Kabanata 10

139 40 17
                                    

Sa muling pag-ihip ng malamig na hangin, kasabay nun ang pagtanggap ni Fourth sa nakahain kong kamay. Inilagay niya iyon sa kaniyang dibdib at kinuha ang isa para maging kapares sa isa niyang kamay. Titig na titig lamang kami sa isa't-isa habang nagsisimula kaming gumalaw. Ang buwan ang nagsilbing liwanag namin at ang hampas ng alon at ang tunog ng pag-ihip ng hangin ang nagsisilbing musika.

Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam sa dibdib kagaya ng dati sa tuwing kasama ko siya. Ang kaibahan nga lang, mas malalim ito ngayon.

"Mabuti at nakapunta ka," panimula ko.

"Hindi puwedeng hindi," mahina naman niyang sagot habang nasa akin pa rin ang tingin. Marahan niya akong iniikot at muling hinawakan sa bewang bago muling gumalaw sa pagsayaw.
"Narinig ko ang nangyari. Are you okay now?"

Tumango ako. "Na-trauma ako dahil sa nangyari pero ayos na naman. Uuwi ka ba ulit ng Maynila bukas?" Gusto kong makiusap na huwag muna pero magiging makasarili ako kapag ginawa ko 'yun. Nasa Maynila siya nakatira. Doon din siya nag-aaral. Napakagat labi ako dahil sa dumaan na sakit sa dibdib. Hindi mabubura ang katotohanan na nasa Maynila ang buhay niya.

"Yeah," parang nanghihina niyang sagot habang nakatingin ang mga mata sa labi ko. "I am your first dance," sambit niya at muli akong iniikot. Marahan niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya.
"And I will be the last," mahina niyang bulong saakin na para bang isinusumpa niya iyon at iyon talaga ang mangyayari.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Suot ko ang kulay asul na gown na kumikinang sa liwanag. May binago lamang sila kanina dahil hindi ko nagustuhan ang idinagdag na disenyo.

"Ysa?" boses iyon ni Dani. Bumukas ang pinto ng silid at dumungaw siya roon.
"Handa ka na? Kailangan mo nang lumabas in 3 minutes. Sa labas na kami maghihintay," aniya at agad na umalis.
Muli akong humarap sa salamin at huminga nang malalim. Sana ay muli ko pang makasayaw si Fourth bago matapos ang gabing 'to. Gusto kong kumpirmahin ang nararamdaman.

Naririnig ko na ang boses ng host kaya hinanda ko na ang sarili sa paglabas.

"Let us welcome, our debutant for tonight! Anastasia Ysabelle Dela Merced!"

Dahan-dahan akong naglakad sa pulang tela na nakahanda sa daan. Nakatapat sa 'kin ang ilaw. Malakas silang nagsipalakpakan nang tuluyan na akong lumabas. Napangiti ako nang makita si Josh na naghihintay sa dulo. Ang guwapo niya rin. Tamang-tama lang ang binili ko para sa kaniya.

"Happy Birthday," mahina niyang sambit nang makalapit ako. "Mas lalo ka pang gumanda"

"Salamat. Ang guwapo mo rin," mahina kong halakhak. Iginiya niya ako sa gitna kung saan may nakahandang upuan na para lamang sa 'kin.

"Enjoy your night, Ysa," aniya matapos akong tulungang makaupo.

"Once again, good evening, everyone! We'd want to thank everyone who came out to support our birthday girl on this special day. As they say, you only turn 18 once. Tonight is the night to make a big and loud toss for our charming debutante who has grown into a fine lady. This is a special occasion in her life, and she appreciates your presence."

At doon na nga nagsimula ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. May mga sinabi pa ang host sa pag-welcome sa mga importanteng bisita ni papa habang ako naman ay iginagala ang paningin sa maraming tao para hanapin si Fourth.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon