Kabanata 2: Angry

1.4K 23 1
                                    

"Ikaw Odessa ah! Ganda ng lovelife mo, blooming na blooming" ngumiti ako ng wagas at sumipsip sa iniinom kung Slurpee sa sinabi ni Berny.

"True! Naku, kulang na lang ay mag bahay bahayan na kayo ni Carlos, at talaga namang sa iisa na kayong kwarto kung matulog" segunda naman ni Carmina at nag apiran pa sila ni Berny.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko sa sinabi nila. Nakakataba naman kasi ng puso ang pagsuporta saamin ng mga kaibigan namin ni Carlos. Na kahit buwag na ang Less than Three ay, heto at magkakasama parin kami. Na kahit busy na dahil malapit na ang OJT ay may time parin kaming mag bonding.

"Hayy, sana lang at pinagpatuloy parin nila Sid ang pagsasayaw. Nakakamiss din ang manood ng performance nila" malungkot na sabi ni Carmina.

"Ikaw Odessa, hindi mo ba kinumbinsi si Carlos? Bakit naman siya pumayag sa gusto ni Sid?" nagkibit balikat ako at tinapunan sila ng malungkot na tingin.

"Kinumbinsi ko naman siya, kaso sabi niya, priority daw niya ako at ang pag aaral. Alam naman ninyo na pinagtalunan namin iyan, hindi ba?"

Well, tatlong buwan narin simula noong nabuwag ang Less than Three. Gustong mag focus ni Sid sa pag-aaral, ganoon din si Carlos. Kaso, ayaw ni Phoenix at Felix na basta na lang mabuwang ang grupo. Simula noon, naging aloof na ang mag kambal saamin. Lalong lalo na kay Sidrack, dahil narin sa nagawa noon ni Sarah saamin na inilihim namin sa kanila at kailan lang noong nalaman nila ang totoo. Matagal nanaming pinatawad ni Carlos si Sarah. Pero simula noong mag start ang school year ay busy na kaming lahat dahil narin graduating na kami. Hanggang ngayon, hindi na namin nakakasama ang mag kambal. Dahil narin kay Trixie, hindi ko alam ang buong kwento, pero, Phoenix fell for Trixie. Trixie rejected him, masyado yatang nasaktan si Phoenix kaya dumidistansya siya saamin.

"Namimiss ko narin ang magkambal, alam naman nating naging malapit ang loob nila saatin" patuloy pa ni Carmina.

Sakto namang dumaan sa harapan namin ang magkambal, andito kasi kami ngayon sa COE at nagmemeryenda, magpapa xerox copy narin para sa reviewer namin sa Finals. Huminto sila sa harapan namin at tipid na ngumiti. Wala namang tensyon ang dating nila, pero nandoon parin iyong lungkot sa mukha nila. Maybe, they really love dancing. Ako mismo ay nalulungkot para sakanila. Specially with Phoenix.

"Hi girls!" bati ni Felix at kumaway. Tumango naman si Phoenix at linagpasan na kami.

"Hello, kamusta ka na, Felix?" tanong ko.

"Heto, ayos lang. Pagpasensyahan niyo na si Phoenix, depress parin" Kitang kita ko ang bahid ng lungkot sa mata niya sa sinabi

"Hindi na ba, mabubuo ulit? Kausapin kaya natin si Sidrack?" Umiling si Felix sa sinabi ni Berny at ngumiti ng mapait. The pain is still there, at hindi iyon basta basta mawawala.

"Huwag na, Berny. Siguro ay hindi para saamin ang pagsasayaw. May oras pa para diyan, naiintindihan ko naman si Sid. Naiinis lang ako at ang dali niyang binitawan ang pinagsamahan namin"

Sa sinabi niyang iyon ay natigilan kami at hindi nakasagot. Yeah, maybe Sidrack is really an asshole. Na kahit si Sarah na noon ang nagmamakaawa ay hindi parin niya pinakinggan at tanging desisyon lang niya ang nasunod. Sidrack has his own reason, I know. Pero sana naman ay binigyan niya ng konting considirasyon ang sarili niya noon.

"Sige, mauna na ako. See you later girls" kinindatan pa niya kami at nginitian bago tuluyang umalis.

Kaagad siyang umakbay sa mga bago niyang kaibigan. Kahit papaano ay natutuwa ako para sa kanila ni Phoenix, na kahit minsan na lang namin sila makasama ay hindi parin nila kami nakakalimutang ngitian sa tuwing magkakasalubong kami. Natigilan sila sa paglalakad ng makita nila si Sid, kasama ang girlfriend niyang si Samantha. Ewan ko ba pero, pakiramdam ko ang babaeng iyan ang isa pang dahilan kung bakit nabuwag ang Less than Three. Hindi ko gusto ang awra niya.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon