Kabanata 1

258 41 21
                                    

"Saan ka, Ysa?" rinig kong tanong ni Manong Jamer nang makita niya akong naglalakad patungo sa tabing dagat. Lumingon ako at ngitian siya.

"Mamimingwit lang po!" sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Mag-iingat ka riyan!"

Tumango ako at itinaas ang hinlalaki bilang sagot. Dahan-dahan akong umakyat sa malalaking bato at inihanda ang pamingwit na dala. Mabuti na lamang at wala kaming pasok ngayon. Inaya ako ni Dani na sumama sa kanila ng mga kaibigan niya pero agad akong humindi dahil may iba akong plano ngayong araw. Ang mamingwit.

Matapos mailagay ang pain, malakas ko itong itinapon sa malalim na parte at umupo para maghintay. Katulad pa rin naman ng dati ang dagat. Mapayapa at tanging mga alon lang ang naglalaro. May mga turista rin namang dumadayo rito ngunit mas marami sa kabilang parte.

Napalingon ako nang may narinig akong mga yapak. May dalawang lalaki na naglalakad sa gilid ng dagat habang nag-uusap. Sa tingin ko ay mga dayo.
Muli akong humarap sa dagat at huminga nang malalim. Ilang taon na rin ang nagdaan. Mayor pa rin naman si papa. Sa totoo nga niyan, mas lalong lumawak ang koneksiyon niya sa politika. Balita ko nga tatakbo siya bilang Gobernador. Hindi ko lang alam kung kailan.

May narinig ulit akong mga boses at yapak ng paa ngunit nang akmang lilingon na ako, gumalaw ang hawak ko. Tanda na may nahuli na akong isda. Muntik na akong mapatalon sa tuwa pero pinigilan ko rin. Hinila ko ang pamingwit at napasigaw ako sa tuwa nang may mahuli nga ako.

"Yes! Isa na!" ngiting-ngiti kong sigaw at inilagay sa balde ang isda. Malaki-laki rin iyon ah.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, natapakan ko ang madulas na parte ng bato. Napasigaw ako sa gulat nang mahulog ako sa dagat.

Gustong-gusto ko ang dagat pero may isa lang akong problema.

Hindi ako marunong lumangoy.

Pilit kong ini-ahon ang sarili ngunit lumulubog talaga ako. Ginaya ko pa ang mga napapanuod ko sa tv pero hindi ko talaga kaya.

Marami-rami na ang nainom kong tubig-alat nang may marinig akong tunog ng pagbagsak. Kita ko ang paglangoy ng isang tao papunta sa 'kin bago pa naging madilim ang lahat.

Napabalikwas ako nang bangon habang niluluwa ang tubig na lumalabas sa bibig ko. Ramdam ko ang paghaplos ng kamay sa likuran ko habang patuloy pa rin ako sa pag-ubo. Sumasakit ang lalamunan ko pati na rin ang ulo at mga mata ko.

Saka lang rumihestro sa 'kin ang nangyari.
Muntikan na akong malunod.

"Jusko! Ysabelle!" rinig kong sigaw ni Mang Kanor. Lumingon ako at nakita ko silang tumatakbo patungo sa 'kin. Kasama niya si Aling Matilda at isang lalaki. Agad akong nilapitan ni Aling Matilda at binalot ang dalang tuwalya sa katawan ko.

"Ayos ka lang ba, iha?"

Marahan akong tumango. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Fourth! Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Mang Kanor habang nakatingin sa likuran ko. Agad naman akong napalingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakilala ko noon sa tabing dagat din. 'Yung may dalang balde dahil bibili raw ng bagong huling isda. Fourth pala ang pangalan niya.

Malaki ang ipinagbago niya, mas lalo pa siyang nagmumukhang mas nakatatanda sa 'kin.

Tumingin siya sa batong pinagtayuan ko kanina at saka bumaling sa 'kin.
"Nahulog po siya. Nadulas yata," aniya sabay tingin sa lalaking kasama nina Mang Kanor kanina.
"We were talking when we heard her shout for help. Nakita na lang namin na bumagsak na siya sa tubig at pilit na umaahon. I realized she doesn't know how to swim kaya agad akong lumangoy para iligtas siya," paliwanag niya at tumayo.
"Salamat sa pagtawag sa kanila," dagdag niya pa, kausap ang lalaking katabi ni Mang Kanor.

"No probs," sagot naman ng lalaki at bahagya pang tinapik ang balikat niya.

Sa kaniya lang talaga ako nakatingin. Pinapanuod ang bawat kilos niya.
Hindi talaga ako makapaniwalang makalipas ang ilang taon ay magkikita ulit kami. 'Yung una naming pagkikita noon ay sya na ring naging huli. Pabalik-balik ako rito sa tabing dagat para abangan siya pero ni anino niya hindi ko makita. Gusto kong tanungin si Mang Kanor noon patungkol sa kaniya pero naisip kong baka isumbong niya ako. Nakakahiya.

"Jusko naman. Malalagot ka na naman sa Papa mo nito"

Para akong nagising sa panaginip nang mabanggit si papa. Agad akong tumingin kina Aling Matilda at Mang Kanor sa nangungusap na mga mata.
"Huwag na po sana itong makarating kay papa. Kapag nalaman nun ang nangyari, tiyak hindi na niya ako papayagang bumalik pa rito," saad ko at dahan-dahang tumayo. Agad naman akong inalalayan ni Aling Matilda.

"Ayos lang po ako, salamat," dagdag ko pa at tumingin sa dalawang lalaki.
"Salamat din sa inyo"

Tumango lamang 'yung nagngangalang Fourth. Ngumiti naman ang katabi niya ay inilahad ang kamay.
"My name's Cavin," aniya at mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi. Tinanggap ko naman ang kamay niya at ginantihan din siya ng isang tipid na ngiti.

"Ysabelle," pagpapakilala ko at agad na bumitaw. "Pasensiya na kayo sa nangyari. Nadulas kasi ako" nahihiya kong pag-amin.

"Okay lang. The important thing is you're safe now. Kung papayag ka, ihahatid ka na namin sa inyo"

Napakagat-labi ako at agad na umiling.
"Hindi na, magpapasundo na lamang ako sa driver namin. Pero salamat sa offer"

Kita ko ang disappointment sa mukha ng lalaki pero hindi ko naman pinagsisihang ang desisyon ko. Baka iba ang isipin ni papa kapag nagpahatid pa ako.

"Sige ha. Uuwi na ako, Mang Kanor, Aling Matilda, Cavin, at..." tumingin ako kay Fourth at ngumiti.
"Fourth, right? Salamat ulit ha?"

Nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa mga mata niya pero agad rin iyong napawi.
"Huwag ka nang babalik pa ulit doon-"

"Ay! 'Yung mga gamit ko at 'yung nahuli kong isda!" Isinauli ko kay Aling Matilda ang tuwalya niya at tumakbo patungo roon ngunit bago ko pa man masimulan ang pag-akyat sa naglalakihang mga bato, may humawak na sa braso ko.

Para akong naubosan ng hangin nang paglingon ko ay bumungad sa 'kin ang madilim niyang mukha. Nagtagis ang bagang niya at marahan akong hinila sa tabi.
"Ako na," matigas niyang saad at inakyat ang naglalakihang mga bato para kunin ang mga gamit ko.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Nang makababa siya, ibinigay niya sa 'kin ang mga gamit ko pero siya ang nagbitbit sa balde at pamingwit. Kita kong buhay pa ang isda sa loob ng balde at may laman na rin iyong tubig, dahil siguro sa alon na humahampas sa bato kanina.

"Mang Kanor, puwede ko po bang iwan inyo ang pamingwit? Gagamitin ko pa rin naman ulit iyan sa susunod. Pero puwede niyo rin naman pong gamitin kung gusto niyo," saad ko at kinuha ang pingwit mula kay Fourth.

"Sige, Ysa. Kunin mo na lang sa bahay kapag gagamitin mo ulit," sagot niya at kinuha mula sa 'kin ang pamingwit. "Mauuna na kami ha? Mag-iingat ka sa pag-uwi"

"Sige po, salamat"

Nang maglakad na sila ni Aling Matilda paalis, muli kong binalingan si Fourth.
"Uhm... 'Yang isda, sa 'yo na 'yan bilang pasasalamat. I think mabubuhay pa naman iyan kung gusto mong gawing alaga. Pero kung ayaw mo, lutuin mo na lang"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tiningnan ang isda. Napakagat labi ulit ako dahil sa kahihiyan.
"S-Sige ha? Uuwi na ako. Salamat ulit!" dali-dali ko silang tinalikuran at naglakad paalis.

.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon