Kabanata 37

90 16 12
                                    

“Manong, huminto tayo sa pinakamalapit na bakery shop. May bibilhin lang ako para sa mga bata” saad ko habang nasa byahe pauwi.
Hindi ko kasama si Fourth dahil kasama niya ang mga bata. Ipinasyal niya kasi ang kambal. Gusto ko sanang sumama pero tumawag si Jess.
Pinuntahan ko lang ang isa sa mga investors namin. May pinag-usapan lang kami tungkol sa shares niya sa kompanya.

Nakita ko siyang tumango.
“Sige po, ma’am”

Tipid kong ngumiti at itinuon ang pagbabasa sa sinend na impormasyon ni Dani kahapon tungkol sa kaso ni papa.

Dominador Ardiente, 49 years old.
Mayor din noon. Naging magkaibigan sila ni papa ilang taon na rin ang nakararaan at nagbago lang nang pumasok sila sa politika. May asawa, at dalawang anak na katatapos lang sa kolehiyo.

Unti-unting namuo ulit ang galit sa dibdib ko. Magkaibigan pala sila noon. Pero dahil sa kaniya-kaniya nilang hangarin sa buhay, naging magkaaway na.

Huminto ang sasakyan kaya tiningnan ko ang dahilan. May nakaharang na mga sasakyan sa daan.

“Anong nangyari, Manong?”

“Nasiraan yata sila, ma’am—”

Nanlaki ang mga mata ko nang magsilabasan ang mga nakaitim na lalaki mula sa sasakyang iyon. Kita kong sa side mirror ng sasakyan na nagsilabasan na rin ang mga bodyguards ko.

Pinigilan ko ang mataranta.
Ano ‘to? Ambush?

“Manong, bumalik tayo!”

Mabilis na pinaandar ni Manong ang makina. Napasigaw ako sa nang marinig ang putok ng baril.

“Ma’am! Binaril nila ang gulong!”

Napalunok ako nang malaki at akmang lalabas ngunit natigil dahil sa tumamang baril sa pintuan. Mabilis kong hinanap ang cellphone para tumawag ng tulong ngunit naalala kong na kay Fourth nga pala iyon.

“Manong, pahiram ng cellphone mo!”

Mas lalong lumala ang barilan sa labas. Nasulyapan ko pa ulit sa side mirror ang pagbagsak ng mga bodyguards ko bago pa man sila makalapit sa amin.

“Ito po, ma’am!”

Mabilis kong tinanggap ang iniabot niya nang makitang papalapit na ang mga lalaki sa sasakyan namin. Dali-dali kong tinawagan ang numero ni Fourth.

“Sagutin mo, please...” halos maiyak na ako sa kaba.

Diyos ko, hindi pa ako handa. Kaaayos lang ng lahat. Bakit ganito agad?

“Fourth!” halos magtatalon ako sa tuwa nang sagutin niya ang tawag.

“Ysa? What happened? Where are you?”

“Fourth! Hinarangan kami—” napasigaw ako sa takot nang mabasag ang bintana ng sasakyan para buksan sa loob. Nabitawan ko ang cellphone nang marahas akong hinila palabas ng lalaki.

“Ano ba! Sino ba kayo? Anong kailangan niyo—huwag!” pigil ko nang tinutokan na nila ng baril si Manong driver.

“Kailangan mong sumama sa amin, Miss”

“Kayo, tingnan niyo kung buhay pa ang mga ‘yun. Tapusin niyo kung may gumalaw man—”

“Huwag, please! Ako lang ang kailangan niyo hindi ba? Huwag niyo na silang idamay! Ginagawa lang nila ang trabaho nila. Sasama ako! Pakiusap, hayaan niyo na lang sila”
Hindi ako makakapayag na may madamay na naman. Marami nang buhay ang nawala dahil sa pamilya namin. Hindi puwedeng madagdagan pa.

Walang emosyon akong tinitigan ng lalaking kung hindi ako nagkakamali ay s’yang nagmamando sa iba pa.

“S-Sasama ako...” pakiusap ko.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon