Kabanata 9: Mapusok

940 19 0
                                    

Napasarap ang tulog ko at hindi ko namalayan ang oras kaya naman hapon na ng magising ako. Una kong naisip si Carlos nang bumangon ako. Nang maalala ang pinagawayan namin kanina ay nawalan ako ng ganang lumabas ng kwarto. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat nandito na siya ngayon at sinusuyo na ako. Pero ilang oras na ang nakalipas ay wala parin siya. Nakakainis talaga siya! Hindi ko alam kung ano ang pinagpuputok ng butchi niya! Basta na lang akong hindi kikibuin ng walang sapat na dahilan. Hindi ko naman alam na magkikita kami ni Joson kanina!

Lumabas ako ng kwarto ng kumulo ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain kaninang tanghali. At wala si Trixie sa bahay nila kaninang umaga kaya sigurado akong hindi pa kumakain si Carlos. Nadatnan ko si Max sa may sala at may kung anong kinakain na nakalagay sa styro.

"Ate! Kanina pa kita ginigising, may binigay na pagkain si Ate Trixie kasama niya kanina si kuya Jackson." hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay tumingin ako sa bintana.

"Max, hindi ba pumunta si kuya mo Carlos dito?"

"Hindi naman ate, bakit?" napailing ako at naibagsak ang balikat ko.

Hindi ko na inistorbo pa si Max at nagtuloy sa kusina. Nakakabwisit na talaga! Natitiis na niya ako ngayon imbes na sinusuyo niya ako! Inabala ko ang aking sarili sa pagluluto at inalis sa isipan ko si Carlos. Bahala siya! Huwag niyang sabihin na ako pa ang susuyo sa kanya!

"Nakakasar ka talagang lalaki ka! Ang sarap tirisin ng ano mo! Magsama kayo ng boxer mo!" Hindi ko nanaman napigilan ang inis ko at binuhos 'yon sa pagtatadtad ng bawang.

"Oh, anak, huwag mong pag-initan ng ulo 'yang ipapansahog mo." natigilan naman ako ng sumulpot si papa na ngayon ay kararating lang galing trabaho. Nakasimangot akong lumapit sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.

"Pa!" tumawa siya t hinaplos ang ulo ko. "Gusto mong meryenda? Ipaghahanda kita." imbes na sagutin niya ako ay inakbayan niya ako.

"Nag-away kayo ni Carlos ano? Nasa labas siya ng bahay kanina pero kaagad ding umalis. Kayo talagang bata kayo."

"Po?!" gulat kong tanong ngunit mas lalo lang niya akong tinawanan.

"Timplahan mo na lang ako ng kape anak at dalhin mo sa likod ng bahay at magpapahangin ako doon."

Ilang minuto ng nakaalis si papa ngunit nanatili parin akong tulala. Napangisi ako ng mag sink in sa utak ko ang sinabi ni papa. Sinasabi ko na nga ba at hindi niya talaga ako matitiis! Siguro ay naghahanda pa 'yon ng speech niya at sigurado akong babalik 'yon mamaya! Ngunit nagkamali yata ako ng naisip. Gumabi na, natapos na kaming kumain at naka pag half bath na ako ngunit wala paring Carlos. Binagsak ko ang sarili sa kama ko at humiga.

"Asar siya! Bahala siya sa buhay niya! Hindi ako matutulog sa bahay nila! Tignan natin kung hindi iyon puputok sa inis!"

Nagtalukbong ako at pinatay ang lamp shade. Ano pinagkakaabalahan niya sa kwarto niya at hindi niya ako magawang puntahan. Ang lapit lang din ng bahay nila! Huwag niyang sabihing patatagalin pa niya ang alitan namin kanina. Pumikit ako at matutulog na sana ng biglang bumukas ang pintuan ngunit kaagad rin 'yong sumara. Nanlaki ang mata ko at nagkunwaring tulog ng maamoy ko ang shower gel ni Carlos.

Shit! Nandito na siya! Hindi ko alam kung ano ang gagawin lalo pa at lumubog ang kama hudyat na nasa tabi ko na siya. Dinantay niya ang braso sa balikat ko at sinama niya ang katawan sa kumot. Napapikit ako ng mariin. Hindi naman ito ang unang beses na tabi kami sa pagtulog pero shit lang at naghaharumentado ang puso ko. Kinakabahan ako na naeexcite.

Napakislot ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Inilagay pa niya ang kamay sa bewang ko habang ang isa naman ay nasa dibdib ko. Pinatong rin niya ang paa niya sa hita ko at hinalikan ang batok ko dahilan upang kilabutan ako. Napasinghap ako ng inulit niya iyon at sinipsip ang balat ko sa leeg. Fuck! Nagiiwan nanaman siya ng marka! Nanatili akong tahimik at nagkunwaring hindi ako apektado sa maiinit niyang halik.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon