Kabanata 35

104 17 14
                                    

“Mang Kanor, nakita niyo po si Carson?” tanong ko nang makababa sa hagdan. Nakauwi na kami sa bahay kanina pa. Si Yvianne ay mahimbing nang natutulog dahil sa pagod. Pero si Carson, hindi ko siya mahagilap sa kahit saang silid. Nag-aalala na ako.

“Nasa hardin, Ysa”

Nagtagpo ang dalawang kilay ko sa gitna at tumingin sa hardin.
“Sinong kasama?”

“Si Fourth. Kararating lang nun dito pero nang makita si Carson na tumakbo para umiwas sa kaniya ay sinundan na rin niya. Tahimik na bata kaya mukhang mahihirapan si Fourth”

Tipid na lamang akong tumango at nagpaalam para puntahan ang mag-ama ko. Pumayag si Fourth na umuwi kami ngunit alam kong susunod rin agad siya.

Nagtago ako sa malaking halaman at pinagmasdan sila. Si Carson ay umiiyak na nakaupo habang si Fourth naman ay nakayakap sa kaniya. Napangiti ako at tumalikod para bumalik sa silid. Alam ko na marami pa kaming dapat pag-usapan. Tungkol sa mga bata, sa amin, at sa kaso ni papa pero siguro huwag muna ngayon. Bibigyan ko muna sila ng oras na magkabati.

Tahimik akong umupo sa kama at bumuntong hininga. Bumalik sa isipan ko ang alok ni Fourth na magpakasal.

Kasal agad? Hindi ko nga alam kung ayos na ba talaga kami. Masyado naman yatang mabilis.

Napanguso ako at tinawagan si Jess.
Kailangan kong makibalita.

“Hello, ma’am?”

“May nakuha ka nang abogado?”
Hindi ko na sana papalakihin pa ang isyu sa pagnanakaw ni Mr. Reymundo subalit naisip kong unfair iyon para sa mga naghirap sa pagtatrabaho. Kailangan niyang mabayaran ang halaga ng mga ninakaw niya para maibalik sa mga taong naghirap nun.

“Opo, ma’am. Huwag na po kayong mag-alala, kami na ang bahala. Kumusta po kayo at ang mga bata? Bali-balita po kasi rito na...”

Tumaas ang isang kilay ko.
“Na?”

“Na kaya po kayo bumalik diyan ay dahil nandiyan din si Mr. Villamor? Bali-balita rin po rito na siya rin ang ama ng kambal”

Nalaglag ang panga ko sa narinig.
Kasabay nun ang pagbukas ng pintuan kaya dali-dali akong nagpaalam kay Jess bago ibinaba ang tawag. Nangunot ang noo ni Fourth at sinundan ang paglapag ko sa cellphone sa mesa.

Tumikhim ako’t umiwas ng tingin.
“Si Carson?”

“I tucked him in bed” malamig niyang sagot.

“Ayos na kayo?” sabay tingin ko ulit sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakasandal sa pader malapit sa pintuan habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay at blankong nakatingin sa ’kin.

“Yeah” tipid niyang sagot.

Tipid akong ngumiti sa kaniya.
“Pasensiya na. Kasalanan ko kung bakit ganoon ang mga bata. Hindi ko naipaliwanag nang maayos sa kanila ang nangyari”

“Sa ‘yo nagmana si Carson, halatang-halata naman siguro. Unlike Yvianne, tahimik siya at napaka-misteryoso.
Hindi ko mahulaan ang nasa isip niya.
Sa tuwing tinatanong ni Yvianne ang tungkol sa ‘yo, hindi siya nakikisali” saad ko at kinuha muli ang cellphone sa mesa at tumayo para lapitan siya saka iniabot sa kaniya iyon.

“Nasa loob nito ang notes tungkol sa kanilang dalawa, pati diary ko noong umalis ako rito. Nasa loob rin ang mga pictures at videos simula noong ipinagbubuntis ko pa lamang sila. Sinadya ko ‘yan lahat para sa ‘yo”

Napatingin siya sa hawak ko bago iyon kinuha.
“Ibalik mo na lang sa ’kin kapag natapos mo na. Kapag may tumawag, ipaalam mo sa ’kin. Baka si lola iyan o si Jess” Sumulyap ako sa labas at nakita kong gumagabi na. Busog pa ang mga bata dahil ipinaghanda ulit kami ng mama niya kanina bago umalis. Siguro hahayaan ko na lang silang magpahinga.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon