Kabanata 19

121 32 19
                                    

"Gosh! You're so makinis! Anong sabon mo?"

Natatawa kong iniling ang ulo sabay bawi na ng braso ko sa marahan na paraan. Hinatid ako ni Fourth dito pero pagkatapos nun ay umalis din siya agad. May lalakarin din yata. Nakilala ko na ang ibang nagtatrabaho rin dito. At isa na nga sa kanila si Celine. Pero mas gusto niyang tawagin ko siyang Cel. Isa rin sa mga modelo.

"Uh, hindi naman mamahalin ang sabon ko"

Ngumuso siya at tumayo nang tuwid.

"Kahit na. Sabihan mo ako mamaya para mabili ko agad. Btw, after this, sama ka saamin?"

Inayos ko ang damit na suot at dinampot ang cellphone para tingnan kung may mensahe ba.

"Saan?" inosente kong tanong habang nakatingin pa rin sa hawak.

"Night out!" excited niyang sagot.
Binalingan ko siya nang may kunot ang noo. Night out? Iinom? Sasayaw? Hindi ako umiinom ng alak. Sa tingin ko rin naman ay hindi papayag si Fourth.

"Uh, puwedeng pass muna? Susunduin kasi ako mamaya"

"Weh ba?"

"Oo, pasensiya na. Sa susunod na lang"

Ngumuso siya at tumingin sa hawak ko.
"It will serve as a welcome party for you. Don't worry, puro babae ang kasama natin. And you can text your sundo, you know? Sabihin mo may lalakarin ka after this at magte-text ka na lang ulit if magpapasundo ka na," aniya at kumindat. "Who's your sundo, anyway? Boyfriend mo?" dagdag niya pa at humarap sa salamin para ayusin ang make up.

Namula ako sa tanong niya. Boyfriend? Si Fourth? Kagat-labi akong umiling. Hindi ko ma-imagine na magiging boyfriend ko si Fourth.
Magiging too good to be true iyon kapag nagkataon. Masyado siyang perpekto at hindi ako ang tipo niya.

Naalala ko ang sinabi ni Art. Marami siyang babae rito sa Maynila. Mas dumagdag lamang iyon sa mga dahilan kung bakit hindi kami puwede.

"Kaibigan lang," sagot ko at nagsimulang magtipa ng mensahe para sa kaniya. Siguro naman hindi siya magagalit kung makikipagkaibigan muna ako hindi ba? Tutal nandito naman talaga ako para maranasan ang mga hindi ko pa naranasan sa lugar namin.

"Fourth?" nakataas ang kilay ni Cel habang sumisilip sa mensaheng ipinadala ko.

"Bakit?" Kilala niya ba?

Umiling siya at tumayo nang tuwid.
"Wala. Baka ibang Fourth. Marami namang Fourth sa mundo. Anyway, so you're game tonight?"

Tumango at tipid na ngumiti.
"Oo, pero ayokong matagal masyado. Baka may gagawin pa siya bukas. Ayokong makaabala"

Nakapasok na kami sa loob nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Text iyon galing kay Fourth. Tinatanong niya kung nasaan kami. Nakita ko naman ang pangalan ng bar kanina kaya iyon ang isinagot ko.

Naupo kami sa isang mahabang upuan. Madilim ang paligid at ang mga naghahalong kulay na kumikislap lamang ang nagbibigay liwanag sa lahat. Maingay. Napakaingay. Pero normal lang naman yata ang ganito. May isang banda na kumakanta sa stage habang ang mga tao naman ay sumasayaw at sumasabay sa kanila.

"Are you okay?" sabay tapik ni Giya sa braso ko sa marahan na paraan.

"First time ko sa ganitong lugar pero oo, ayos lang ako. Salamat"

"First time? Wala bang mga bar or club sa inyo?" sunod namang tanong ni Sarah.

Hinintay ko munang matapos sa paglapag ng mga inumin ang waitress bago sumagot.
"Meron naman. Pero kadalasan kasi, mas gusto kong manatili na lang sa bahay o 'di kaya'y mamingwit sa tabing dagat kaysa pumasok sa mga ganito" Dumaan sa isip ko si Dani. Naikuwento niya minsan na nalasing siya noon at pinilit niyang mapanggap na hindi lasing nang maabutan niya si papa sa pag-uwi. Tawang-tawa pa siya habang ikinukuwento iyon.

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon