Pinapanood ko lang si Carlos na ngayon ay nag eempake na ng mga gamit niya. Gusto ko siyang tulungan ngunit ayaw makisama ng kamay ko. Baka iba lang ang magawa ko. Imbes na ilagay ang mga damit niya sa maleta niya ay baka ibalik ko lang iyon sa closet.
Napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit ng tumingin siya sa gawi ko. Tinapik niya ang sahig sa tabi niya. Lumipat naman ako sa tabi niya at pinulot ang isang damit at tinupi iyon.
"You okay?" tanong niya. Napatigil ako at tumingin sa kanya. Nag-aalala ang mukha niya at malalim ang kanyang piercing na mata
"O-oo naman-"
"You're not," putol niya sa sasabihin ko. Muli akong napabuntong hininga at binitawan ang damit.
"Ayos lang ako, atsaka napag usapan na natin ito, hindi ba?"
"Pero malungkot ang Odessa ko, you can't fool me." sumimangot pa siya at binitawan ang hawak niyang long sleeve na polo.
Napatitig lang ako sa mukha niya. Sari sari ang emosyon sa mata niya ngunit nangingibabaw doon ang kalungkutan. Mamayang hating gabi na ang alis niya at alas singko na ng hapon. Ilang oras na lang ay mawawala na siya sa tabi ko at walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik o kaya ay dadalaw. Madami kasing naiwan na trabaho si tito at alam kong magiging busy siya sa susunod na araw.
"Carlos, malungkot ako dahil aalis ka na mamaya. Other than that ay wala na, okay?" hinaplos ko ang pisngi niya at bahagyang tumawa ngunit mas lalo lang siyang sumimangot. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya.
"You'll miss me?" ani niya."Of course! Mamimiss ko iyong maharot na Carlos, iyong Carlos na kapag active ang hormones ay hindi ako pinapatulog. Iyong kakulitan mo, iyong pagyakap mo saakin," napatigil ako ng makita ang ngisi sa labi niya at parang may ibig siyang ipoint out sa sinabi ko. Bigla ay kinabahan ako. Shit, Odessa!
"You're talking about sex?" hinampas ko siya at pinanlakihan ng mata.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"
"Pero Odessa ganoon iyong pagkakaitindi ko sa sinabi mo. Our hot nights."
"Carlos!" halos matanggal na ang mata ko sa sobrang laki ngunit ang loko ay tinawanan niya lang ako.
Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Kinagat ko ang ibabang labi ng hindi parin siya tumigil sa pagtawa. Sumimangot ako at inirapan siya. Nakakaasar!
"Sus! Aminin mo na Odessa, nangingibabaw ang bagay na iyon kapag aalis na ako. Mamimiss mo ang halik ko, iyong ano ko sa ano mo-"
"Hindi ng kasi! Nakakainis ka!" putol ko sa sasabihin niya at pinaghahampas siya.
"Okay, okay, I'll stop now! Odessa, masakit! Ouch!" saka lang ako huminto ng makitang medyo dumugo ang pisngi niya dala ng pagkakalmot ko.
"Oh my God! Carlos sorry!" nagmadali akong tumayo at kinuha ang first aid kit sa may cabinet.
Hysterical akong bumalik sa tabi niya at kinagat ang ibabang labi ng tumutulo na ang dugo sa pisngi niya. Linagyan ko ng betadine ang bulak at dinampi iyon sa pisngi niya.
"Mahapdi ba? Sorry talaga,"
"It's okay, konting kalmot lang ito." hinawakan niya ang kamay ko at tinabi ang bulak ngunit hindi ako nag paawat.
"Odessa," natatawa niyang sabi.
Napabuntong hininga ako at napayuko. Naiiyak ako. Nagiging emotional nanaman ako. Ang hirap kasing isiping ilang oras na lang ay iiwan na niya ako. Ano na ang magiging takbo ng araw ko kapag wala siya sa tabi ko? I don't know. I don't fucking know!
BINABASA MO ANG
Everlasting
Ficção GeralHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?