Tanaw ko ang mga naglalakihang gusali habang sumisimsim sa hawak na kape na nakalagay sa isang puting tasa. Malamig ang simoy ng hangin. Kung ikukumpara, mas presko ang hangin sa tabing dagat pero ayos na rin ito. Mataas naman ang penthouse ni Fourth kaya hindi ko masyadong nalalanghap ang maduming hangin na galing sa usok ng mga pabrika at sasakyan.
Dalawang Linggo ko na rin siyang nakakasama. Kada-umaga ay pinagluluto niya ako, hinahatid at sinusundo sa trabaho, at tinutulongan akong magreview para sa susunod na pasukan. Isang taon na lang at graduate na ako, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapili kung itutuloy ko talaga ang pagiging engineer o mas mag pokus na lang sa pagiging modelo.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Huminga ako nang malalim at pumasok para sagutin ang tawag.
“Ysa? Nasaan ka?” boses iyon ni Luce.
“Nasa penthouse ni Fourth. Bakit po?” sagot ko sabay upo sa malambot na kama.
“Mamayang 4 pm ay pumunta ka sa address na ite-text ko sa ‘yo. Pack some things kasi mag o-overnight tayo. Okay?”
Sumulyap ako sa orasan. Maaga pa naman. May nilakad pa kasi si Fourth. Pero sinabi naman niya na maaga siyang uuwi.
“Sige po. Sasabihan ko si Fourth”
“Fourth? Ah, si Jacques. Sige, sige. Kita na lang tayo mamaya”
Nang maputol ang tawag, agad kong tinawagan si Fourth. Nasabi niya sa ’kin noong isang araw na hindi siya sanay mag-text kaya tinatawagan ko na lamang siya kapag may kailangan akong sabihin. Mabilis naman din niya ‘yung sinasagot.
“Hey” ang pagod niyang boses ang bumungad sa ’kin.
“Ayos ka lang? Nasaan ka?” sunod-sunod kong tanong.
“I’m okay. You need something?”
Gusto kong itanong ulit ang pangalawa kong tanong ngunit sa tingin ko ay sinadya niyang hindi iyon sagutin kaya hinayaan ko na lang.“Overnight kami mamaya. Libre ka ba?”
Dumaan ang mahabang katahimikan. Tanging paghinga niya lamang ang naririnig ko sa kabilang linya.
“Kung hindi, ayos lang” dagdag ko at napakagat-labi. Baka pagod siya at kailangan niyang magpahinga.
“Tatawagan ko na lang si Luce para sunduin ako—”“Ihahatid kita. What time?”
Nagi-guilty ako. Baka napipilitan lamang siya. Baka gusto niyang magpahinga pag-uwi.
“Fourth, hindi mo naman ako kailangang ihatid kung pagod ka. Umuwi ka rito at magpahinga. Kaya ko ang sarili ko,” nakangiti kong saad kahit hindi niya nakikita.
“It’s okay. I’m not tired. Hindi rin ako makakapagpahinga knowing that you’re out there without me”
Hindi ko alam kung bakit pero parang may mahika ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya na hinihila ako para mas lalo pang mapalapit at mahulog sa kaniya.
“Okay. 4 pm, maghihintay ako”
“I’ll be there”
“Ingat sa pagmamaneho”
“Hmm...got it, ma’am”
Natatawa kong ibinaba ang tawag.
Malayo-layo pa naman ang oras. Siguro makakapagluto pa ako ng meryenda naming dalawa. Palagi na lang kasing ako ang pinagsisilbihan niya. Gusto kong maiba naman ngayon. Pero may mga pagkakataon naman na pinagluluto ko siya kapag may nilalakad siya sa labas. Pero mas lamang talaga ang mga ginagawa niya para sa ’kin.Nilakad ko ang daan palabas ng silid papunta sa kusina. Itinali ko ang buhok at inihanda ang mga gagamitin. Magbe-bake ako para sa kaniya.
Sa ilang Linggo naming pagsasama, napansin kong gusto niya ang apple pie na ino-order namin sa paborito niyang bakery shop. Kaya iyon ang gagawin ko ngayon. Sana lang maging maayos ang resulta at magustuhan niya.
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...