Kabanata 6

131 38 22
                                    

“Anong ginagawa mo rito?” pag-iwas ko ng tingin. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan.
Simula nang makilala ko siya, ganito na lagi ang nararamdaman ko. Palagi akong kabado sa tuwing nasa malapit lang siya, sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin, at sa tuwing may lumalabas na salita sa bibig niya. Nakakamanghang pakiramdam pero may parte sa ’kin na natatakot na sa nararamdaman sa kaniya.

“Binisita ko si Mang Kanor and he told me to check on you,” sagot niya at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Ramdam ko ang tingin niya sa ginawa kong paglayo.

“Ayos lang ako. Hindi na ulit ako mahuhulog huwag kang mag-alala”

“That’s good. You should try to learn how to swim”

Mahina akong umiling. “Gusto ko rin matuto pero masyadong maraming ginagawa si papa. Ganoon din naman si Dani. Paminsan-minsan nga lang iyon pumupuntang dagat para maligo,” paliwanag ko. Tanging si mama lang noon ang nakakasundo ko kapag dagat na pinag-uusapan. Siguro nga nagmana talaga ako sa kaniya sa pagiging mahilig sa tubig.

“May dala ka bang damit?”

Nagtataka ko siyang binalingan.
“Oo?”

Dahan-dahan siyang tumayo. Napaamang ako nang mabilis niyang hinubad ang suot na damit. Kagat-labi akong umiwas ng tingin. Kuhang-kuha niya ang katawan ng mga modelo at artistang nakikita ko sa magazine at tv.

“I’ll teach you how to swim”

Gulat ko siyang tiningnan ulit.
“H-Ha?” Hindi makapaniwala kong usal.
Ako? Tuturuan niya lumangoy? Ngayon?
Sumulyap ako sa naglalakihang mga alon.

“Ayaw mo ba?”

Nag a-alinlangan akong tumayo. Ngayon lang may nag-ayang magturo sa ’kin kung papaano lumangoy. Kahit na bago pa lang kami magkakilala, wala naman sigurong masama kung pagkakatiwalaan ko siya hindi ba? Mukha naman siyang mabuting tao. Hindi niya naman siguro ako ipapahamak.

“T-Tumalikod ka muna,” kabado ko pa ring sabi. Tumaas ang isa niyang kilay pero nang mapagtanto ang gagawin ko ay agad din siyang tumalikod. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng damit ko itinaas iyon para mahubad. Itinira ko ang pang-itaas kong saplot at shorts. Nanginginig akong tumabi sa kaniya at dumungaw sa tubig kung saan ako bumagsak noong isang araw.

“Tatalon ba tayo?” sabay lingon ko sa kaniya. Kinapos ako ng hininga nang makita kong madilim siyang nakatingin sa ’kin. Bumaba ang mga mata niya sa suot kong pang-itaas bago umiwas ng tingin.

“Ganiyan ba lagi ang suot mo kapag naliligo ka rito?” malamig niyang tanong.

“Oo, pero sa mabababaw na parte lang ako naliligo,” sagot ko na lamang. Hindi ko tuloy alam kung isusuot ko ba ulit ‘yung hinubad kong t-shirt. Ayaw niya ba sa suot ko? Sa mga nakikita ko sa tv, mas malala pa ang suot ng mga babae sa Maynila ah? Bahagya kong iniling ang ulo para maiwaksi ang nasa isip.

“Tatalon ba tayo?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina. “Ipapaalala ko lang na hindi ako marunong lumangoy,” natatakot kong dagdag.

“Don’t worry about it. Basta kumapit ka lang sa ’kin”

Napatingin ako sa nakalahad niyang kamay. Dahan-dahan ko iyong inabot at mariin na hinawakan. Ramdam kong uminit ang magkabila kong pisngi. Malaki ang kamay niya pero malambot.

“We’ll jump in 3...”

Huminga ako nang malalim at tahimik na nagdasal.

“2...”

Hinanda ko na ang sarili sa pagtalon. Nanginginig pa rin ang katawan ko sa kaba pero may parte saakin ang excited sa gagawin namin.

“1!”

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon