Kabanata 33

105 16 14
                                    

Tahimik ko siyang pinagmamasdan matulog. Maliwanag na sa labas ngunit hindi ko siya magawang gisingin. Makikita kasi sa mukha niya ang kapayapaan na parang ngayon lang niya talaga nagagawang makatulog nang maayos. Hindi rin naman ako makakilos para makabangon dahil yakap-yakap niya ako. Isang galaw ko lang, tiyak magigising siya.

Kumusta kaya siya sa loob ng ilang taon naming hindi pagkikita? Wala na akong naging balita sa kaniya nung umalis kami dahil mas naka-focus ako sa kambal.

Sa tingin ko, naging maayos naman ang buhay niya.

Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at pumikit.

Ayoko munang lumabas. Sigurado naman akong maayos ang mga bata. Sa tingin ko kasi hindi pa ako handang harapin ang lahat. Hindi ako mahilig sa pagpapaliwanag.

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya. Hinigpitan ko rin ang akin at hinayaang mahulog ulit sa kumunoy ng panaginip.

“Mommy?”

Unti-unti akong dumilat nang marinig ko ang boses ni Yvianne. Nung mag sink in sa isip ko na ganoon pa rin ang posisyon namin ni Fourth, mabilis ko siyang naitulak kaya bumagsak siya sa sahig.

Napamura pa siya na agad ko ring sinaway. Tinuro ko ang mga bata gamit ang labi ko. Mabilis naman din niyang naintindihan at kalmadong tumayo.

“Sorry,” sambit niya sabay ngiti sa mga anak namin.

Tulalang nakatingin sa kaniya si Yvianne pero makikita ang kislap sa mga mata niya. Binalingan ko naman si Carson na walang emosyong nakatingin kay Fourth.

“Uh, lumapit nga kayo rito” utos ko na mabilis din nilang sinunod.

“Mom? How’s your head?”

Hinawakan ko ang ulo kong may benda pa dahil sa tanong ni Carson.

“I’m...I’m really sorry, mom” sabay baba niya ng tingin. Marahan ko siyang hinila paupo sa tabi ko.

“Hindi mo kasalanan ang nangyari, baby. I saw what happened before that. But next time, try to avoid getting into fights, okay?”

“Okay, mom”

Napangiti ako.

Tiningnan ko si Yvianne na nakatitig pa rin kay Fourth habang si Fourth naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Ramdam kong gusto niyang lumapit at magsalita pero pinipigilan lamang niya ang sarili.

“Daddy?”

Mariin akong napapikit.
“Sabi nina lola at lolo kasama ni mommy ang daddy namin...” lumingon-lingon pa siya sa buong silid bago muling nagsalita.
“You’re not my mommy’s friend, right? You’re our daddy”

“Yvianne...” mabilis kong pinahid ang mga tumakas na luha.

“He’s our daddy. Right, mommy?” sabay baling niya sa ’kin.

“Y-Yes...” Sumubsob sa dibdib ko si Carson at mahigpit akong niyakap.
Umiiyak siya. Pati si Yvianne ay umiyak na rin at pilit na pinapahiran ang mga luha gamit ang maliliit niyang palad pero patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya sa magkabilang pisngi.

“W-Why, daddy?”

“Baby...” Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap ni Carson sa ’kin at alam kong mas kailangan niya ako.
Si Yvianne, marami siyang tanong noon pa man. Hindi ganoon kalalim ang galit niya kay Fourth pero galit pa rin iyon.

Nagsusumamo kong tiningnan si Fourth para pakalmahin ang anak namin. Hindi niya ako napansin at dahan-dahang nilapitan si Yvianne.
Napasinghap ako sa gulat nang lumuhod siya sa harapan nito.

“F-Fourth!”

Mas lalo pang nadurog ang puso ko sa sigaw ni Yvianne.
“W-We waited for you! Sabi ni Kuya baka wala ka lang money but when we asked lola and lolo, they said you have lots of money! You’re rich here! K-Kaya bakit hindi mo kami hinanap? Why, daddy? Why!”

Muli akong napapikit dahil sa paulit-ulit na hampas ni Yvianne kay Fourth na buong-buo naman niyang tinanggap. Ni hindi siya umilag o pinigilan man lang ang anak.

“I-I’m s-sorry...” tanging nasabi niya.

Nang dumilat ako ay nakita ko ang pagbagsak ng mga luha ni Fourth. Nanginginig rin ang magkabila niyang balikat.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Noon pa man ay palagi nang nakatago ang emosyon niya. Pilit niyang pinipigilan, at ayaw pakawalan. Kahit ang maliit na ngiti sa labi niya na tanda ng kasiyahan ay minsan ko lang makita.

Pero ngayon...

Naramdaman ko ang pagkatigil ni Carson nang sambitin ni Fourth ang dalawang salita na ‘yon.

“I’m sorry...” pag-uulit niya na mas malinaw na ngayon. Marahan niyang hinila si Yvianne at saka niyakap. Hindi naman nagreklamo si Yvianne at yumakap na rin pabalik.
“I tried... But I realized she needs time. Your mommy needed a time to heal. I didn’t know that she was pregnant. If I know... I would’ve...” pinilit niyang tapusin ang huling linya pero hindi niya ginawa.

Umiiyak akong umiwas ng tingin nang sulyapan niya ako. Hindi ko makayang tingnan siyang umiiyak. Masakit. Parang may isang daang punyal ang nakasaksak sa dibdib ko na hindi matanggal.

Alam kong kasalanan ko ang lahat.
Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Tama si Fourth, kinailangan ko ng oras para maghilom. Kahit naman nalaman ko nang maaga ang pagbubuntis ko noon, alam kong magiging ganoon pa rin ang desisyon ko. Hindi ko kayang ipahamak ang sarili at ang mga anak ko. Lalo na’t masyado pang magulo ang mga bagay-bagay noon.

Ilang minuto kaming nanatiling ganoon. Nakayakap kaming dalawa ni Carson sa isa’t-isa, habang sina Yvianne naman at Fourth ang magkayakap. Maya-maya pa ay dahan-dahang inilayo ni Fourth ang sarili at tumingin sa ’kin. Bumaba ang tingin niya kay Carson.

Naintindihan ko ang gusto niya kaya ko hinawakan ang magkabilang balikat ni Carson at pilit na ngumiti.
Mabilis niyang iniling ang ulo at muling yumakap sa ’kin. Mas mahigpit na ngayon. Malungkot kong binalingan si Fourth at umiling.

Makikita sa mga mata niya ang sakit ngunit hindi na rin niya ipinilit at hinarap na lamang si Yvianne.

“I’m here now...” mahina niyang wika at kinuha ang mga kamay ni Yvianne at sabay na hinalikan.
“I hope you can forgive me. Babawi ako pangako. Babawi ako sa inyo. Hindi ko na hahayaan na mawala pa kayo. Hindi na...”

Nagliwanag ang mukha ni Yvianne.
“R-Really? We’re going to be a complete and happy family?”

Natigilan ako. Buo at masayang pamilya? Ayokong umasa ang mga bata kaya sumingit na ako.

“Yvianne—”

“Yes...” biglang sagot ni Fourth.
“We’re gonna be a one happy family from now on”

Kasabay nun ang pagbukas ng pintuan. Pumasok ang mga magulang niya pero agad ding tumigil nang makita ang nangyayari.

“Oh My! We’re sorry! Gusto lang sana naming i-check ang mga bata”

Mabilis kong pinahid ang mga luha at huminga nang malalim.

“H-Hey, baby...” marahan kong sinuklay ang buhok ni Carson gamit ang kamay. Tumaas naman ang ulo niya para tingnan ako.
“You okay?”

Tipid siyang tumango.

“Baka gutom na ang mga bata, hija. Puwede namang kami na lang ang bahala sa kanila at mag-usap muna kayo ni Jacques” saad ni Richard.

“No. Mamaya na lang kami mag-uusap. Kailangan na rin niyang kumain” sagot naman ni Fourth habang itinatayo ang sarili saka binuhat si Yvianne.

Nakita ni Carson ang ginawa niya kaya niya ako binalingan. Mahina akong tumawa dahil na-gets ko agad ang gusto niya. Binuhat ko siya.

“Ysa—”

“Kaya ko, Fourth”

“Your head—”

“It’s okay...I’m okay”

Huminga na lamang siya nang malalim at hindi na sumubok na umalma ulit.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon