Kabanata 32

100 16 15
                                    

“Anastasia Ysabelle Dela Merced” sambit ko sa buo kong pangalan nang maibigay ko ang invitation card. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ng mga anak ko nung hinayaan na nila kaming makapasok. Suot ko ang puting gown na binili ko noon sa Canada. Pero hindi ko mapigilan ang manlamig dahil bukas ang likurang bahagi ng damit. Mataas rin ang slit kaya dahan-dahan lamang ang ginawa kong paglalakad.

Gaya nga ng inaasahan, maraming tao rito. Nakikilala ko pa ang iba dahil kadalasan sa kanila ay may kaugnayan sa negosyo. Hinanap ko ang mag-asawang nakilala ko kanina.
Ano nga ulit ang pangalan nila?

Marilou at Richard?

Nabanggit nila kanina na anak nilang lalaki ang may kaarawan ngayon. Hindi ko lang alam kung bata ba o may edad kaya hindi na ako nakapagdala ng regalo. Sa susunod na lang naming pagkikita.

“Mommy, can we play with them?”
Sinundan ko ang tinuro ni Yvianne.
Nakita ko ang mga batang naglalaro sa gilid ng pool. Palakaibigan si Yvianne at kabaliktaran naman si Carson pero dahil gusto niyang protektahan ang kapatid palagi, sumusunod na lamang siya sa bawat gusto ni Yvianne.

“Okay, but be careful, ‘kay?” sabay ayos ko sa buhok niya bago binalingan ang tahimik na si Carson.
“Protect each other, got it?”

“Yes, mom”

Hinayaan ko silang lumapit sa mga bata. Ayos lang naman kung mabasa sila. Hindi naman kami magtatagal dito. Iniwan ko ang mga bodyguards ko sa bahay dahil alam kong napagod sila sa pinaggagawa ng mga anak ko kanina. Si Manong naman, nasa sasakyan lang, naghihintay.

“Ysa?”

Kinagat ko ang ibabang labi at tahimik na huminga nang malalim bago lumingon. Kapag may bumabanggit sa pangalan ko, maaaring isa sa mga kilala ko noon o makikilala ko pa lang ngayon.

Napatulala ako saglit nang bumungad sa ’kin si Dani.

“Anong ginagawa mo rito?” sabay naming bulalas.

“May nag-imbita sa ’kin kaya ako nandito. Ikaw?” Sa lahat pa talaga ng pagkakataon na puwede kaming magkita ulit, ngayon pa talaga.

“Who?” may inis niyang tanong.
“Hindi ka puwede rito, Ysa. Ano bang ginagawa mo rito sa Santa Cruz? Bakit ka pa umuwi? I already told you to let us handle the case—”

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinasabi dahil nakuha na ng atensiyon ko si Carson na inaawat ang kapatid at ang isa pang bata. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko nung may lumapit sa kaniyang isa pang bata at tinulak siya sa pool.

“Carson!” Dali-dali kong hinubad ang suot na heels at tumakbo palapit sa pool. Nanlaki ang mga mata ko nang may makasalubong akong waitress pero hindi ko na nagawang huminto.
Bumangga kami sa isa’t-isa kaya ako napaupo. Parang bumagal ang oras nang bumagsak sa ulo ko ang isang bote ng wine. Mariin akong napipikit sa sakit subalit hindi ko ‘yun pinansin at dumilat saka mabilis na itinayo ang sarili.

Nag-dive ako sa pool para iligtas si Carson. Narinig ko rin ang isa pang tunog ng pagbasagsak sa tubig ngunit dire-diretso lamang akong lumangoy sa kung saan bumagsak si Carson kanina. Nakita ko siya sa ilalim na pilit na iniaahon ang sarili. Mabilis akong lumangoy at inangat siya.

“Jesus Christ, Ysa! Tulongan niyo sila!”  nagpa-panic na sambit ni Marilou.
Tumulong ang asawa nito sa pag-angat kay Carson. Napasinghap ako nang may tumulong sa ’kin sa pag-angat mula sa tubig. Pero hindi ko tiningnan kung sino at mabilis na sinugod ang anak ko.

“Carson? Ayos ka lang ba, baby?” naiiyak kong tanong habang hawak-hawak siya. Nakahinga ako nang maluwag nung tumango siya at niyakap ako.

“Hindi ba siya marunong lumangoy, Ysa?” rinig kong tanong ni Richard.

“Hindi siya nakakalangoy kapag nagpa-panic” sagot ko at ginantihan ng yakap ang anak ko. Tumakbo rin palapit si Yvianne at niyakap kami. Tinanggal ko ang isa kong kamay mula sa pagkakayapos kay Carson at saka niyakap si Yvianne.

“How about you baby, are you okay?” tanong ko naman sa kaniya matapos kaming maghiwalay sa pagkakayakap.

“Opo, mommy. I’m sorry, Kuya. It was my fault”

Mabilis akong umiling at muli silang niyakap. “It’s okay...” bulong ko sa kanilang dalawa at pinaghahalikan sila sa mukha. “Ang mahalaga ay maayos kayo, okay?”

Tinulongan ko silang tumayo bago humarap sa mga tao.
“Pasensiya na sa gulo. Aalis na kami—” natigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Fourth. Basang-basa rin siya at hindi ko matukoy ang naghahalo-halong emosyon sa mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa ’kin at sa mga bata.

“Y-Ysa...”

Nanghihina kong nilingon si Dani.
“Y-Your head... It’s bleeding...”

Humawak ako sa ulo ko. May naramdaman akong malapot na likido kaya tiningnan ko iyon.

Dugo...

“Mommy!/Mom!”

Naramdaman ko ang unti-unti kong pagbagsak subalit hindi ako nasaktan dahil sa bisig na sumalo sa ’kin. Alam ko, ramdam ko, mga bisig iyon ni Fourth.

Nagising na lamang ako sa maliwanag na silid. Sa tingin ko naman ay hindi ‘to Hospital dahil sa ilaw at mga gamit. Gumalaw ako para umupo sa kama pero napangiwi ako at napahawak sa nakabendang ulo.

Biglang nag-flash sa utak ko ang nangyari.
“Carson!” kumabog nang husto ang dibdib ko at akmang aalis mula sa kama nang may pumigil sa kamay ko.
Unti-unting kumilos si Fourth na nakadukdok sa kama habang nakahawak ang isang kamay sa palapulsohan ko.

Mas lalo pa yatang lumala ang pagwawala ng puso ko nang itaas niya ang tingin. Kita ang pagod sa mukha niya na para bang ilang araw na siyang hindi nakakapagpahinga nang maayos.

“F-Fourth...” napalunok ako nang malaki at bahagyang ikinilos ang kamay para kumawala sa pagkakahawak niya pero mas lalo lamang ‘yung humigpit.
“B-Bitawan mo ako. Sinong nagbihis sa ’kin? Ang mga anak ko, nasaan?”

Umigting ang panga niya kaya mas lalo pa akong kinabahan. Galit na naman.

“They are mine, too” matigas niyang sabi, binalewala ang una kong tanong. “Kaya dapat ay mga anak natin, Ysabelle” pagtatama niya sa sinabi ko kanina. Hindi ako nakapagsalita at tinitigan lamang siya.

Alam niya na talaga?

Tumikhim ako’t marahas na binawi ang kamay. “Gusto kong makita ang mga bata. Ayos lang ba sila?” Pinilit ko ang sarili na kumilos kahit na kumikirot pa rin ang ulo ko. Mukhang napuruhan nga talaga ako sa boteng bumagsak sa ’kin. Hindi ko naman masisisi ang waitress dahil ginagawa lang naman niya ang trabaho niya. Ako ang nag-panic kaya iyon nangyari.

“They’re fine” sagot niya.
“Kasama nila natutulog ang mga magulang ko sa kabilang kuwarto” dagdag niya pa na ikinakunot ng noo ko.

“Mga magulang mo?” nagtataka ko siyang nilingon. Sa tingin ko ay nasa resort pa rin kami dahil rinig na rinig ko pa rin ang hampas ng mga alon sa kalayuan. Sumagi sa isip ko ang mga mukha nila Richard at Marilou.

Huwag mong sabihin na...

“Kaarawan mo ngayon?” Nakumpirma ko ang hinala nang hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya.

“Kilala nila ako dahil sa ‘yo. Kaya nila kami inimbitahan dito dahil sa ‘yo” Muli akong napalunok nang malaki.
Bakit ba kami pinaglalaruan ng tadhana? Hindi ito ang plano ko, e. Hindi sa ganito makikilala ng kambal ang ama nila.

“Kailangan kong makausap ang mga anak ko—”

“Stay in bed” mariin niyang utos.
“We’ll talk about this tomorrow. For now, you need to rest your injured head”

“P-Pero...”

Mahina siyang nagmura at marahan akong hinila pabalik sa kama. Ngayon ay pareho na kaming nakahiga sa kama. Dahan-dahan niyang isinandal ang ulo ko sa braso niya at mas lalo pa akong hinila palapit sa kaniya.

“Hindi na kita hahayaang makawala” mahina niyang bulong sa tenga ko bago ako pinatakan ng halik sa noo.
“I can finally sleep peacefully now that you’re here. You and our kids are the greatest gift I have ever received. Thank you for coming back.”

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon