Kabanata 4

151 40 18
                                    

Nakakamangha ang mga kulay na bumabalot sa buong paligid. Kabi-kabila ang mga nagtitinda at ang mga bumibili. Ni hindi nga ako sigurado kung makikita ko ba si Manong dito ngayon. Sa gitna ay may nagpe-perform na banda na pinapaligiran din ng mga manunuod. Ngayon lamang ako nakapunta rito dahil palagi kaming pinagbabawalan ni papa. Delikado raw kasi.

"Doon tayo!" turo ko sa nagtitinda ng pares.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta roon. Siguro naman kumakain din siya nito. Kumain naman siya kanina, e.

"Dalawang pares nga po," saad ko.

"Sige, iha. Maupo muna kayo roon," turo niya sa mesang nakahanda. Tumango ako at hinila si Fourth papunta roon. Nauna akong umupo at tinapik ang katabi kong upuan.

"Dito ka"

Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Manghang-mangha kong pinapanuod ang mga tindero't tindera sa tabi. May mga batang naglalaro, nagtatabukhan, at nagtatawanan habang nasa malapit lang ang mga nagbabantay sa kanila.

"Ito na po ang order niyo" sabay lapag ng bata ng order namin sa mesa. Ngumiti ako sa kaniya.

"Salamat!"

Kita ko ang pamumula ng magkabila niyang pisngi at gumanti ng ngiti bago bumalik sa pagtulong sa mama niya. Mas lalo pa akong napangiti. Ang cute naman, at ang sipag pa.
Binalingan ko si Fourth na nakatingin na rin sa 'kin.

"Kain na," pagyayaya ko at nauna nang kumain. Pasimple ko siyang pinanuod habang kumakain. Masyado siyang misteryoso sa paningin ko. Hindi siya palasalita at palagi pang seryoso ang mukha na para bang naka-program siya para hindi magpakita ng kahit anong emosyon. Ang mga pilik mata niya ay maihahambing sa alon sa dagat, mahaba at makurba. Napanguso ako. Nakakainggit. Sana ganiyan rin ang akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga tingin namin. Mabilis kong itinuon ang atensiyon sa kinakain at umakto na parang hindi niya ako nahuling nakatingin sa kaniya.

Naisip kong kung matutuloy ang pagpapatayo nila ng mall dito sa lugar namin, ang ibig bang sabihin nun palagi ko na siyang makikita? Dito na ba sila titira?
O bibisita lang sila rito para sa negosyo nila? Mariin kong iniling ang ulo. Bakit ko ba 'yun iniisip.

Magbabayad na sana ako matapos kaming kumain pero naunahan niya na ako. Ni hindi ko pa nakuha ang pitaka ko sa bag, naibigay na niya ang bayad kay Manang. Pati ang bata ay binigyan niya. Pagkatapos nun ay nauna na siyang maglakad habang nakasilid sa bulsa ang mga kamay.

"T-Teka!" habol ko sa kaniya.
"Salamat pero ako ang nagyaya kaya sana hinayaan mo na lang na ako ang magbayad," sabi ko habang sumasabay sa paglalakad niya.

"Don't worry about it. You already paid for the street foods we bought earlier"

Napabuntong hininga ako. Gusto kong sabihin na ayos lang naman kasi may pera naman ako pero hindi na lang ako nagsalita. Huminto kami sa harapan ng bandang nagpe-perform. Love song ang kinakanta nila kaya may mga nagsasayaw na sa gilid at sa gitna. Napangiti ako. Pangarap ko rin na maisayaw. Naalala ko ang kuwento ni mama noon. Isinayaw siya ni papa sa prom nila. Tumatak iyon sa isip niya dahil iyon rin ang gabi kung kailan niya sinagot si papa.

Ang sarap siguro nun sa pakiramdam ano?
Ang maisayaw ng taong mahal mo. Wala pa kasi akong naging boyfriend. May mga nakakuha na ng atensiyon ko pero hanggang doon lang 'yun. Kumbaga, hanggang sa paghanga lang ako. May mga nagtangka rin namang manligaw pero hindi ko pinapayagan. Hindi ko kasi sila gusto.

"Gusto mong sumayaw?"

"Hmm?" wala sa sarili kong sagot. Nang mapagtanto ko ang tanong niya, mabilis ko siyang binalingan. "H-Ha?" kabado kong tanong. Nakakatakot ang bilis ng pintig ng puso ko ngayon. Unti-unti ring gumapang ang kakaibang kaba sa katawan ko dahilan kaya mas lalo akong nanginig nang ilahad niya ang kamay niya.

"Let's dance," bahagyang umangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa 'kin at hinihintay ang sagot ko.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad. Gusto ko iyon kunin. Gusto ko nang maranasan ang maisayaw. Gusto kong maramdaman ang naramdaman ni mama noong isinayaw siya ni papa.

Pero...

Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"H-Hindi na," mahina kong sagot.
Nawala ang ngiti sa labi niya at dahan-dahang ibinalik ang kamay sa bulsa.
Tinalikuran niya ako at nagsimula nang maglakad paalis. Gulat ko siyang pinanuod habang pino-proseso ang naging reaksyon niya. Galit ba siya? Galit siya dahil hindi ko tinanggap ang alok niya?

Wala sa huwisyo akong sumunod sa kaniya.
Anong gagawin? Hihingi ba ako ng sorry?
Hihilahin ko ba siya pabalik doon para magsayaw?

Bago ko pa man maisip ang sagot, nakita kong papunta na kami sa sasakyan niya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at bumuntong hininga. Sa tingin ko ay nasira ko ang mood niya kaya gusto na niyang umuwi.

Dumiretso siya papasok sa driver's seat at ako naman ay naupo katabi niya. Kabado ko siyang tinapunan ng tingin pero nanatili ang atensyon niya sa harap. Galit nga yata.

"Sorry," panimula ko at umiwas ng tingin.
"Gusto ko kasi na kung sino man ang magiging una kong kapares sa pagsayaw, ay siya rin ang magiging huli" paliwanag ko sa mahinang boses. Si mama, si papa lang ang naging una at huli niyang kapares sa pagsayaw. Gusto kong ganoon rin ako. Kahit na ba hindi ganoon si papa.

"Okay," tipid niyang sagot saka pinaandar ang kotse.

"Galit ka?"

"No."

"Totoo?" paninigurado ko pa kahit na hindi na naman kita sa mukha niyang galit siya. Hindi kagaya kanina.

"Naiintindihan ko," aniya at pinatakbo na ang kotse paalis. "Ihahatid na kita sa inyo"

Wala na maski isa saamin ang nagsalita habang nasa byahe. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang minamasdan ang maliwanag na buwan. Mas lalo pang gumanda ang langit dahil sa kumikinang na mga bintuin. Nakakagaan ng loob ang tahimik na tanawin. Madilim pero ramdam ko ang kapayapaan.

Naisip ko na parang masarap pumunta sa tabing dagat ngayon pero alam kung hindi siya papayag. Lumalalim na rin ang gabi.
Baka pareho pa kaming mapagalitan kapag sinagad namin ang oras. Binuksan ko nang kaunti ang bintana at pumikit habang dinadama ang malamig na hangin na humahalik sa balat ko. Ni hindi ko namalayan na unti-unti na akong nilukob ng dilim.
.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon