Imbes na umuwi sa bahay ay nag diretso ako sa kwarto namin ni Carlos sa bahay nila at tinawagan si Trixie. Nakakatatlong ring pa lang iyon ng sagutin niya ang tawag ko.
"Trixie,"
"Odessa? Napata- Ay! Jackson ano ba! Magdamit ka nga." kinagat ko ang ibabang labi ng tumili siya at narinig ang boses ni Jackson. Mukhang naistorbo ko yata silang dalawa.
"Sweetheart, sige na! Pagbigyan mo na ang gusto ko. Please."
"Hindi pwede! Stop kissing me. Kausapin ko pa si Odessa."
"Trix-"
"Jackson, isa! Lumabas ka muna." napahigpit ang hawak ko sa cellphone ng makarinig ako ng pagdadabog. Mukhang nag-away pa ang dalawa dahil saakin. Hindi ko lang talaga mailabas ang emosyon ko at kailangang malaman ni Trixie ang sitwasyon ko. Natatakot akong sabihin kila mama na buntis ako. Natatakot ako sa kung anong magiging reaksyon nila. I'm so scared. Pwera na lang kung kasama ko si Carlos. I can face them with him by my side.
"Tss. Asar! I'll leave you two." rinig ko pa ang tunog ng halikan nila bago sumara ang pinto.
"Odessa, nandiyan ka pa ba? Pasensya ka na. Ang kulit kasi ni Jackson." ngumiti ako ng pilit kahit hindi niya kita. I missed her.
"Ayos lang."
"Kamusta ka na? Bakit parang ang lungkot mo, Dess. May problema ba?" napabuntong hininga ako at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin. Kung ano ang una kong sasabihin.
"Trixie, I-I'm pregnant." napahikbi ako at naihilamos ang palad sa mukha.
"You're what?"
"Buntis ako." napasinghap siya sa narinig at hindi kaagad nakasagot sa sinabi ko. Nanatili akong tahimik at pinunasan ang luha ko. Nanghihina nanaman ang katawan ko. Pagod na ako at gusto ko ng ipahinga ang katawan. Sumisikip ang dibdib ko sa isiping hindi pa alam ni Carlos ang kalagayan ko. He desperately want a baby. Pero sa sitwasyon ng relasyon namin ngayon, hindi ko alam kung matutuwa ba siya na mag kakaanak na kami.
"Odessa, hindi ko alam ang sasabihin. God. Ang bata mo pa, sana tinapos mo muna ang pag-aaral. Hindi sa ayokong mag kaanak kayo ni Carlos. It's just that, hindi ba at masyadong maaga? Ilang linggo na lang graduation na. Sana nakapaghintay kayo."
"I know. I'm sorr-"
"Dess, hindi mo kailangang humingi ng tawad. God! Masaya ako. Masaya ako para sa inyo." ngumiti ako ng hilaw.
"Do you think it's a good idea? Trix, nalaman ko lang kanina at hindi ko pa nasasabi kay Carlos na buntis ako. Trixie, natatakot ako. Hindi pa alam nila mama." napapikit ako ng mariin. Nanginginig ang katawan ko sa kaba. Oo nga at gusto nila mama si Carlos para saakin. Tanggap na nila kami pati ang pagsasama namin sa iisang kwarto noong nandito pa siya. Naguiguilty ako, dahil hindi ko matutupad ang pangako ko sa kanila.
"Please, Odessa, huwag kang umiyak. Nakakasama 'yan kay baby."
"Hindi ko lang kasi mapigilan. Natutuwa ako at the same time ay natatakot. Hindi ko alam kung magiging mabuti akong ina."
"Of course you can! Sige ganito, tawagan mo si Carlos at sabihin mo sa kanya na buntis ka. I'm sure he will be happy. Uuwi kami ni Jackson sa makalawa para bisitahin ka, okay?" napailing ako.
"Trixie hindi ko makontak si Carlos at limang araw na siyang hindi tumatawag." parang kakapusin na ako ng hininga sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagpaparamdam saakin.
"Shit! I'm sorry, hindi ko nasabi sa'yo. He's working hard this past few days. May nakilala kasi si daddy na businessman sa Russia. Gusto niyang mag invest sa kompanya at interesado siyang suportahan ang lahat ng proyekto ni Carlos. Ang alam ko ay kakauwi lang ni Carlos kahapon galing Russia. Kasama niya si George." sandali akong natigilan sa narinig. He went to Russia? Sigurado ba siyang si George lang ang kasama niya?
BINABASA MO ANG
Everlasting
General FictionHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?