Kabanata 23

85 32 19
                                    

“Are you sure that you’re okay now?” nag-aalala niyang tanong matapos huminto sa harapan ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis na pinatakan ang labi niya ng halik.

“Ayos na ako. Nakakalakad na ako nang maayos ngayon. Huwag ka nang mag-alala” halakhak ko dahil kita talaga sa mukha niya ang pangamba.
Ilang araw na ang nakalipas matapos may mangyari sa aming dalawa. Nilagnat ako kinaumagahan kaya mabilis niya akong inuwi at tumawag ng kakilalang doctor. Ang sabi, nagkasugat sa loob ko dahil uh... masyado siyang malaki. Ilang araw rin akong nagpagaling. Sinabi ko na nga lang kay Luce na may sakit ako kaya hindi muna ako makakapasok.

At dahil ayos na ako ngayon. Kinumbinse ko siyang ihatid ako rito.

“I’m sorry” mahina niyang sabi.
Ngumuso ako at mahina siyang tinampal sa balikat.

“Tama na ang kaka-sorry. Hindi naman kita sinisisi dahil ginusto ko rin naman ang nangyari. Mauuna na ako. Tatawagan na lang kita mamaya,” saad ko bago lumabas sa kotse niya.

Masasabi kong worth it din naman ang pagkakasakit ko nang ilang araw.
Marahan kong iniling ang ulo para maiwaksi ang nasa isip.

Ano ba ‘yan, Ysa. Nagiging bastos ka na.

Tuloy-tuloy akong pumasok at dumiretso sa elevator. Pinindot ko ang numero ng floor kung saan gaganapin ang meeting at tumayo nang tuwid sa gitna para hintayin ang pagsara ngunit bago pa man iyon mangyari, mabilis na nakapasok si Cel.

Tumikhim ako at tipid na ngumiti.
Pagkatapos noong gabing nalasing ako, hindi na ulit kami nakapag-usap. Sinubukan ko pero parang iniiwasan niya ako, e. Himala nga lang na nakisabay siya ngayon.

Sumulyap ako sa relo para tingnan ang oras.

O wala lang siyang mapagpipilian dahil malapit na kaming ma-late.

“Ysa”

Napaigtad ako sa biglaan niyang pagtawag.

“Uh, bakit?” sabay baling ko sa kaniya.

“Can we talk later? May gusto lang akong sabihin sa ‘yo,” seryoso niyang sagot.

Marahan akong tumango.
“Sige. Maaari bang malaman kung tungkol saan ang pag-uusapan natin?”

Tumunog ang elevator tanda na nakarating na kami sa pupuntahan.

“It’s about you and Fourth”

Para akong napako sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan ni Fourth.
Bumukas ang elevator at nauna siyang lumabas.

“Magkita tayo mamaya sa coffee shop sa harap nitong building. It’s important so umaasa akong pupunta ka.”

Pinanuod ko siyang maglakad palayo. Kung hindi pa muling tumunog ang elevator ay hindi ako magigising sa reyalidad. Mabilis akong lumabas at sumunod sa kaniya.

Tungkol kay Fourth?
Kilala niya si Fourth?

Kumabog nang husto ang dibdib ko sa iba’t-ibang pumapasok sa isip. Hindi ko gusto ang kabang nararamdaman ko ngayon. Parang may mali.

“Ysa!”

Napahinto ako nang makita si Luce na nagmamadaling sumalubong sa ’kin.
Nang makalapit, hinawakan niya ang palapulsohan ko sabay hila sa ’kin.

“Dalian mo, magsisimula na”
Bumungad sa amin ang mga modelo at iba pang tao. Naroon din si ma’am Rochelle. Umupo ako katabi ni Luce na kaharap naman ng inuupuan ni Cel. Tipid siyang ngumiti at nakipag-usap sa katabi. Wala ako sa tamang hulog nang magsimula hanggang sa matapos ang meeting. Napansin ko na lang na nagsitayuan na sila at nagpalakpakan kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon