Lahat ay abala sa paparating kong kaarawan. Ilang araw na lang kasi ang natitira. Ginagawa na rin ang gown na gusto kong isuot. Nakapili na rin si Dani at tita Dette ng gusto nila. Matapos ang klase namin, hindi muna pinalabas ng guro namin ang lahat dahil may ia-anunsyo pa ako. Kinakabahan akong naglakad papuntang gitna at ngumiti sa kanila.
"Uhm...," lumunok ako nang malaki. Kita kong itinaas pa ni Josh ang hinlalaki niya para mapagaan ang loob ko.
"Iniimbitahan ko pala kayong lahat sa birthday ko. Uh, ito..." sabay bigay ko sa mga invitation cards. Pinasa-pasa naman nila iyon sa iba. "Nariyan ang tema, lugar, at oras kung kailan magsisimula ang party""Kaming lahat? Sigurado ka?" tanong ni Arianne. "Hindi ba magagalit si Mayor?"
"Huwag kayong mag-alala, si papa mismo ang nagsabi na imbitahan ko kayong lahat"
Nagsimula ang bulong-bulongan sa buong silid.
"Himala 'yun ah?"
"Excited na ako. Tiyak magarbo 'yun"
"Sasabihan ko agad si mama"
"Sayang, wala akong pera para bumili ng gown. May gown ako sa bahay pero hindi naman tugma sa tema"
"Ako rin, e"
Napakagat labi ako. "Uh..." sabay taas ko ng aking isang kamay para makuha ulit ang atensiyon nila. "Ayos lang kung hindi tumutugma sa tema"
"Talaga!? Salamat!"
Ngumiti ako bilang ganti. Alam kong mahirap rin at mahal ang temang napili ni tita Dette kaya naiintindihan ko sila.
"Kayo rin po, ma'am. Ito po," sabay bigay ko sa imbitasyon. Ngumiti lang si ma'am at tinanggap iyon."Salamat, Ysa. Oh sya, puwede na kayong lumabas"
Nagsitayuan na sila at binati pa ako ng iilan. Hinintay kong makalapit si Josh dahil kinukuha niya pa ang mga gamit ko.
"Oh ito," aniya at ibinigay sa 'kin ang bag ko. "Ako na ang magdadala sa mga libro mo""Salamat, Josh"
Sabay kaming naglakad palabas ng school. Dahil maaga pa naman, wala pa si Manong. Napagdesisyunan namin ni Josh na gumala muna sa kalapit na mall. Balak kong bilhan siya ng maisusuot para sa kaarawan ko. Nabanggit niya kasing nag-iipon pa siya para makabili dahil nahihiya siyang humingi sa mga magulang niya.
"Kasya ba sa 'yo 'to, Josh?" sabay pakita ko ng napili kong suit.
"Sa tingin ko? Bakit? Pareho ba kami ng katawan ng pagbibigyan mo niyan?" sunod-sunod niyang tanong.
Tumawa ako nang bahagya. "Hmm? Isukat mo nga," sabay hila ko sa kaniya sa bakanteng dressing room. Aalma pa sana siya ngunit tinulak ko na siya papasok sabay bigay ng suit sa kaniya. "Ito rin, isukat mo," tukoy ko sa kapares nitong pants. Iniwan ko muna siya saglit doon para bumili ng necktie na babagay sa suot niya. Tinulungan naman ako ng babae nang sabihin ko kung anong kulay nung suit. Bumalik ako hawak-hawak ang suit ngunit hindi ko inaasahan ang pagtulak sa 'kin sa sahig.
"Anak pala 'to ni Mayor, e," halakhak ng babaeng tumulak sa 'kin. Sinabayan naman siya ng dalawa niya pang kasama. Pamilyar ang mga pagmumukha nila ngunit hindi ko sila kilala. Nakikita ko lang sila paminsan-minsan sa school. Dahan-dahan kong ini-angat ang sarili at determinadong huwag silang patulan.
"Uy! Uy! Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos ah?" Pinagitnaan ako ng dalawa niyang kasama at mariin na hinawakan sa braso.
"Ano bang kailangan niyo?" tanong ko sa tumulak sa 'kin kanina.
"Balita kasi namin, inimbitahan mo raw 'yung mga kaklase mo sa debut mo. Bakit hindi mo kami isinama?" nakapamewang niyang tanong.
"Ang sabi ni papa, 'yung mga kaklase ko lang. Hindi ko naman kayo kilala," sagot ko at marahas na binawi ang magkabila kong braso. Akmang tatalikuran ko na sila nang hilahin niya ang buhok ko at muling itinulak sa sahig.
"Taylor ang pangalan ko, and these are my friends, Georgina and Queen. Ngayon na kilala mo na kami, puwede mo na kaming imbitahan? Ang sabi kasi, pati 'yung mga mayayamang anak ng mga kakilala ng papa mo, palaging dumadalo sa birthday party mo, e. Gusto naming makabingwit nun. Kaya puwede ba?" mahaba niyang lintaya habang nakangisi.
Nagtagpo ang magkabilang kilay ko sa gitna. Matapos nila akong itulak-tulak at sabunutan gusto nilang imbitahan ko sila? Ang kakapal din naman ano?
"Ayaw ni papa sa mga katulad niyo," sagot ko at itinayo ulit ang sarili."Anong pakialam namin? Ayaw din naman namin sa kaniya. Isang matapobre ang papa mo! Nananalo lamang siya sa eleksyon dahil walang gustong kumalaban sa kaniya!" sambit nung isa.
"Kung ganoon, hindi kayo puwede sa party ko. Magdadala lamang kayo ng dulo," sabay pagpag ko sa suot na damit. Napansin ko ang pamumula ng siko at braso ko dahil sa pagkakatulak nila sa 'kin.
"E, tangina mo pala, e! Kung ayaw mong ibigay saamin ang imbitasyon, kukunin na lang namin sa 'yo!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sabay-sabay silang sumugod. Sinubukan kong tumakbo ngunit nahigit ako nung isa saka nila ako idiniin sa sahig at kinuha ang bag ko para kalkalin.
"Hawakan niyo 'yan!"
Pinilit kong makawala ngunit mas lalo lamang dinidiin ang ulo ko. "A-Ano ba! Nasasaktan na ako!"
"Tangina! Saan mo ba kasi inilagay!?"
May mga dumaan at agad na tumawag ng security at ang iba naman ay sinubukan silang pigilan. Pinagbabaklas nung babae ang dalawang nakahawak sa 'kin saka ako hinila at niyakap.
"Ayos ka lang ba?"Nanginginig akong tumango.
"Taylor! Nandiyan na ang mga security guard! Umalis na tayo!"
"Tangina! Saglit lang! Hindi ko mahanap!"
"Iwan mo na 'yan!"
Nang makita niyang paparating na ang dalawang security guard kasama ang ilang sale's lady, itinapon niya ang bag ko at saka ako dinuro-duro.
"Hindi pa tayo tapos! Kukunin namin ang invitation cards bukas!" Banta niya at akmang tatakbo paalis nang pigilan sila ng ibang tao. Agad na tumakbo ang dalawang security guard papunta sa kanila saka sila hinuli. Hindi ko pinansin ang mga bulong-bulongan at kumawala sa pagkakayakap ng babae."S-Salamat po"
"Walang anuman. Ikaw 'yung anak ni Mayor hindi ba?"
Nanghihina akong tumango.
"Jusko! Ayos ka lang ba?"
Gusto kong tumango pero naninikip ang dibdib ko. Ilang ulit pa akong napakurap-kurap dahil unti-unting dumidilim ang paningin ko.
"Ysa!" rinig kong sigaw ni Josh bago ko naramdaman ang sarili ko na bumagsak.
"Jusko! Tumawag kayo ng ambulansya! Nahimatay ang anak ni Mayor!"
.
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...