[A/N: You have reached the end. Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nagustuhan niyo ang storya nina Fourth at Ysa. Hanggang sa muli. Maraming salamat ulit!]
—
“Ikaw si Fourth, tama?” a woman in her thirties asked me. I was 5 years old that time. Kaibigan siya ni papa. Madalas siyang pumupunta sa tabing dagat kasama ang isang batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay anak niya.
Tumango ako bilang sagot.
She smiled. “Dito ka” she then tapped the space beside her. Nasa itaas kami ng malaking bato. Kasalukuyan niyang sinusuklay ang buhok ng batang babae na natutulog sa hita niya.
I sat beside her. Naisip ko si mama. My mother died after I was born. Hindi na namin iyon napag-usapan ni papa dahil ayaw niyang sisihin ko ang sarili ko.
Sinubukan kong silipin ang anak niya pero nahuli niya ako kaya naupo na lamang ako nang tuwid.
“You want to see her?” she laughed.
“Lumipat ka rito” I guess she’s talking about the other side. Mabilis akong tumayo at lumipat.My eyes were fixed at the girl who was sleeping. Maputi ang kaniyang balat. Tuwid ang kaniya buhok pero kulot sa dulo. She looks so innocent and kind.
“Her name is Ysabelle. She’s beautiful, right?”
Ysabelle. Hindi ko nakalimutan ang pangalang ‘yun. Lumipas ang isang taon, nabalitaan ko kay papa na pumanaw na ang kaibigan niya dahil sa sakit na cancer.
Months after that, nagkasakit ako kaya isinugod nila ako sa Hospital.
Sa pangingisda lang kami nabubuhay simula noong itinakwil si papa ng pamilya niya dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa kaya nahirapan siya sa paghahanap ng pera para maoperahan ako.Ilang Linggo akong sa hospital.
Nang gumaling ako, nabalitaan ko na lang na wala si papa.He died to save me.
Namuo ang galit sa dibdib ko. He’s a good father. Mas lalong lumala ang galit ko nang sa pagdaan ng isang taon ay parang hindi na iyon nangyari.
Ang kaso ni papa ay naibaon kasama niya. Doon ko naisip kung anong nagagawa ng posisyon at pera. Power and money claim a darker duality, casting a pall of shadows upon the fabric of our society. Kapag may pera ka, kapag nasa itaas kang posisyon, kontrolado mo ang lahat.
Morality and compassion are oftentimes swallowed by the beast of greed, and the true wealth of human connection is abandoned to wither in the shadows.
“Welcome to the family, hijo”
Mrs. Villamor welcomed me with a smile. Matapos mailibing si papa, they took me in. Nawalan din sila ng anak noong gabing nag-aagaw buhay rin ako sa Hospital.I became Jacques Wennrich Villamor.
Pero bago ako umalis sa Santa Cruz, I swore in my father’s grave that I will be back.“Fourth, huwag mo sanang idamay si Ysa” nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Aling Matilda. Kaaalis lang nung batang Dela Merced. I misunderstood her question when she asked me kung mangingisda ba ako kaya ako napatingin sa damit ko kanina. Biglaan lang ang pagbalik ko kaya hindi ko nakapagdala ng damit. I just borrowed this from Mang Kanor.
I clenched my jaw.
“Mas mabuti kung huwag na lang kayong makialam” I walked away.The third time we met, I saved her from drowning. Ni hindi pa siya nadala at muling binalikan ang mga gamit niya na ikinairita ko. She’s such a hardheaded. Muntikan na ngang mamatay.
“Are you sure na anak siya nung pumatay sa papa mo?” Cavin asked while we’re drinking.
“She’s so kind and innocent. Binigyan ka pa ng isda” sabay halakhak niya.
BINABASA MO ANG
Through the Waves of Tomorrow
RomanceHindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtata...