“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Dani nang makita niyang umiba ako ng daan. Umiling ako at nagpaalam. Nilakad ko ang daan patungong tabing dagat. Tumungo ako sa mabatong parte at naupo. Tanaw mula rito ang bangka ng mga mangingisdang pumapalaot sa dagat. Kakababa pa lamang ng araw at naghahalo pa rin ang kakaibang kulay sa kalangitan. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin.
8 years old ako nang pumanaw si mama dahil sa sakit na cancer. Si papa naman nag-asawa ulit kaya nagkaroon ako ng bagong pamilya. Ayos naman sila, mababait naman kahit papaano. Pero hindi ko pa ring maiwasang ma-miss ang pamilya namin noon.
Mayor si papa dito sa Santa Cruz. Si mama naman anak ng isang negosyante sa isang siyudad sa Luzon. Oo lumaki akong may marangyang buhay. Pero iilan lamang ang naging kaibigan ko sa kadahilanang pinagbabawalan kami ni papa na makipagkapwa-tao sa mga hindi naman ka-estado.
Mabait naman si papa. Nagbago lang ang pagtingin niya sa mga hindi namin ka-lebel nang may magtangkang kumidnap sa ’kin noon. Hindi kasi niya natulongan agad sa pinansyal na problema kaya ayon, nakagawa ng masama.
Tumunog ang alarm sa relo ko tanda na kailangan ko na ngang umuwi. Tumayo na ako’t pinagpag ang suot na uniporme nang may nakita akong paparating. Agad akong bumaba mula sa malaking bato at akmang maglalakad na paalis nang paglingon ko ay magkaharap na kami.
Gulat akong napahawak sa sariling dibdib.
Ganoon din naman ang expresiyon niya ngunit agad rin itong nagbago.“Sorry, nagulat lang,” paghingi ko ng paumanhin at yumuko nang kaunti bilang paggalang. Mukha kasing mas nakatatanda siya sa ’kin. Suot niya ang normal na kasuotan ng mga mangingisda rito. Ang kaibahan nga lang, hapit na hapit at nagmumukha siyang modelo sa suot. Hindi rin halata sa kutis niya na isa siyang mangingisda kaya sa tingin ko, bagong dating ang isang ‘to.
“No, it’s okay,” aniya sa matigas na boses.
Nakumpira ko ang hinala ko. Hindi nga taga-rito ang lalaking ito.“Mangingisda ka?” tanong ko. Kumunot naman ang noo niya at napatingin sa sarili. Laglag panga akong umiling agad.
“I mean, manghuhuli ka ng mga isda ngayon?” Parang iba yata ang naging dating sa kaniya ng una kong tanong kaya agad kong binago.Tumingin siya sa ’kin at itinaas ang hawak na balde.
“Nope. Hinihintay ko si Mang Kanor para makabili ng mga bagong huling isda," sagot niya at tumingin sa dagat. Marahan akong tumango.“Ah, sige. Mauuna na ako,” paalam ko at nilampasan siya. Ngiting-ngiti akong umuwi ng bahay. Minsan lang may kumausap sa ’kin dahil nga mailap ang mga batang ka-edad ko. Binalaan yata ng mga magulang. May mga nagsasabi kasi na matapobre raw kami. Hindi ko naman alam kung dapat ko ba ‘yun i-deny dahil sa tingin ko ay tama naman. Nananatili lang sa puwesto si papa sa kadahilanang wala ring gustong kumalaban. Pera ang palaging pinapatakbo sa eleksyon at marami ang papa ko nun.
“Ysa, saan ka na naman nanggaling?” bungad ni papa nang makauwi ako. Nasa hapag na lahat at handa na para kumain, ako na lamang ang hinihintay.
“Sa tabing dagat lang, Pa” sagot ko at lumapit sa kaniya para magmano. Ganoon rin ang ginawa ko kay Tita Dette.
“Alam mo namang delikado ang magpagala-gala hindi ba? Bakit hindi ka na lang umuwi nang maaga at gawin ang mga assignments mo?”
Napakagat labi na lamang ako.
Marahang hinaplos ni Tita ang braso ni papa para pigilan siya.
“Tama na ‘yan. May meeting ka mamaya ‘diba? Umupo ka na, Ysabelle”Agad naman akong tumalima.
Dahil kay Tita, hindi na ako pinagalitan ni papa. Mabilis niya kaming pinaakyat sa silid namin matapos maghapunan. Inilapag ko ang bag ko sa mesa at umupo sa higaan para tanggalin ang suot na sapatos at medyas. Isinunod ko naman ang uniporme at naglakad patungo sa walk-in closet na ipinagawa ni Papa para saamin ni Dani.Magkadugtong ang silid namin ni Dani at ang walk-in closet mismo ang nagdudugtong nun.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo sa tabing dagat?” pag-uusisa niya.
“Wala, nagpapalipas ng oras? Maganda ang view doon. Samahan mo rin ako paminsan-minsan,” sagot ko habang namimili ng maisusuot.
“Ayoko mapagalitan ano. Ikaw na lang,” aniya at lumabas na.
Napailing na lamang ako at lumabas na rin matapos makapili ng mga damit. Inilapag ko iyon sa kama at dumiretso sa banyo para maligo.
Babalik ulit ako roon.
‘Di bale nang mapagalitan.
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...