"What? You said you'll stay here for four days? May problema ba sa kompanya? May maitutu-" nagpanic ako ngunit napatigil ng itungkod niya ang kamay sa magkabilang gilid ko. Bumigat ang paghinga ko at hindi ko kayang salubungin ang titig niya.
"You're changing the mood. Ba't na sa'yo ang damit ng lalaking 'yon?" nag igting ang panga niya at kitang kita ko ang labis na galit sa mata niya. Nanginig ang katawan ko dala ng kaba.
"Carlos-"
"Why?" isang salita lang iyon pero labis labis na ang gusto niyang iparating. Kinalma ko ang naghaharumentado kong sistema at sinubukan kong tumayo ngunit hindi niya ako hinayaan.
"Kasi, binuhasan ako ng kasamahan ko ng juice. Pinahiram niya saakin ang damit niya." mula sa seryoso niyang mukha ay napalitan iyon ng pag-aalala.
"What did you say?" paos ang boses niyang sabi at umupo sa tabi ko. Muli akong napabuntong hininga.
"Carlos, it doesn't matter. Isasauli-"
"Everything about you matters, Odessa. I am your fucking fiance! Bakit hindi mo sinabi saakin? Binabastos ka ba nila sa OJT mo!" umiling ako at hinawakan ang kamay niya.
"Carlos, hindi. Aksidente lang 'yon. Nag magandang loob lang si Eyrone dahil nabasa ang damit ko. Please, Carlos." sinubukan ko siyang yakapin ngunit inilag niya ang katawan at naihilamos ang palad sa mukha.
Nangilid ang luha sa mata ko sa trinato niya. Nanginginig ang katawan niya sa galit at nagiigting ang kanyang panga. Wala akong nagawa kung hindi ang mapayuko at tinakip ang palad ko sa mukha. Kung sasabihin ko sa kanyang si Eyrone ang dahilan kung bakit ako binuhasan ni Shantal ay mas lalo lang siyang magagalit. At isa pa ay tapos na iyon. Mas madadagdagan lang ang galit niya kay Eyrone at ayaw kung mangyari iyon. Eyrone is too good to be true. Oo gusto nga niya ako. But he doesn't deserve this kind of treatment towards Carlos. Inilalayo na niya ang kanyang sarili para saamin. I really appreciate his attitude.
"Carlos," yinakap ko siya ng patagilid at dinampian ng halik ang pisngi niya. Pansin ko ang pagkatense ng katawan niya sa ginawa ko. May kasalanan din naman ako, alam ko dahil linalapitan ko parin si Eyrone. Ayoko lang kasing may gap sa pagitan namin.
"Odessa, ang tigas ng ulo mo. Ano ang hindi mo maintindihan sa salitang 'Stay away from him'?"
"Hindi 'yon maiiwasan dahil katrabaho ko siya. Can't you just appreciate what he did?"
"Fuck, Odessa, fuck!" napabitaw ako sa malutong niyang mura. "Babalik nanaman ba tayo sa dati, Odessa? He likes you! Nangyari na ito noon. Siya ang dahilan kung bakit mo ako iniwan noon sa Manila. And God knows, kung gaano ko gustong basagin ang bungo ng lalaking 'yon!"
Nawalan ako ng sasabihin at hindi ko mahanap ang dila. Namumula ang kanyang mata at tumulo ang luha sa pisngi niya na kaaagad naman niyang pinunasan. I was once again stunned. Ilang beses na akong iniyakan ni Carlos pero hindi parin ako mapaniwala na paulit ulit siyang umiiyak sa harapan ko. Pinunasan ko ang pisngi niya at yinakap siya ng mahigpit.
"I don't know what's happening to me. Ayokong may lalaking lumalapit sa'yo. Ayokong sinusuot mo ang damit ng ibabang lalaki. Odessa pag mamay-ari kita. I am so fucked up. Dapat ako 'yong nasa tabi mo noong binastos ka nila. Pero nasaan ako? Wala ako sa tabi mo at si Eyrone ang nagtanggol sa'yo. I felt useless."
"Carlos, no, you are not useless. Please, stop comparing yourself to Eyrone." dinaop ng palad ko ang mukha niya at dinampian ng halik ang labi niya.
"Do you love me?" sa isang iglap ay nagbago ang mood niya. Ngumiti ako at hinalikan ang tungki ng matangos niyang ilong.
"Yes, Carlos. Mahal na mahal."
"Naiinis parin ako sa pinsan ni Joaquin."
"Shh, I love you, okay? Pakakasalan pa kita, hindi ba? You trust me, right? Carlos ikaw lang ang mamahalin ko at hindi ako maghahanap ng iba." nginisian niya ako at mas hinapit pa ang katawan ko papalapit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/40643101-288-k452490.jpg)
BINABASA MO ANG
Everlasting
Fiksi UmumHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?