Kabanata 27

97 17 20
                                    

“Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, apo?”

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ‘yang itinanong ni lola. Ngumiti ako habang hawak-hawak ang maliit ko pang tiyan.

“Opo, lola. Bubuhayin ko po siya”

“Sige, susuportahan kita sa desisyon mong ‘yan. Akong bahala sa ‘yo at sa magiging anak mo”

Naikuwento ko na kay lola ang tungkol kay Fourth matapos naming makumpirma na nagdadalang tao nga ako. Halo-halo ang naramdaman ko. Kaba, saya, takot, at iba pa. Maraming “papaano” ang pumasok sa isip ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita niya ang mundo.

Hindi ko alam kung anong bukas ang naghihintay sa ’min. Pero ngayong alam ko nang hindi ako nag-iisa, desidido na akong bumangon at maging matatag para sa magiging anak ko.

Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyunan naming lumipat na sa ibang bansa. Maliit lamang ang Pilipinas, at kung gugustuhin ni Fourth na hanapin ako ay mahahanap at mahahanap niya talaga ako. At ayokong mangyari iyon. Hindi pa ako handa.

Lumipad kami patungong Canada dahil iyon ang gusto ko.

“Kambal ang dinadala niya?” pag-uulit ni lola sa sinabi ng Filipinong doctor. Kagaya ni lola ay nagulat rin ako. Sa katunahan ay nakatingin lamang ako sa isang bagay kung saan makikita ang dalawang regalo ng Diyos sa ’kin. Hindi ako makapaniwala.

Kambal? Kambal ang magiging anak ko?

Mas lalo lang dumoble ang kaba sa dibdib ko. Magiging mabuti kaya akong ina sa kanila?

“Maselan ang pagbubuntis mo, Ysabelle. Kaya kailangan mong mag-ingat palagi”

Kagaya nga ng sinabi ng doctor, nahirapan ako sa pagbubuntis.
Alam kong pati rin naman si lola pero pinipilit lang niyang intindihin ako dahil nga sa kalagayan ko.

Sa kabutihang palad, nailuwal ko nang masigla at malusog ang mga bata. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nung una ko silang nahawakan. Ang mala-anghel nilang mga mukha ang nagpaiyak sa ’kin sa sobrang kasiyahan.

“Anong ipapangalan mo sa kanila, apo?” tanong ni lola habang nakasilip sa hawak-hawak niyang sanggol.

Nakangiti kong tiningnan ang babae kong anak. “Yvianne Axtherielle Dela Merced” sambit ko. Yvy ang pangalan ni mama, gusto kong maalala si mama sa tuwing sinasambit ko ang kaniyang pangalan.

“And this little angel?” tukoy ni lola sa isa habang nilalaro ito.
“Carson Jaxter Dela Merced”
Ang pangalawang Fourth sa buhay ko.

“Saan mo nakuha ang mga pangalang ‘yan?” natatawang tanong ni lola. Tumawa na rin ako.

“Naisip ko lang po. Sana hindi sumama ang loob nila sa ’kin dahil mahaba ang mga pangalan nila”

“Naalala mo ang sarili mo noon, ano? Iyak ka nang iyak noon dahil napapagod ka nang isulat ang pangalan mo sa isang buong papel”

Mas lalo pa kaming natawa.
“Lola naman...” Pinaalala niya pa talaga.

Naging maayos man ang pagluwal ko sa kanila, nahirapan naman ako sa pag-aalaga sa kanilang dalawa. Palagi kasing umiiyak si Yvianne. Ang sabi ni lola, kumuha na kami ng mag-aalaga subalit hindi ako pumayag. Kaya ko naman at tinutulongan naman niya ako kahit papaano kaya bakit pa ‘di ba?

Sa unang kaarawan ng kambal, mas bongga pa sa birthday ko ang regalo ni lola sa kanila. Lahat ng mga kakilala niya sa negosyo ay inimbitahan niya. Ayaw ko sana sa ganoon dahil sa tingin ko ay hindi mahilig ang kambal sa magagarbong party pero hinayaan ko na lamang.

Sa birthday din nila inanunsyo ni lola na sa akin niya ibibigay ang kompanya. Nabigla ako siyempre pero kinausap ako ni lola at sinabing kakailanganin ko ang kompanya para maitaguyod ang kambal. Tinanggap ko iyon at nagsimulang pag-aralan kung papaano patakbuhin ang kompanya sa tulong na rin ni lola.

Makalipas ang limang taon, tinanggap ko nang buo ang kompanyang minsan nang inayawan nina mama at papa. Umikot kami sa iba’t-ibang bansa kung nasaan ang ibang branches ng kompanya para ma-meet ko ang iba pang mga taong nasa likod din nito.

“Mommy...”

Natigil ako sa pagtitipa nang bumukas ng pinto at pumasok mula roon si Yvianne na yakap-yakap ang paborito niyang teddy bear. Nakasunod naman sa kaniya ang nakasimangot na si Carson.

“Oh, bakit? May nangyari na naman ba?” mahinahon kong tanong at inilapag ang laptop sa mesa katabi ng kama. Umakyat si Yvianne at yumakap sa ’kin habang si Carson naman ay naupo sa dulo ng kama.

“Inaway mo na naman ang kuya mo?”

Pareho ko silang tinuruan ng lengguwaheng nakasanayan ko kahit noong nagsisimula pa lang silang matuto ng wikang ingles. Ayoko rin namang pagbalik namin sa Pilipinas ay wala silang maintindihan sa sinasabi ng mga tao.

Ngumuso siya at sumulyap sa kapatid.
“Siya po nagsimula!” sabay turo niya sa kapatid. Napailing ako sa ugali niya. Manang-mana sa ’kin, e. Tumingin sa ’min si Carson at ngumuso.

“I just stopped her from going outside, mom” depensa niya sa sarili. Si Carson naman halatang nagmana kay Fourth. Sa mukha pa lang at sa ugali.

Ngumiti ako at pinalapit siya na agad din niyang sinunod. Niyakap ko siya gamit ang kabilang braso at tumingin kay Yvianne.

“Your brother did what’s best for you, baby. Wala tayo sa bahay kaya kailangan niyo mag-ingat. Huwag kayong lalabas basta-basta dahil baka kunin kayo ng strangers. Do you want that? Gusto niyo ba malayo kay mommy at lola?”

Agad silang nagsiilingan.
“Ayaw ko rin malayo sa inyo. So you have to be careful and protect each other at all costs,” mahina kong saad at mas lalo pa silang niyakap.

Kayamanan ko ang mga anak ko. At hindi ko hahayaan na may makakapaghiwalay pa sa ’min.

“Mommy, when are we going to see dad?”

Natigilan ako sa inosenteng tanong ni Yvianne. Hindi ko inilihim sa kanila ang tungkol kay Fourth. Palagi kong sinasabi na nasa Pilipinas lamang ang papa nila. Naiintindihan ni Carson ang sitwasyon ngunit kabaliktaran si Yvianne. Gustong-gusto na niyang makita ang ama.

“Soon, baby...” bulong ko at hinalikan ang noo niya. Hindi ako sigurado kung kailan pero ipakilala ko sa kanila si Fourth kahit anong mangyari. Hindi lang ngayon. Sinulyapan ko ang nananahimik na si Carson. Sa tingin ko ay hindi pa siya handa. Kapag ganitong usapan kasi, nananahimik lang siya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at ayoko rin namang pilitin siyang magsalita. Ang gusto ko lang ay maging handa siya. At hihintayin ko iyon.

“Ysa? Apo?” boses iyon ni lola.
Hinalikan ko ang noo ng mga anak ko at inayos ang kumot nila.

“Nandito ako, la” mahina kong sagot.
Bumukas ang pinto at pumasok mula roon si lola. Tumabi siya sa ’kin at sabay naming pinanuod ang mga anak ko habang natutulog.

“Kailan mo balak bumalik sa Pilipinas?”

Nawala ang ngiti sa labi ko at tumingin kay Carson.
“Hindi ko pa po alam”

Bumuntong hininga siya at ipinakita sa ’kin ang hawak na ipad. Kumunot ang noo ko at kinuha iyon mula sa kaniya para mabasa nang mabuti ang nasa balita.

“Umuusad na ang kaso sa tulong nina Fourth at Dani” sabi ni lola.

Si Fourth at Dani? Magkasama?

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon