Kabanata 33: Lies

899 15 1
                                    

"That fast? Odessa, kakarating mo lang kahapon." umupo siya sa kama at hinawakan ang batok niya. Napabuntong hininga ako at tinakip sa katawan ko ang kumot at umupo rin. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ng pilit.

"I know. Pero may trabaho na ako bukas. At hanggang ngayon lang ako nakapagpaalam kay mama."

"I'll tell mama and papa that you'll stay here today. I'll call Joaquin, sasabihin kong sabihin niya doon sa pinsan niya-" pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa man niya ito matapos.

"Carlos no!" sumeryoso ang tingin niya at pinagekis ang kamay niya sa dibdib.

"Why not? Mas gugustuhin mong umuwi kaysa ang makasama ako?" mabilis akong umiling. I don't agree on what he says. Eyrone is nothing to do with it. Ayokong ginagamit ang pangalan niya at bilang tagapagmana ng Thunderbird para lamang mag absent sa trabaho.

"Carlos, please, don't use your connection. At walang kinalaman si Eyrone dito."

"Then you'll stay here for today. Hindi ako pupunta sa Art Gallery na 'yon kung hindi ikaw ang kasama ko. I'm fucking serious, Odessa." binuka ko ang bibig ko at may sasabihin sana ngunit hindi ko naituloy ang sasabihin.

Ayoko talagang mag absent sa trabaho dahil gusto kong mag pagood shot. Gusto ko nagagawa ko ng maayos ang trabaho. Kung maganda ang performance ko ay may pag-asang doon na ako makakapgtrabaho kapag nakapagtapos. At ang pag-aabsent ang pwedeng maging dahilan para mabahiran ng hindi magandang performance ang OJT ko. Pero ayoko ring hindi siya dumalo sa Art Gallery. Ayokong hindi nagagawa ni Carlos ang trabaho niya ng dahil saakin. I want tito to be proud of him. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya.

"Please?" nagsusumamo ang mukha niya at ang hirap niyang tanggihan. Ayokong madis-aapoint sa kanya ang mga kasosyo niya sa negosyo. Am I going to sacrifice my job this time? Napatango ako at ngumiti ng pilit bilang pag sang-ayon. Ngumiti siya ng wagas at yinakap ako ng mahigpit.

"Thank you," bulong niya sa tenga ko at hinalikan ang pisngi ko.

Hinayaan ko ulit siyang matulog ng matapos kaming kumain. Nagdiretso ako sa kusina at hinugasan ang pinagkainan namin. Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto. Tahimik at tanging mahinang pag hilik lang niya ang naririnig. Pinulot ko ang nagkalat kong damit na tinapon niya kagabi at inayos ito sa closet niya.

Nag halungkat ako ng maisusuot niya mamaya kahit sinabi niyang magpopolo shirt na lang siya mamaya. Ayon kay Lemmuel ay madami daw ang dadalo sa Art Gallery at isa si Carlos sa mga malalaking bisita doon. Ayoko namang simple lang ang isuot niya. Isang dark navy blue na tuxedo ang nahanap ko. Hinaplos ko sa may parte ng balikat at nilabas mula sa closet niya. Kinuha ko rin ang kulay puti niyang long sleeve at itinabi sa tuxedo. Hinanda ko na rin ang sapatos niya at linagay sa tabi ng kama.

Iniisip ko pa lang na suot suot niya iyon mamaya ay naghaharumentado na ang sistema ko. He really look different with those stuff. Ibang iba ang dating niya saakin. Napakamanly niyang tignan.

Iniwan ko muna siya sa kwarto at dumiretso sa kwarto ni Trixie. Syempre at dapat presentable rin akong tignan. Binuksan ko ang lagayan niya ng dress at naghanap rin ng maisusuot na babagay sa tuxedo ni Carlos. Sandali akong napahinto at napatitig sa sahig. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano pakimisamahan ang makakasalumuha naming tao doon. Pakiramdam ko ay naiiba ako sa kanila. Especially Carlos. He's a successor now at his young age. Parang nanliliit nanaman ako sa sarili.

Ano nanaman ba itong naiisip ko? Kailanman ay hindi ako trinato ni Carlos na iba sakanya. I am everything to him. Mag iisang oras na akong nagpipili at madami na akong nasukat na dress ngunit wala parin akong napipili. I don't know how to fit in on that event since hindi naman talaga ako kasali doon. I'm just Carlos' fiancé. At wala akong kaalam alam sa negosyo. Nabalik ako sa ulirat at napatili ng bigla na lang may yumakap sa bewang ko.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon