Kabanata 16

120 37 16
                                    

“This is Ysabelle, one of our models,” pakilala ni Luce sa ’kin. “Ysabelle, this is Rochelle. Remember the GJewell Magazine? She’s the owner of the company”

Ngumiti ako sa kausap niyang ginang at marahang inilahad ang kamay.
“It’s my pleasure to meet you po” magalang kong sabi. Ngumiti siya pabalik at tinanggap ang kamay ko.

“Maganda. Papayag ka ba sa i-aalok kong proyekto, Ysa?”

“Po? Ano pong proyekto?” inosente kong tanong at sumulyap kay Luce. Wala naman siyang naikuwento sa ’kin ah?

“Magtatrabaho ka saamin. Ikaw ang magiging mukha ng magazine namin this year. Papayag ka ba?”

Laglag panga kong tinuro ang sarili. Totoo? Ako? Bakit ako? Baguhan pa lamang ako sa industriyang ito. Bakit hindi ang ibang mga modelo rito?

“Sigurado po ba kayo? Ako po? Bago lang po ako” nahihiya kong sagot.

“Why not? You have the face. Maganda rin ang katawan mo. Bagay na bagay ka sa tema ngayong taon”

Kagat-labi akong yumuko. Gusto ko sana pero papaano ang pag-aaral ko?
Tiyak din naman ako na hindi papayag si papa.

“Ano po kasi. Nag-aaral pa po ako. Kailangan ko rin pong magpaalam kay papa dahil sa tingin ko ay hindi siya papayag na pumunta akong Maynila. Wala po kasi kaming kamag-anak doon.”

Marahan niyang hinawakan ang balikat ko kaya itinaas ko muli ang ulo ko para tingnan siya.
“You’re not a teenager anymore, Ysa. Decide on your own. I’m sure suportado ka naman ng pamilya mo sa kung ano man ang magiging desisyon mo. Sa pag-aaral mo naman, we’ll schedule the photoshoot sa summer. Ang kailangan mo lang gawin ay tapusin ang kung ano man ang kailangan mong tapusin. Kami na rin ang bahala sa hotel at iba pang gastusin. This is a big opportunity, Ysa. Papalampasin mo pa ba?”

Hindi nawala sa isipan ko ang sinabi ni Ma’am Rochelle. Oo aaminin ko, gusto ko talaga ang inaalok niyang proyekto. Gusto kong subukan. Wala naman sigurong masama roon hindi ba? The summer will be next month.
Kasama ko rin naman si Luce kung tatanggapin ko ang proyekto at sigurado akong hindi naman din niya ako papabayaan.

Huminga ako nang malalim at naglakad papasok ng bahay. Nakita ko si papa na nakaupo sa hardin. Ibinaba niya ang hawak na cellphone nang makita ako.

“Pa,” tawag ko at nagmano sa kaniya.

“Maupo ka muna,” seryoso niyang sabi na nagpakaba sa ’kin. Tumalima naman agad ako sa utos.

“Tumawag si Luce. May malaking proyekto raw na inaalok sa ‘yo sa Maynila?”

Mariin akong napapikit. Nakalimutan kong sabihin kay Luce na bigyan muna ako ng oras para makapagpaalam kay papa.

“Opo, pa” sagot ko sa mahinang boses.
Yumuko ako para iwasan ang tingin niya. Nararamdaman kong hindi siya papayag. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Isa sa mga naging rason ko nang pinasok ko ang pagmo-modeling ay para hindi ako masyadong ma-stress sa pag-aaral. Iyon rin ang sinabi ko kay papa kaya siya pumayag.

“Tinanggap mo ba o tatanggapin mo pa lang?”

Ngumuso ako at umiling.
“Hindi pa po. Gusto ko po sanang magpaalam muna sa inyo”

Itinaas ko ang ulo ko nang gumalaw siya para uminom sa baso ng kape na nasa mesa.
“Gusto mo ba?”

Kumabog ang dibdib ko sa tanong niya.
“Gusto ko pong subukan,” pag-amin ko. “Wala na naman kaming pasok sa susunod na buwan. Libre rin ang hotel at iba pang gastusin kaya—”

“Hindi problema ang pera, Ysabelle. Kung gusto mo talaga ‘yan, sige, papayagan kita”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at akmang magsasalita pero itinaas niya ang kanang kamay para pigilan ako.

“Pero sa isang kondisyon”

Muli akong ngumuso. Sabi ko na, e.
Pero ‘di bale na. Kahit ano man ang kondisyon niya, papayag ako. Chance ko na ‘to para makapuntang Maynila at masubukan ang mga bagay na hindi ko pa nasusubukan dito.

“Ano pong kondisyon?”

Inubos niya ang kape sa baso at marahan itong inilapag sa mesa saka tumingin sa ’kin.
“Kakausapin ko si Jacques. Nabanggit niyang may babalikan siya sa Maynila kaya sa kaniya ka sasama. Sa kaniya kita ipagkakatiwala”

Bumagsak ang magkabila kong balikat sa sinabi niya. Naghahalo-halo ang emosyon sa loob ko at hindi ko matukoy kong ano dapat ang maramdaman. Gusto kong umalma at magreklamo ngunit itinikom ko na lamang ang bibig at mahinang tumango.

Umakyat ako sa silid ko matapos ang pag-uusap namin ni papa. Walang lakas akong umupo sa kama at bumuntong hininga. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang kondisyon niya.

Bakit sobra-sobra ang tiwala niya kay Fourth? Papaano kung hindi siya papayag? Ibig sabihin hindi rin niya ako papayagan? Dapat ko bang kausapin si Fourth?

Ibinagsak ko ang sarili sa malambot na kama at tumitig sa kisame.
Kasasabi ko lang sa kaniya noong isang araw na kailangan muna naming iwasan ang isa’t-isa.

Naiinis akong pumikit.
Ang daya naman. Kung kailan desidido na akong iwasan at kalimutan siya saka naman ‘to mangyayari.

Padabog akong bumangon at tinungo ang banyo. Nakakairita. Makaligo na nga muna nang malamigan naman ang utak ko.

“Mag-iingat kayo palagi kapag gumagala sa kung saan. Malapit na ang election. Mahigpit ang laban para sa puwesto. Mahigpit rin ang laban ng mga taga-suporta. Baka kung ano pa ang mangyari sa inyo,” paalala ni papa habang kumakain kami.

“Tama ang papa niyo. Ayaw namin na mapahamak kayo. Lalo ka na, Ysa. Baka maulit na naman ang nangyari sa ‘yo noon. Mag-iingat ka palagi,” komento naman ni tita.

Tumango ako bilang sagot. Hindi naman ako palagala. Kapag walang pasok, kina Josh o ‘di kaya’y sa tabing dagat lamang ako tumatambay. May tiwala naman rin ako sa mga tao roon.

“Ikaw naman Dani, huwag ka munang sumama sa gala ng mga kaibigan mo”

Bumuntong hininga si Dani at tumango. Wala rin naman kasi siyang choice kapag mama na niya ang nagsalita. Dumaan ang mahabang katahimikan. Tanging tunog lamang ng plato, tinidor at kutsara ang maririnig sa buong silid.

“Nakausap ko na nga pala si Jacques” pagbasag ni papa sa katahimikan. Natigil ang kutsara sa ere nang akmang isusubo ko na iyon. Dahan-dahan ko ‘yung inilapag sa plato at hinintay ang iba pang sasabihin ni papa.

“Pumayag siyang isama ka sa Maynila sa susunod na buwan. Sa kaniya ka muna makikitira habang nandoon ka pa”

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon