Pinawi ko ang mga nakatakas na luha habang nakatingin kay Yvianne na mahimbing na natutulog. Gabi na akong nakauwi dahil nagpalipas pa ako ng oras sa isang bar. Hindi naman ako masyadong naglasing. Umasa kasi ako na mawawala ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa mga anak ko na imposible nang maging kami ng ama nila.
Hindi ko masisisi si Fourth. Pero ang daya. Bakit sa lahat ng tao, si Dani pa? Bakit kapatid ko pa?
Mariin akong pumikit bago tumayo at lumabas sa silid ni Yvianne. Napangsihap ako sa gulat nang makita ko si Carson sa labas ng pintuan.
“Carson? Bakit ka pa gising?” nag-aalala kong tanong at binuhat siya. Nilakad ko ang daan patungo sa silid niya saka siya marahan na inilapag sa sarili niyang kama.
“Gabi na, baby. You have to rest”
Inayos ko ang kumot niya at saglit siyang pinatakan ng halik sa noo.“Uminom ka po?” mahina niyang tanong.
Inamoy ko ang sariling hininga at pilit na ngumiti.
“Konti lang, baby. Take a rest, okay? Maliligo at mato-toothbrush muna si mama” Tumayo na ako para umalis nang bigla siyang magsalita.“I love you”
Pinilit kong huwag maiyak saka siya nilingon. “I love you, too”
Papaano ko nga ba sasabihin sa kanila ang katotohanan?
Hinayaan kong dumaloy sa katawan ko ang tubig. Hindi pa alam ni Dani na may anak kami ni Fourth. Hindi ko naman kasi ipinagkakalat sa mga tao na may anak ako. Iilan lang ang may alam.
“Anong gagawin mo? Ipakikilala mo pa rin ba ang dalawa sa ama nila?” tanong ni lola sa kabilang linya matapos kung maikuwento ang pinag-usapan namin ni Dani.
“Opo. Buo na po ang desisyon ko. May karapatan po ang mga anak kong makilala si Fourth, la. Kung hindi niya matanggap ang kambal, hindi ko siya pipilitin. Isa pa, wala naman akong planong sirain ang relasyon nila ni Dani. Ang gusto ko lang ay makilala niya mga anak namin”
Kinabukasan, napagdesisyunan kong igala ang mga bata. Nagpunta kami sa iba’t-ibang mall para mamili, kumain, at mamasyal. Hinayaan ko silang hilahin ako sa kung saan nila gustong pumunta hanggang sa pareho silang napagod kaya naupo muna kami sa isang bench sa labas ng isang restaurant.
“Mommy? Where do we go next?”
Natawa ako sa tanong ni Yvianne. Mukhang nagkamali ako. Hindi pa pala sila pagod. Ang mga bodyguards naman namin ay halata na rin sa mukha ang pagod. Bitbit nila ang mga damit at laruan na binili ng kambal.
“Tony” tawag ko sa isa na agad ding lumapit. Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng pera. “Here, kumain muna kayo sa loob”
“Ay naku ma’am, huwag na po. Ayos lang po kami. ‘Di ba?” sabay lingon niya sa mga kasama na tumango na lang din. Mahina akong tumawa at kinuha ang kamay niya saka inilapag roon ang pera.
“Hindi pa pagod ang mga bata kaya kakailanganin niyo ng lakas para mamaya. Sige na, magsikain na muna kayo”
Hindi pa sana sila papayag pero napilit ko rin sa huli.
“Ysa?”
Itinaas ko ang ulo para tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan ko.
“Josh?” gulat kong sambit at napatayo pa. “Hala! Seryoso? Ikaw ba talaga ‘yan?” hindi makapaniwala kong dagdag at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“What’s with your reaction? Parang hindi ka makapaniwalang buhay pa ako ah!”
Sabay kaming natawa.
“Sira, hindi lang ako makapaniwalang nandito ka. Malapit lang ang trabaho mo?”
“Ah, oo. Ikaw ba? Grabe mas lalo ka pang gumanda—”
“Ehem” sabay kaming napalingon sa kambal na naka-cross ang mga braso sa dibdib at masama ang tingin kay Josh. Mahina akong tumawa at inakbayan ang dalawa.
“Uhm, mga anak ko nga pala”
Nalaglag ang panga niya habang palipat-lipat ang tingin sa kambal.
“S-Seryoso?”“Yup. They are Yvianne and Carson. Mga anak ko. Kids, this is your Tito Josh, a friend of mine”
Pinantayan ni Josh ang mga bata. “Wow! As in wow! Hindi ko inasahan ‘to ah?”
Muli akong tumawa. Nasisiguro kong ganiyan rin ang magiging reaksiyon ng iba ko pang kaibigan kapag naipakilala ko na sa kanila ang kambal.
“Hi! I’m your Tito Josh! Gusto niyo ng ice cream?”
“Magnum?”
Mas lalo pang napaamang si Josh sa isinagot ni Yvianne.
“W-Well...” lumingon-lingon siya sa paligid bago muling binalingan ang mga bata. “Wala yatang mapagbibilhan rito, e. Ayaw niyo sa ice cream na tinda ni Manong?” sabay turo niya sa nagtitinda ng dirty ice cream.
“That will do,” malamig na sambit ni Carson na nagpagulat sa ’kin. Gusto ko sana siyang sawayin pero pinigilan ako ni Josh.
”It’s okay, Ysa. Tara, kids! Bili tayo kay Manong. Pero magpaalam muna kayo sa mommy niyo”
Lumingon sila sa ’kin. “Can we have that kind of ice cream, mom?” tanong ni Carson.
“It’s not Magnum but I think it’s yummy” sunod namang sabi ni Yvianne.
Tumango ako at ngumiti. “Go ahead”
“Yes! Let’s go Tito Josh! I want a strawberry flavor!”
Muli akong naupo sa bench at pinanuod sila. Masayang-masaya si Josh habang nakikihalubilo sa dalawa kong anak. Ilang taon din kaming hindi nagkita, at alam kong itatanong at itatanong niya ang nangyari noon.
Napatayo ako nang makitang nadapa si Yvianne. Akmang tatakbo na ako patungo sa kanila nang mabunggo ako nang kung sino kaya ako napaupo sa sementadong daan.“Pasensiya na” paghingi ko ng paumanhin at mabilis na itinayo ang sarili bago pa man niya ako matulongan. Pinagpag ko muna ang damit saka tumingin sa nakabunggo sa ’kin.
Napaatras ako sa gulat. Nagsimulang kumabog nang husto ang dibdib ko habang nakatingin sa ’kin ang seryosong mga mata ni Fourth. Marami ring ipinagbago sa mukha at pananamit niya subalit alam kong siya si Fourth. Mas nag-mature lang ang mukha niya pero sigurado akong siya si Fourth.
“I...” napalunok ako nang malaki.
“I’m sorry” sabay yuko ko nang kaunti. Napasulyap ako kina Josh na kasalukuyang pinipigilan ang kambal sa paglapit. Mariin akong napapikit bago muling sinalubong ang mga mata niya.Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya ang tungkol sa mga anak namin.
“Uh, puwede ka nang dumaan”
Kita ko ang dumaang galit sa mga mata niya dahilan kaya mas lalo pa akong kinabahan.
“So you’re back” malamig niyang sambit. Muli akong napalunok nang malaki.
Kumalma ka, Ysa. Kailangan mong mag-isip ng paraan para makaalis agad sa sitwasyon mong ‘to.
“I...” pinilit kong kinalma ang sarili.
“Mommy!” gulat akong napatingin sa magkabila kong binti kung saan nakakapit ang dalawa. Mabilis kong tiningnan si Fourth at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Kinuha ko ang chance na ‘yun para makaalis.
“I’m sorry but we need to go” agad kong hinawakan ang kamay ng dalawa saka sila hinila paalis.
“Ysa! Saglit lang!” rinig kong sigaw ni Josh at humabol sa ’min. Hindi ko na nilingon pa si Fourth kahit alam kong nakatingin siya sa amin ngayon.
Akala ko handa na ako. Hindi pa rin pala.
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...