Kabanata 6: Nahihiya

906 14 2
                                    

"Ay siya nga pala, saan kayo mag O-OJT? Nakapasa na kayo ng letter?" sambit ni Carmina at sumipsip sa iniinom niya.

"Nagpasa ako sa Kahuna, pero hindi ko alam kung matatanggap ako. Madami rin kasi ang may gustong mag OJT doon." untag naman ni Berny.

Hindi naman ako nangialam sa usapan nila at nanatiling busy sa kinakain ko. Lahat na yata kami ay prinoproblema kung saan mag O-OJT. Hindi naman kasi ganoon kadali ang maghanap ng kompanya o kahit ano pang business diyan na pwede naming pag OJThan. Swerte nga ako at inofferan ako ni Eyrone. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nasasabi sa kanya ang desisyon ko. Hindi ko pa naman kasi nakakausap si Carlos. Bukod sa kinakabahan akong sabihin sa kanya ang tungkol doon ay hindi ako makatyempo dahil busy rin siya sa mga requirements nila.

"Ikaw Odessa, saan ka nagpasa ng letter?" napahinto naman ako sa pagsubo at napatingin kay Berny. Bumuntong hininga ako at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Uh, sa Thunderbird." nasamid si Carmina sa sinabi ko at nanlaki ang matang napatingin saakin.

"Talaga? Wow, grabe ka! Kailan ka nagpasa! Hindi ka man lang nagsabi. Naku, gusto ko rin doon kaso parang naduduwag ako."

"Hindi naman ako nagpasa, inofferan ako ni Eyrone." nalaglag ang panga nilang dalawa at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Si E-Eyrone? OMG! Teka, umoo kana ba! Isingit mo naman kami diyan!" hindi kaagad ako nakasagot at binagsak ang balikat ko. Linaro ko ang cake gamit ang tinidor. Iyon na nga ang prinoproblema ko ngayon, gustong gusto ko talagang mag OJT doon ang inaalala ko lang kasi ay si Carlos.

"Hindi nga ako makapagdecide, e, gusto ko na hindi." kumunot ang noo ni Berny.

"Bakit? Gaga ka! Chance mo na iyon ano. Tignan mo at talagang si Eyrone pa talaga ang nag offer e siya ang magmamana doon. Pero ang pinagtataka ko ay bakit ka niya inofferan? I mean, close talaga kayo?" tumango si Carmina bilang pag sang-ayon kay Berny.

Huminga ako ng malalim at linunok ang nakabara sa lalamunan ko. Wala naman kasi silang alam tungkol sa pagtatapat saakin ni Eyrone noon. Hindi ko 'yon nabanggit sa kanila. Talagang magtataka sila kung bakit nga ako inofferan ni Eyrone. Napapaisip tuloy ako kung ano ang tamang salitang sasabihin. Matagal na 'yon. At tulad nga ng sinabi ni Eyrone ay wala na siyang nararamdaman saakin. But knowing Carmina and Berny, baka kung ano pa ang isipin nila.

"Uh, nakitaan daw ako ng potential ni Mr. Magsaysay, sinabi niya iyon kay Eyrone, tapos ayon na."

"Sigurado kang 'yon lang? Alam mo Odessa, hindi mo man sabihin ay alam naming may gusto sa'yo noon si Eyrone, e. Alam na ba iyan ni Carlos?" Mas lalo akong kinabahan at nahirapan sa sinabi ni Carmina. Na bulls eye ako doon. Tumikhim ako at napainom sa juice ko.

"Uh, hindi pa."

"Patay kang babae ka! Habang maaga pa ay sabihin mo na! Naku, hindi ba at siya iyong pinag-awayan ninyo noon sa Manila? And knowing Carlos, possessive 'yon sa'yo!" sumimangot ako sa sinabi ni Berny. Imbes na tulungan nila ako sa problema ko ay mas ginulo pa nila ang isipan ko.

"I'm trying, natatakot kasi ako dahil sigurado akong hindi siya papayag. Lalo pa at doon rin mag O-OJT si Eyrone."

"Odessa, maiintindihan ka naman siguro ni Carlos. At fiance ka na niya, ikakasal na kayo pagkagraduate ninyo. Hindi pa ba 'yon sapat sa kanya?" umiling ako. Kung alam lang sana nila kung gaano ako kinukulit ni Carlos tungkol sa bagay na iyon.

"Pero gusto ko talaga doon, Carmina, Berny, kapag maganda ang resulta ng training ko ay doon na ako magtratrabaho. At sinabi naman saakin ni Eyrone na wala siyang ibang intensyon." naibagsak nila ang kanilang balikat. Tumango sila at sa itsura pa lang nila ay alam kong naiintindihan nila ang nais kong iparating.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon