Kabanata 36: Faint and Vomit

986 19 2
                                    

"Odessa? Anak, naku! Ang alam namin ay hindi ka uuwi ngayon." nagulat si mama sa biglaan kong pagsulpot sa kusina. Ngumiti ako ng pilit at linapag ang bag ko sa upuan. Yinakap ko si mama at hinalikan ang pisngi niya.

"Sorry, ma, si Carlos kasi ayaw niya akong pauwin dinahilan ko na lang ang trabaho para pauwiin niya ako."

"Ganoon ba. Sige at sasabihin ko sa papa mo at dadaan ako mamaya sa Lorma. Nag alala siya sa'yo dahil ang sabi mo ay linggo ng hapon ka uuwi. Nag almusal kana ba? Kumain ka muna at baka pagod ka sa biyahe." nagaalalang sabi ni mama. Pinigilan ko siya ng umambang kukuha siya ng kubyertos at plato.

"Ma, sa Thunderbird na lang po ako kakain. Malalate na ako sa trabaho."

"Papasok ka pa, anak? Mukha kang pagod sa biyahe. Nangingitim ang ilalim ng mata mo." ngumiti ako ng pilit sa sinabi ni mama. Actually gusto ko talagang umabsent ngayon. Nahihiya lang ako kay Ma'am Sylvia dahil kapag nagkataon ay pangalawang beses na akong liliban sa trabaho.

I'm tired. Really tired. Tired of everything. Hindi ko alam kung tama ang ginawa kong pang iiwan kay Carlos. Umuwi ako ng walang paalam. Sigurado at magagalit siya saakin. Wala akong ibang maisip na paraan kung hindi ang lumayo muna sa kanya. Masyado akong nasaktan sa mga nalaman.

"Opo, ma, ayaw ko pong umabsent. Maliligo lang po ako." hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mama at dumiretso sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at hinilot ang sintido ko. Masakit parin ang ulo ko at tinatamad akong kumilos. Tinignan ko ang oras at pasado alas siyete. Makakahabol pa ako sa trabaho. Mabuti na lang at hindi traffic kanina sa daanan. Bumuntong hininga ako at hinanda ang susuotin ko. Gising na kaya si Carlos? Ano na kayang ginagawa niya? Hinahanap kaya niya ako? Nagtataka at wala ako sa tabi niya ng magising siya? Malamang oo. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naalala ang nga nabasa ko.

Ang dami pa lang problema sa kompanya pero hindi niya sinasabi saakin. Nakuha pa niyang dalawin ako noong araw na 'yon. Wala akong kaalam alam sa nangyayari. Ang buong akala ko ay maayos ang takbo ng business nila. Bakit hindi sinabi saakin ni Carlos ang bagay na 'yon? Bakit kailangang malaman ko pa kay Stacey? Bakit sila pumunta sa Russia? Anong purpose nila sa pagpunta doon? Ni isa sa mga nalaman ko ay wala akong kaalam alam.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Mas lalo lang sasakit ang ulo ko kung iisipin ko ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Mabilis akong kumilos para on time akong makarating sa trabaho. I wear a maroon skirt and a white blouse. Pinatungan ko iyon ng maroon na cardigan at nag apply ng konting lipstick. That's it. I'm done. Wala ako sa katinuan para maglagay ng light make up. Although maayos pa naman ang itsura ko sa konting koloreteng linagay sa mukha ko.

Nang nasa bukana na ako ng lobby ay kaagad kong natanaw si Shey. She's wearing a white skirt and black top. Nude ang lipstick niya at nakapusod ang buhok niya. Nginitian niya ako ng wagas ng makita ako.

"Good morning!" ani niya.

"Morning." mahina ang boses kong sabi.

"How was your weekend? Parang ang tamlay mo, Odessa." ngumiti ako ng pilit. My weekend is terrible. Ang dami kong nalaman habang wala sa tabi ko si Carlos.

"Fine. Dinalaw ko si Carlos sa Manila. Kakauwi ko lang kanina." bagkus ay sabi ko. Hindi ko na sinabi ang ilan pang nangyari sa pagbisita ko sa kanya dahil parang nilalamon nanaman ako ng apoy kung iuungkat ko pa sa kanya ang nangyari.

"Oh! Hmm. Ang sweet mo namang fiancé."

"Busy siya, e, kaya ako na ang dumalaw."

"Naku! Cheer up! Parang ang tamlay mo kasi samantalang nagkita naman pala kayo ni Carlos. Anyway, you want to be a model?" natigilan ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko ngunit nginitian niya lamang ako ng wagas.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon