Nagising ako ng maramdang bumabaliktad nanaman ang sikmura ko. Mabilis akong bumangon at tinahak ang banyo. Dumuwal ako ngunit wala namang lumabas. Napahilamos ako ng mukha at nag mumug. Bumalik ako sa kama at doon umupo. Suot ko parin ang damit ko kagabi at hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi pamilyar saakin ang kwartong ito.
Sumasakit ang ulo ko dala ng pagkakalasing kahapon. Hinilot ko ang aking sintido at lumabas ng kwarto. Nasaan kaya si Eyrone? Ang natatandaan ko ay siya ang kasama ko kahapon after what I did. Matapos ang pagwawala ko sa opisina ni Carlos. Napapikit ako ng mariin at sumandal sa dingding. The pain is still fresh. Tagos sa buto ang pangloloko niya saakin. How could him? Matapos ko siyang puntahan upang makipag-ayos dahil ayokong nag-aaway kami ay iyon pa ang madadatnan ko? God. Ang sarap nilang sampaling parehas. Nagngingitngit parin ako sa galit.
Palinga linga ako sa paligid habang pababa ng hagdan. Ito siguro ang bahay nila dito sa Manila. Sa lawak ay hindi ko tuloy alam kung saan siya hahanapin. Nang makababa sa living room ay rinig ko ang usapan ng dalawang tao sa kung saan man. Sinundan ko ang ingay hanggang sa kusina. Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Eyrone. Kasama si Joaquin na ngayon ay mariing nakatitig sa basong hawak niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Paano kung alam na niyang buntis ako? Baka sabihin pa niya kay Carlos!
"Good morning." mabilis silang bumaling saakin. Umangat ang sulok ng labi ni Joaquin at inilipat ang tingin kay Eyrone na ngayon ay papalapit saakin.
"Odessa, how are you? Masakit ba ulo mo? Anong gusto mong kainin?"
"I'm okay, Eyrone. Salamat nga pala kagabi." ani ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Kinakabahan ako sa mga titig ni Joaquin.
"Halika, kumain ka muna." iginiya niya ako sa tabi niya kaya naman sumunod na lang ako.
"Nasaan si Carlos?" napatigil ako sa biglaang pagsasalita ni Joaquin. Napalunok ako at binitawan ang hawak na platong may pan cake.
"H-hindi ko alam, Joaquin."
"Pumunta ka dito para sa kanya, hindi ba? Ba't kayo magkasama ni Eyrone?"
"Joaquin!" pagbabanta ni Eyrone ngunit hindi siya nag paawat.
"Tatawagan ko siya, sasabihin kong nandito ka sa bahay." akmang kukunin na niya ang phone niya ngunit pinigilan ko siya.
"Joaquin, please, huwag. A-ayoko siyang makita."
"Nag-away kayo? Odessa, hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyong dalawa. Pero kailangan niyang malaman na buntis ka."
Mabilis akong napatingin kay Eyrone. Hindi niya ako matignan ng diretso kaya naman umiwas siya. Malalagutan na yata ako ng hininga sa bilis ng tibok ng puso ko sa narinig. Alam niyang buntis ako? Kung ganoon ay sinabi niya kay Joaquin ang kalagayan ko?
"Eyrone-"
"I'm sorry! Wala kasi akong masabing dahilan dahil hindi ko rin alam kung bakit ka nasa bar ka kahapon."
"Uminom ka?" binaling ko ang tingin kay Joaquin na ngayon ay nagiigting ang panga. "Odessa, bawal 'yon! Gusto mo bang mamatay ang baby niyo ni Carlos!"
Naihilamos ko ang palad sa mukha at pinigilan ang mapahikbi. Hindi naman ako iinom kung hindi ko madadatanang naghahalikan sila ni Stacey! Sana magkasama na kami ngayon at nagplaplano para sa magiging anak namin! It was his fault!
"Alam ko! Hindi niyo na kailangang sabihin saakin! Sorry! Pasensya na! Joaquin, hindi naman ako iinom kung hindi ako galit sa kanya! Sana wala ako ngayon dito sa bahay mo kung hindi niya ako niloko! Huwag ako ang sisihin mo dahil hindi ko sinasadya!"
"Fuck! Tanginang lalaking 'yon. Pero kailangan parin niyang malaman na buntis ka-"
"Alam ko. Hayaan mong ako ang magsabi sa kanya. Tutal ay uuwi na ako mamaya."

BINABASA MO ANG
Everlasting
Fiksi UmumHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?