Hanggang Kabanata 35 na lang ito. Lapit na. Masisimulan ko na ang isa pang series :) Wala akong matinong internet connection kaya hindi na gaanong nakakapag update.
Nagising ako ng maramdaman ang mabigat na bagay sa tuhod ko. Kinusot ko ang aking mata at umupo ng maayos. Tinanggal ko ang bag ng katabi ko na ngayon ay nasa hita ko na at nilapag 'yon sa sahig. Napatingin ako sa relo ko at alas sais na ng umaga. Kita ko rin ang isang karatula sa kalsada at nasa Tarlac pa lang kami. Halos dalawang oras din akong nakatulog at nangawit ang leeg ko.
Huminto ang bus sa paradahan ng may bumaba at sakto namang pumasok ang nagtitinda ng tubig. Bumili ako kahit kape ang gusto kong inumin ngayong umaga. Sana ay nagdala na lang ako ng makakain. I'm hungry, really. Medyo matagal tagal pa ang byahe at hindi ko alam kung maabutan ko si Carlos sa bahay nila. I bet nasa trabaho na siya. Siguro ay magpapahatid na lang ako sa driver nila papuntang kompanya para sorpresahin siya. God. I really miss him at hindi na ako makapaghintay na makita at mayakap siya.
Hindi na ako natulog at pinanood na lang ang mga tanawing nalalagpasan. Nang nasa NLEX na kami at malapit na sa bukana ng Manila ay nag retouch ako at huminga ng malalim. Nang tanaw ko na ang nagtataasang gusali ng Manila at huminto ang bus ay bumaba ako at mabilis na sumakay ng taxi. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang babayaran hanggang sa bahay nila Carlos pero bahala na. Hindi ko alam ang pasikot sikot dito ang importante ay makarating ako ng maayos sa bahay nila.
Nabalot ng kaba ang dibdib ko ng huminto ang taxi sa bahay nila. Muli akong huminga ng malalim at kinalma ang sarili ko. Sarado ang gate at wala ang sasakyan niya sa garahe. Kung ganoon ay nasa trabaho na nga siya. Sabagay at pasado alas nwebe na. Pinindot ko ang door bell at bumakas ang maliit na gate sa gilid. Lumabas ang guard na pamilyar saakin ang mukha at nanlaki ang mata niya ng makita ako.
"M-ma'am Odessa? Hala! Good morning po, ma'am." taranta niyang linuwagan ang pagkakabukas ng gate at iginiya ako papasok. "Naku ma-"
"Ano ka ba, kuya, Odessa na lang po." putol ko sa sasabihin niya at tumawa ng mahina. Napakamot naman siya sa ulo at napatango.
Manghang mangha parin ako ng muling masilayan ang malaki nilang bahay. Walang pinagbago at ganoon parin. Nakakalula sapagkat ito ang pinakamahal at pinakamalaki sa subdivisiong ito.
"Si Carlos nandiyan ba?"
"Naku ma-Odessa nakaalis na siya kanina pa."
"Ganoon ba. Sige salamat." napabuntong hininga ako at nagpaalam na sa guard. Pinihit ko ang door knob at papasok pa lang sana ng mahagilap ng mata ko si manog Marjon. Iyong family driver nila.
"Manong Marjon!" mula sa paglilinis ng mga halaman ay napatigil siya at nanlaki ang mata ng makita ako. Binitawan niya ang hawak na gunting at linapitan ako. Tumawa ako ng mahina. Bakit sila nagugulat na makita ako dito sa bahay nila Carlos?
"Odessa? Iha! Mabuti naman at napadalaw ka." nahagikhik ako at tumango. May katandaan na si manong Marjon pero kung titignan mo siya ay nasa 35 pa lang ang taon niya.
"Opo. Bibisitahin ko po si Carlos. Uuwi rin po ako linggo ng hapon."
"Naku. Nakaalis na si Carlos kanina pa. Teka, alam ba niyang nandito ka?" ngumiti ako at umiling. Syempre at hindi ko sinabi sa kanya. I want to surprise him. Ngayon pa lang ay naiisip ko na kung ano ang magiging reaksyon niya. Magpapanic muna siya bago ako tatanungin kung ayos lang ako. Malamang ay nag biyahe akong mag-isa. Minsan kasi si Carlos ay kung ano ano ang naiisip. He's too protective toward me. That's too sweet. At isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. Kung maari ay ni kahit lamok ay hindi pwedeng dumampi sa balat ko.

BINABASA MO ANG
Everlasting
Ficción GeneralHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?