Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga habang pauwi kami ni Carlos. Hindi siya umiimik noong kumakain kami at hanggang ngayon at tahimik parin siya. Ako naman ay hindi mapalagay sa kinauupuan ko. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Iyong malaman niya ang tungkol doon at sa ibang tao pa. Sinulyapana ko siya. Seryoso ang mukha at salubong ang kilay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela dahil bumabakat ang ilang ugat sa braso niya at parang nanggigigil.
Muli akong bumuntong hininga at itinuon ang pansin sa labas. He is really mad. Ganitong ganito siya kapag may hindi nagustuhan. Hindi niya ako pinapansin at natatakot ako sa kung saan man hahantong ang galit niya. Baka ayaw niya akong mag OJT. But how about my passion and future? Kailangan ko bang isakripisyo ang kinakabuksan ko para sa relasyon namin?
He is my future, yes. Pero may bagay pa akong gustong makamit. May pangarap pa akong gustong matupad bukod sa ang makasama siya habang buhay at bubuo kami ng sariling pamilya.
Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi pa rin siya umimik at padabog na sinara ang pinto. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at sumunod sa kwarto. I have never been this afraid in my life, ngayon lang. Umupo siya sa kama at hinilamos ang palad sa mukha. Sa sobrang kaba ay para bang gusto kong isuka ang kinain kanina.
Tinanggal ko ang sapatos ko at lalapit pa lang sana sa closet ng magsalita siya na siyang kinagulat ko.
"Why you did not tell me? Bakit hindi mo sinabi saakin na makakasama mo ang lalaking 'yon sa OJT?" mariin niyang sinabi. Umupo ako sa tabi niya.
"Hindi ko sinabi kasi hindi pa naman ako sigurado kong doon na talaga ako."
"At paano kung doon ka na nga talaga mag OOJT? Hindi mo parin sasabihin? Bakit kailangang malaman ko sa ibang lalaki? Odessa, alam mong ayaw ko sa pinsan ni Joaquin! Siya ang pinag-awayan natin noon! And he even texted you!"
Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko ng sumigaw siya at tumayo. Ginulo niya ang sariling buhok at pumeywang sa harapan ko."Sasabihin ko naman sa'yo. Tyumetyempo lang ako at sakto pang inatake sa puso si tito." mahinahon kong sabi at hindi inintindi ang sigaw niya.
"Did you gave your number to him? Magpalit ka ng sim card!"
"Carlos-"
"What!"
Napahinto ako at gulat na tumitig sa kanya ng muli niya akong sigawan. Ang gusto ko ay daanin namin ito sa maayos na usapan. Hindi iyong ganitong sinisigawan niya ako. Humikbi ako at hindi namalayan ang pagtulo ng luha ko. Punyeta! Bakit kailangan niya akong sigawan ngayong pwede naman niya akong kausapin ng maayos!
"Bakit ka ba sumisigaw, huh! Hindi ko binigay ang number ko sa kanya at baka kinuha niya iyon kay Mr. Magsaysay! Kaya ayaw kong sabihin sa'yo kahit gusto kong kumuha ng experience ng trabaho sa resort nila ay dahil alam kong magagalit ka!" hindi ko na napigilan pa ang inis ko at sinigawan din siya. Nagpunas ako ng luha at tinagilid ang mukha.
"Carlos, ikaw ang iniintindi ko. Tatanggihan ko naman ang offer niya kung ayaw mo. Kahit ang kapalit pa nito ay magandang working experience doon. I am willing to gave up my passion just for you. Handa akong mag OJT sa mga cheap na resort dahil alam kong magagalit ka kapag sinabi kong kasama ko si Eyrone. Pinapagalitan mo na ako kahit hindi mo pa naririnig ang side ko. Carlos, you're being unfair!" nanghihina ang tuhod kong umupo sa kama at tinakip ang palad ko sa mukha.
Hindi ko maiwasang magalit sa tinuran niya saakin. Sa isang taon naming pagsasama ay ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito. Siya iyong laging gumigive up kapag nag-aaway kami. Pero this time, hindi ko mahanap ang carefulness sa kanya. Linisi ko ang aking katawan ng hawakan niya ang balikat ko at tinalikuran siya.

BINABASA MO ANG
Everlasting
Narrativa generaleHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?