Kabanata 15

142 39 18
                                    

Namamangha kong inilibot ang tingin sa ikalawang palapag ng mall na ipinapatayo niya. Nakakabilib dahil pulido ang pagkakagawa. Nakakamangha rin ang desinyo hindi katulad ng mga mall dito. Siguro sinadya niya rin para naman maiba.

“Ipinagkatiwala sa iyo ng dad mo ang ganito kalaking negosyo?” hindi ko makapaniwalang tanong. Kumunot naman ang noo niya at namamangha akong binalingan.

“Where’s the trust you gave to me when I taught you how to swim?” aniya sa mapang-asar na boses.

Umiwas na lang ako ng tingin. Ayoko na ‘yun maalala pa. Malaki ang pasasalamat ko sa mga ginawa niya para sa ’kin noon pero sadyang ayoko na talagang maulit pa iyon. Ang mapalapit sa kaniya ay delikado.

“Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa‘yo for you to treat me like this but I hope you’ll have the guts to tell me the problem so we can fix it immediately”

Mariin akong lumunok at tinalikuran siya. Fix immediately? Sa tingin niya ganoon kadali iyon?

Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na lang sa pag o-obserba sa lugar. Nakita kong dumaan ang dalawang babae na may dala-dalang mga pagkain kaya agad ko silang sinundan. Ibinigay nila ang mga iyon sa mga nagta-trabaho.

Napangiti ako. Mukhang uhaw na uhaw sila dahil imbes na pagkain ay malamig na tubig at juice ang kinuha nila.

“Uh, miss?”

Gulat akong napatabi.
“Sorry,” sambit ko dahil nakaharang pala ako sa daan kanina pa. Ngumiti siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mga kasama habang buhat-buhat ang isang sako ng semento. Uminom muna siya saglit at muling nilakad ang direksyon pabalik. Saglit siyang sumulyap sa ’kin bago ako nilampasan ngunit agad na naglakad paatras para bumalik at huminto sa harapan ko.

“Isa kang Dela Merced, tama ba?”

Mabilis akong tumango.

“Tama ako! Ikaw si Ysabelle, tama ba?” malawak ang kaniyang ngiti nang magtanong ulit.

Muli akong tumango bilang sagot.
Sa tingin ko naman ay magkasing-edad lamang kami. Nagmumukha lang siyang mature dahil sa katawan niyang batak na batak ang muscles.

“Tama ulit ako!” halakhak niya at pinagpag ang kamay at itinaas iyon sa ere. “The name is Art,” pakilala niya sa sarili.

Tipid akong ngumiti at tatanggapin na sana ang kamay niya pero binawi niya iyon.

“Sorry, alam kong madumi—”

“Ayos lang naman,” pagputol ko sa sasabihin niya habang nasa ere pa rin ang kamay. Ngumisi siya at tinanggap iyon.

May tumikhim sa likuran ko kaya agad siyang napabitaw. Bahagya akong napairap dahil kilala ko na agad kung sino. Pumagitna siya saamin na naging dahilan kaya hindi ko na makita pa si Art. Malaki kasing tao ‘tong si Fourth.

“Hi, pinsan. Tutulong ka ba ulit saamin?” rinig kong tanong ni Art sa kaniya. Napaamang ako sa narinig. Pinsan?

“No,” matigas na sagot ni Fourth.

Sumilip ako mula sa likuran niya at palipat-lipat silang tiningnan.
“Magpinsan kayo?”

Tumawa si Art. “You can say that. Nagtatrabaho ako sa kaniya para mabayaran ang utang ko. I destroyed his precious car kasi”

“So galing ka rin ng Maynila?” tanong ko ulit.

“Yup! Pumupunta lang ako rito kapag nakakalibre nang oras”

Napatango ako at napakagat labi.
Nakakahiya. Akala ko katulad siya ng mga nagtatrabaho rito.

“Madami na akong nakitang maganda rito sa lugar niyo, Ysabelle. Pero mas lamang ang ganda mo—”

“That’s enough.”
Napaigtad ako sa malamig na boses ni Fourth nang putolin niya ang pagsasalita ni Art.
“Go back to your work, Artillan” dagdag niya pa at bumaling sa ’kin.
“And you. Anong gusto mong kainin?”

“Grabe ka naman, couz. Share your blessings uy. Marami ka ng mga babae sa Maynila. Why not spare Ysa—”

“Hindi ko na uulitin ang sinabi ko”

“Fine! Fine! Ito na babalik na. Ito naman hindi na mabiro”

Natatawang umalis si Art at iniwanan kami. Walang emosyon kong sinalubong ang madilim niyang mga mata.

Maraming babae pala ah?
“Hindi ako gutom,” pagsagot ko sa tanong niya kanina saka siya tinalikuran. Mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa pinsan niya kaysa sa kaniya.

“What’s with your taste when it comes to men?”

Inis ko siyang nilingon.
“Ano naman? Bakit ba parang apektadong-apektado ka?” Hindi ko na alam kung anong iisipin. Bakit ba siya ganito kung umakto?

Napalunok ako nang malaki nang maglakad siya palapit sa ’kin. Pamilyar ang eksenang ito kaya agad akong tumalikod at akmang aalis nang hilahin niya ang palapulsohan ko at hinila ako papasok sa elevator.
Pinindot niya ang top floor gamit ang libreng kamay at tumabi sa ’kin habang papaakyat.

“Bitawan mo nga ako. Saan tayo—”

“Let’s talk in my office”

Office? Bago pa man ako makaalma ay tumunog na ang elevator. Bumukas ito at hinila niya ako palabas. Nilakad namin ang daan patungo raw kuno sa office niya at marahan akong tinulak papasok.

Nakaamang kong inilibot ang tingin sa silid. Ito ang office niya? Maganda ang napili niyang desinyo. Simple pero bumabagay sa nagmamay-ari.

“Have a seat”

Nagkibit-balikat ako at sumunod.
“Anong pag-uusapan natin?”

Dahan-dahan siyang umupo kaharap ng inuupuan ko at tumitig sa ’kin.
“Tell me, may problema ba tayo?” may bahid ng pag-aalala ang boses niya. Umismid ako at umiwas ng tingin. Ayokong sagutin ang tanong na ‘yan dahil hindi ko rin alam kung papaano ko ipaliliwanag ang parte ko. Bakit nga ba ako inis sa kaniya?

Dahil sa sinabi niya noon?
Na ayaw niya sa mas bata sa kaniya?
Na ayaw niya sa ’kin kasi nakikita niya lamang ako bilang nakababatang kapatid?

Malalaman niyang may gusto ako sa kaniya kapag sinabi ko ‘yun.

Napatigil ako sa naisip. Gusto ko pa rin ba siya? Ilang taon na ang nagdaan. Puppy love lang naman iyon, hindi ba? Isang simpleng paghanga lang.

“Hey”

Binalingan ko siya at pinakiramdaman ang sarili. Nandito pa rin ang pakiramdam na iyon sa tuwing malapit siya, sa tuwing nakatingin siya sa ’kin, at sa tuwing kinakausap niya ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ngunit may parang nag-iba. Hindi ko lang matukoy kung ano.

“Puwede bang...” panimula ko at huminga nang malalim.
“Layuan mo na lang ako?”

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
“And why would I do that?”

“Kung napapalapit ka na sa pamilya ko, lalo na sa papa ko, okay lang. Pero iwasan mo sanang magkalapit ang mga landas natin—”

“What are you talking about?” sabay tayo niya. Akmang lalapit siya pero tumayo ako at tinalikuran siya saka naglakad palapit sa mga paintings na nakasabit sa pader.

“Naitanong mo kanina kung nasaan na ang tiwalang ibinigay ko sa ‘yo noon hindi ba?” Marahan kong hinawakan ang isa sa mga paintings at mapait na ngumiti bago siya nilingon.

“Naglaho na iyon ngayon,” pagpapatuloy ko habang nakatingin sa seryoso niyang mga mata.
“Nawala na ang tiwala ko sa ‘yo, Fourth. Kaya mas mabuting iwasan muna natin ang isa’t-isa. Mas nakabubuti ‘yun para saatin.”

Through the Waves of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon