay naka short at wala man lang pang itaas. Nakasuot ng apron na kulay red at wala man lang tsinelas. Nang mapansin niya ako ay kaagad niya akong linapitan at hinalikan ang pisngi ko.
"Good morning," ani niya at yumuko
"Good morning, baby." patuloy niya at hinalikan ang baby namin."Ba't ikaw ang nagluluto? Nasaan si mama?" pinasadahan ko ng tingin ang lamesa. Madami ang nakahain na pagkain. Isa na doon ang paborito namin ni Max na pancake.
"Nasa labas, nagprisinta ako para sainyo ng baby natin." hindi ako sumagot at umupo.
Sakto namang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Max at tuloy tuloy siyang umupo sa tabi ko. Hinalikan ko ang pisngi niya at inalalayang umupo.
"Good morning, Max!"
"Kuya Carlos? Kailan ka pa dumating? Wala ka lang kahapon!" ngumuso ako ng hindi man lang niya ako pinansin at linapitan si Carlos na nag priprito ng itlog.
"Hey, good morning," tumatawa niyang sabi at linapag sa lamesa ang platong may itlog. Kinabahan tuloy ako sa sinabi ni Max. Oo nga pala at hindi alam nila mama na dadarating siya ngayon. Nagtataka tuloy ako kung sinabi na niyang mag kakaapo na sila.
"Kuya Carlos, bakit ang ganda ng katawan mo? Mag gigym nga rin ako para pumayat ako." tumawa ako sa sinabi niya.
"Max, hindi pa pwede sa'yo dahil bata ka pa. Tawagin mo sila mama ng makakain na tayo." sinunod naman niya ang sinabi ko at iniwan kami ni Carlos na ngayon ay nakadamit na.
"You hungry? May masakit ba sa'yo, Odessa? Hindi ka ba naduduwal o ano?" umiling ako. Bumuntong hininga siya at tumango.
"Are we okay now, Dess?" natigilan ako at napatitig sa malungkot niyang mata. Are we really okay now? Hindi ko rin alam. Sapat na nga ba ang mga napakinggan ko kagabi?
"Carlos-" naputol ang sasabihin ko ng dumating sila mama. Napatayo ako ng makita ang mata niyang namumula at kagagaling lang sa pag-iyak.
"Ma, bakit ka umiiyak?" bagkus ay linapitan niya ako at yinakap na siyang kinagulat ko.
"Kailan mo sasabihin saamin ng papa mo na magkakaapo na kami? Anak, kung hindi sinabi saamin ni Carlos ay hindi na namin malalaman." napaawang ang labi ko at napatingin kay Carlos. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"M-ma, I'm sorry. Natatakot kasi ako kaya hindi ko sinabi." nangilid ang luha sa mata ko. Tumayo si Carlos at pumwesto sa likuran ko.
"Shh..." pang aalo niya ngunit hindi ako nag paawat. Linapitan kami ni papa at tinapik ang balikat ni Carlos.
"Magkakapamilya na kayong dalawa. Wala na kaming magagawa, nandiyan na, e. Odessa anak, proud si papa sa'yo." humagulhol ako ng iyak at yinakap si papa.
BINABASA MO ANG
Everlasting
Fiksi UmumHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?